Chapter 21

41 3 0
                                    

Chapter 21

Date

Ilang araw na ang nakaraan, hindi ko pa rin nasasabi kay Jonas na nagtatrabaho ako. Hindi ko lang alam kung paano dahil alam kong hindi siya papayag.

"Bwiset! Ang hirap!" pagod na pagod na sinabi ni Piolo habang nakatingin sa laptop niya. "Naiiyak na ako..."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Go Pio! Wala kaming talent d'yan, e," sabi ni Cassie.

"Kiss mo nga ako Cass para naman magka-energy ako." Asar ni Pio sa kaklase.

Cassie's face turned red, pero agad din itong nawala nang hinampas niya si Piolo gamit ang notebook na hawak.

Kurt looked at them too, pinapanood kung anong ginagawa ng dalawa.

"Wala pa si Kobe? Asan na kayo 'yon? Lagi na lang late! My God!" Cassie said.

"Palagi mo na lang hinahanap si Kobe, nagseselos na ako," ngumuso pa si Pio para magpaawa kay Cassie.

"Gago!" Cassie cursed at his face.

"Kay Daddy Kurt na lang nga ako, hindi pa ako ihuhurt." Napangiwi ako sa linya ni Pio.

Niyakap ni Pio si Kurt at agad namang inalis ni Kurt ang kamay ni Pio sa bewang niya.

"Gago ka ba talaga, Piolo? 'Wag ka ngang makulit d'yan!" naiinis na tugon ni Cassie.

"Bakit? Nagseselos ka sa'min ng Daddy Kurt ko?" inirapan ni Pio si Cassie kaya inis na inis ito sa kaniya.

Nagkulitan lang silang dalawa habang kami ni Kurt ay seryoso na sa ginagawa. Magkatulong kami sa pag-program kaya mas mapapadali ang ginagawa namin. Tumutulong din naman ang iba pero kami talaga ang naka-assign.

Dumating si Kobe na pawis na pawis. Naglakad daw siya simula bahay nila dahil walang masakyang jeep. Wala naman ng nagreklamo dahil seryoso na rin sa ginagawa nila.

Piolo growled and Kurt whistled. Nagkatinginan pa ang dalawa kaya natawa kaming lahat. Nagtaas baba ang kilay ni Pio at si Kurt naman ay umiling.

"Yieeee... Destined tayo, Daddy Kurt!" asar ni Pio.

"Bobo ka Pio! Tulungan mo ako rito," sabi ni Kobe, pertaining to the game's character.

Napabuntong hininga ako dahil mahirap talaga kahit mayroon ng katulong. Kahit na kasi gusto akong tulungan ni Jonas ay hindi ko pinapayagan dahil pagod na pagod din siya sa pag-OJT. Lalo na't patapos na ang pag-OJT niya.

Hinilot ko ang likod ko at nag-stretching ng konti.

"Oh, tubig," sabi ni Kobe at inabot ang bottled of water.

"Bayaran na lang kita mamaya."

"Bigay ko na 'yan. Grabe ka naman, tubig na lang 'yan, sa tingin mo papabayaran ko pa 'yan?" natatawang tugon ni Kobe sa'kin.

"Kinse pa rin 'to 'no. Maka-lang naman 'to!" sambit ko sa kaniya.

"Ibig kong sabihin... ah, basta, Anna. 'Wag mo nang bayaran!"

Hindi ko alam kung mabait lang ba siya sa'kin o naaawa. Palagi niya akong nililibre kapag may group meeting kami o kahit wala. Siguro'y naaawa siya sa'kin dahil nagtatrabaho ako sa kanila.

Umalis na ang mga classmate namin habang ako ay nagliligpit pa ng laptop ko.

"Kobe, about pala sa uh, pagrenta ng room space. Available pa ba 'yon? Lilipat sana ako this week eh," nahihiyang sabi ko sa kaniya.

The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon