Chapter 13
Marta
Ilang Linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Mama. Medyo bored na nga ako sa bahay dahil ako palagi ang naiiwan. Wala rin naman akong mapuntahan dahil ang mga kaibigan ko ay medyo malayo dito sa lugar namin. Tinatamad rin naman akong lumabas.
Si Nadine ay nasa bahay ng kaibigan niya at si Jarred ay tinatapos iyong project nila sa Journalism.
Minsan iinisip ko rin kung bakit ganoon si Jarred. Hindi man lang mag-enjoy kahit sandali. Gustong-gusto ay palaging productive. Okay naman 'yon, dahil doon naman siya nag-eenjoy. Kung ako lang naman sa kaniya ay gi-gimmick din ako pag may extra time.
Habang ako ay puro lang coding dahil bored na bored na rin naman sa bahay. Hindi naman tumatawag o nagtetext si Jonas. Ayoko siyang i-text o i-call dahil baka busy siya. Mas okay kung siya ang mauunang gumawa 'non. Saka, hindi talaga ako sanay na ako ang unang nagtetext sa lalaki.
Isang week na lang, pupunta nanaman ako sa Manila. Hindi naman sa ayaw ko sa Catanduanes pero thinking about going back to Manila gives me the feeling of excitement. Siguro ay dahil mas marami na akong naging kaibigan duon at mas sanay na ako sa mga tao kesa sa sarili naming lugar.
Maya-maya lang ay narinig kong nagring ang phone ko. Halos matapon ko ang hawak kong laptop dahil sa sobrang excitement. Is it Jonas?
My goodness Anna, now I know why you are excited to go back to Manila.
Nang matingnan ko ang screen ng phone ko ay napaismid ako sa disappointment. Si Kuya Raf pala! Bakit kaya 'to napatawag?
"Hello couz!" aniya.
"Ano?"
"Wow, ang sungit naman. Ano meron?" tanong niya, tumatawa sa kabilang linya.
"Wala naman. Bakit ka napatawag, Rafael?" tanong ko pabalik.
"Tungkol ulit sa offer ni Mr. Echari sa'yo. Nangako ako sa kaniya na kukulitin talaga kita hangga't di ka pumapayag. Ikaw talagang babae ka, bakit ba ayaw mong tanggapin iyong offer? Experience na 'yon, Anna." Pagpupumilit niya sa'kin.
"Rafael, focus nga ako sa studies ko. Saka hindi ko muna kailangan ng experience sa isang company. Gusto kong magsimula sa mababa, doon muna ako nababagay."
Who am I kidding here?
"Hindi ko alam kung may sira ba ang ulo mo, Anna o ano!Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Not everyone has given the opportunity to work at this kind of company. Isang malaking company 'to, couz. You better think twice."
"Raf, I thought about it multiple times. It's just that, I don't really want to work while I'm studying. Kaya pa naman ng budget ko na makapag-aral ng hindi nagtatrabaho. Okay rin naman ang scholarship ko."
"Ikaw, matalino kang tao. Pero dito talaga, hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo. Is this because of your boyfriend? Galit siya kay Mr. Echari? Do you want me to tell your father about this? Kahit na hindi kami ganon ka-close ni Tito, I will really tell him about this, Anna."
Napabuntong hininga ako sa mga sinabi niya. Hindi niya kasi naiintindihan kung bakit ko 'to ginagawa. I want to protect someone.
"Rafael, please. This is not about anyone else. 'Wag ka ng makulit. Hindi nga ako interesado, okay? Matanda naman na ako. Alam ko na ang ginagawa ko. Bakit mo ba ako pinipilit, Raf? Did he offer something to you?" naiinis na tanong ko sa kaniya.
Hindi muna siya sumagot. Ilang segundong walang nagsalita sa'ming dalawa. Nang marealize ko ang sinabi ko ay agad akong naguilty.
"I-I just thought I can help you. But okay, if you really insist, I won't bother you about this anymore..." aniya.
BINABASA MO ANG
The Hidden Flaws - Bicolana Series #1 (COMPLETED)
RomanceAnnalistica Mariachi Palmares was born in a typical family. It was simple yet complicated. Parang siya. Simple ngunit kumplikado. It was very unexpected when she met the one that she will love. Hindi niya inakalang mamahalin niya pala. But, will she...