Chapter 35

38 1 1
                                    

Chapter 35

Apart

Kinakabahan ako habang bumababa ng hagdan. Hindi lang dahil sa nakita ko ang ex boyfriend ko at ang dating kaibigan, kundi dahil din sa mga tingin ng mga tao sa'kin.

Matipid akong nakangiti kahit hindi kumportable.

"Miss Palmares, right? The scholar of del Real Foundation? Congrats!" as far as I know, she's one of the co-investors of this foundation. "Ah, I'm Eunice!"

"Yes, I was. Nice meeting you, Miss Eunice," ngumiti ako sa kaniya.

She is stunning because of her white skin color, glossy lips and glass skin. Siguro ay alagang-alaga ang kaniyang balat. Bukod pa roon, kapit na kapit sa kaniya ang maliit na gold silky dress.

Tumungo siya para mag-hangad ng beso kaya ginawa ko rin iyon.

"Nice meeting you too. I saw you awhile ago, you have a child na pala?" tumikhim ako dahil sa tanong niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya ngumiti na lang ako.

"So the father's Mr. Chua? You know he's really a great man." Natawa siya at tumungo para bumulong. "He's one of my crushes before."

I don't know what to say! Ni-hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na hindi si Kit ang ama ni Vane.

Ngumiti siya nang tumingin sa likod ko. "My gosh, hi, Jonas!"

Agad akong kinabahan dahil sa pangalang binanggit niya. I tried to escape from our conversation, but she held my wrist as if we're that close. Hinila niya ako kahit obvious na ayokong sumama.

"Jonas... this is Miss Palmares of Niklaus Velazquez' RPA Company," nakangiting tugon ni Eunice. "Miss Palmares, this is Jonas... an... uh, old fli- friend?" natawa siya.

I pressed my lips and gulped. Umangat ako ng tingin kay Jonas at ngumiti ng pilit. Hindi niya ulit iyon sinuklian.

Okay.

"Hello, Jonas..." mahina kong tugon at yumuko ng konti, sapat na para makita niyang nakatingin ako sa kaniya.

For the first time after the few years, I said his name again. It was a weird feeling. I don't know how to identify how I feel but it is just... weird.

"Kamusta?" my lips parted because of the question.

Napaangat ako ng tingin sa mga mata niya dahil sa pagkabigla. I met his gaze. Hindi ko akalang mas gumanda ang mga mata niya. Mapungay kapag malungkot, matalim kapag galit at nawawala kapag masayang-masaya. Hindi ko rin inakalang makikita ko ulit ang mga ito.

My heart melted. I shouldn't be feeling this. Naka-move on na ako. Hindi ko lang siguro nakalimutan kung anong naramdaman ko sa kaniya noon.

"Oh, the other one, Mr. Clyde!" tuluyang umalis si Eunice nang makita si Mr. Clyde.

My eyes narrowed when I saw his brother. Okay na sila ngayon? Hindi na sila magkagalit?

"I'm... I'm fine, good... great?"

Seryoso pa rin at malamig ang kaniyang tungo sa'kin nang binalikan ng tingin ko ang mga mata niya.

"So, you have a child now?" I assumed that he is disappointed to ask that.

I smiled awkwardly. "Uhm, how old's Clinton?"

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon