08

108 93 0
                                    

Naghahalong tuwa at kaba yung nararamdaman ko ngayong araw. This is it! Ito na iyon! Nagsisimula na akong abutin isa isa yung mga pangarap na gusto ko.

Inilibot ko yung tingin ko sa loob ng auditorium at hindi mawala wala sa labi ko yung ngiti. Sobrang sarap pag masdan na lahat kami ay umabot sa puntong ito. Alam kong hindi lang din ako yung masaya ngayong araw na ito dahil sobra sobrang saya yung nararamdaman ng mga kapwa kong estudyante dito.

"Pascual, Ava Martha S. Nag kamit ng ikalawang karangalan."

Nakangiting tumungtong ako sa stage at pinipigilan ang sariling huwag maluha. Sobra sobrang saya ko. Hindi ko ineexpect na may makukuha akong karangalan ngayong araw na ito.

"Whoaaaaaah! Baka Ava ‘yan!" Rinig kong sigaw nila Nathan at Kiko. Nag tawanan naman yung ibang estudyante at yung mga guro namin.

"Congrats sister!" Aniya ni Kim at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti din naman ako ng yakap dito at binati din siya. Wala mang nakuhang karangalan si Kim ang mahalaga sabay kaming nakapag tapos.

"Thank you Kim!" Aniya ko habang naka ngiti. Nag take lang kami ni Kim ng ibang pictures bago ako tuluyang pumunta sa pamilya ko na kanina pa ako inaantay.

"Ma! Tay!" Tawag ko sa kanila at dali daling niyakap silang dalawa.

"Congrats anak! Proud na proud kami sayo ng mama mo." Sabi ni Tatay at may iniabot sa aking paper bag na gold.

"Thank you Tatay!" Naka ngiting pasasalamat ko dito.

"Congratulations anak kong maganda!" Sabi ni Mama at hinalikan ako sa noo.

"Salamat Mama kong maganda!" Natatawang sabi ko dito at yumakap sa kaniya. Hindi na sumama pa yung dalawa kong Kuya dito sa ceremony dahil doon na lang daw nila kami iintayin sa isang restaurant na naipa-reserve nila.

"Tara na? Nag aantay na panigurado doon ang mga Kuya mo." Naka ngiting sabi ni Tatay.

"Wait po! Susunod po ako!" Sabi ko sa kanila at mabilis na hinanap sila Adam, Nathan at Kiko para batiin ang mga ito at iabot sa kanila yung mga regalo ko. Nabigay ko na kay Kim yung regalo ko kanina pa lang bago magsimula yung ceremony.

"Ava! Tara picture!" Sigaw ni Nathan sa akin at hinila ako. Hindi naman na ako naka tanggi pa dahil gusto ko din namang maki picture sa kanila.

Sa tingin ko‘y Mama ni Nathan itong kumukuha ng litrato sa aming apat. Hindi ko na kasi mahagilap pa si Kim. Siguro ay mamaya na lamang. Napag usapan kasi naming mag babarkada na bukod yung pag kain namin sa labas kaysa sa mga family namin.

"Oh! Oh! Kayong dalawa ni Adam dali!" Sabi ni Nathan at ipinagdikit kaming dalawa ni Adam. Hindi ko naman maiwasang kiligin.

"Okay! 1... 2... 3! Wacky naman!" Sabi ni Kiko na ngayon ay siya na pala ang kumukuha ng litrato sa amin.

"Congrats Adam. Naks! Valedic! Told yah!" Naka ngiting bati ko kay Adam at niyakap ito. Chansing.

"Thankyou Ava! Nahiya naman ako sayo pangalawa!" Natatawang bati din sa akin ni Adam at niyakap din ako pabalik. Narinig kong inasar pa kami nila Nathan at Kiko bago ako tuluyang humiwalay ng yakap sa kaniya.

"Congrats mga kalokoy!" Bati ko kay Nathan at Kiko at iniabot sa kanilang dalawa yung regalo ko.

"Wow! May pa ganito ah? Thank you!" Sabi ni Nathan.

"Salamat, Ava babes!" Sabi naman ni Kiko.

"Ako wala?" Rinig kong bulong ni Adam habang naka nguso. Kakainis! Bakit ang cute?! Kiss kita dyan!

"Kiss mun-"

"Okay. Wait!" Aniya ni Adam at hinalikan ako sa pisngi.

Gulat na gulat ako sa nangyari at tanging hindi ko magawang magsalita dahil sa pagka bigla. To-totoo ba iyon? Hinalikan ako ni Adam?

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon