11

103 77 0
                                    

"Casper! Tara na!" Sigaw nung babaeng kasama nitong Casper na ito. Teka. Tama ba? Casper ba talaga yung pangalan nito?

"Oo sandali! Hindi pa nga nakakakuha diba? Atat? Atat?!" Nangangalaiti na sigaw na pabalik nito.

"Excuse me." Sabi ko at umalis na doon. Wews. Mukhang nangangamoy away yata mamaya para sa kanilang dalawa ah. Wag naman sana.

"Masarap kaya ito?" Tanong ko sa sarili ko habang tinitignan itong cookies na hawak hawak ko. Hindi naman ako mahilig gaano sa mga chocolate chips kaya sige... kukuha ako ng isa. Isa lang. Baka kasi masayang lang.

Nang makuha ko na yung mga kailangan kong bilhin ay pumunta na ako sa counter para bayadan yung mga pinamili ko. Sana naman sumakto itong perang dala dala ko. Hindi ko naman kasi dinala lahat ng perang binigay sa akin ni Tatay at Mama.

"One thousand seven hundred pesos po, maam."

Anak ng pucha! Seryoso ba? Halos parang kanina lamang ay iniisip kong sana sumakto itong pera ko... pero, mukhang malas talaga ako!

Five hundred lang yung dala dala ko! Saan ako kukuha ng kulang? Argh! Hindi naman pwedeng pag intayin ko yung cashier. Badtrip naman oh.

Hindi ko naman pwedeng ibalik itong mga pinamili ko na dahil kakailanganin ko din itong mga ito.

"Maam? May problema po ba?" Napabalik ako sa wisyo ng muling mag salita yung cashier na nasa harapan ko.

"Uhm... ano kasi... ano." Hindi ko alam yung sasabihin ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay umakyat na sa ulo ko dahil sa sobrang kahihiyan.

"Miss matagal ka pa ba riyan? Naiinip na yung kasama ko sa labas oh! Baka gusto mong umalis na?"

"Sorry... Sorry po." Paumanhin ko dito sa lalaking nasa likod ko. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao dito sa loob ng grocery store. Argh! Nakakahiya. Ayoko. Ayoko ng atensyon...

"Ano Miss?" Pikon na tanong nitong lalaking nasa likuran ko. Hindi ko alam kung sadyang O.A lang ba talaga ako kaya nagsisimula ng mag tubig yung gilid ng mata ko.

"Kasama namin siya. Magkano yung sa kanya, Miss? I'll pay."

Agad na napa angat yung tingin ko sa pamilyar na boses na nag salita at laking gulat ko ng nalaman kong ito yung lalaking naka bangga ko kanina...

Casper?

Seryoso ba ito? Seryoso ba talaga? Hindi ko ineexpect na gagawin ito ng lalaking ito... ni hindi ko nga siya kakilala.

"Tara, miss. Doon na lamang natin intayin si Casper." Aya sa akin nung kaibigan niyang babae. Tumango na lamang ako dito bilang tugon at binigyan ng huling sulyap si Casper na nagbabayad ng mga pinamili ko.

"Tissue?" Aniya nitong babaeng kaibigan ni Casper.

"Salamat." Mahinang tugon ko dito at pinunasan yung gilid ng mata ko.

"Kaila. Ikaw? Siguro maganda rin yung pangalan mo ‘noh? Parang ako. Ano ba! Ako lang ito!" Sunod sunod na sabi nitong si K-kaila. Hindi naman siguro madaldal ito... Sana nga.

"Martha... Ava Martha." Nahihiyang tugon ko dito. Agad naman itong nakipag kamay sa akin kaya tinanggap ko ito.

"Anong nangyari sayo? Nakalimutan mo ba yung pera mo?" Tanong nito sa akin. Umiling lamang ako dito bilang tugon dahil hanggang ngayon ay nahihiya ako. Nakakahiya talaga.

"Kung ganoon? Eh ano?" Muling tanong nito. Okay. Okay sabi ko nga mali ako... Mukhang sobrang daldal nga siguro nitong si Kaila...

"K-kulang yung perang dala ko..." Nahihiyang tugon ko pa din dito. Tinitigan ko naman siya dahil halos nakaka agaw pansin yung hikaw niya sa ilong. Uso pa din pala iyon dito ‘noh? Astig. Ang astig niya tignan.

"Maganda ba ako Martha?" Nakangiting tanong ni Kaila sa akin ng mapansin niyang naka titig ako sa kaniya.

"Oo..." Aniya ko at umiwas din agad ng tingin.

"I know! I know Martha! Ano ka ba naman! Hindi ako pumapatol sa babae ha. Straight ako pinapaalalahan lang kita." Aniya nitong si Kaila na ikinagulat ko.

"Ha?" Gulat na gulat na sabi ko dito. May pagka baliw din pala itong isang ito?

"Wag mong pansinin yang siraulong yan! Oh!" Agad na naalis yung tingin ko kay Kaila ng may maramdaman akong mabigat sa balikat ko which is si Casper pala na naka akbay sa akin.

"S-salamat... Babayadan ko din ito." Mahinang tugon ko sa kanya at kinuha sa kanya yung plastic bag na punong puno ng mga pinamili ko kaganina.

"Wala yon! May gagawin ka pa ba, Miss?" Tanong ni Casper sa akin. Bigla naman akong napaisip doon... May gagawin pa ba ako? Hmm... Wala naman na. Magpapahinga sana kaso mukhang pakiramdam ko ay tinamad na din akong magkulong lang sa condo.

"Wala naman. Martha. Im Martha." Aniya ko dito.

"Sounds great! Kain tayong wings? Arat? Arat!" Sabi ni Kaila at walang ano ano‘y hinila ako. Okay. Sabi ko nga sasama ako.

"Anong flavor sayo Martha? Ito! Try mo itong original flavor nila! Grabe panalo!" Aniya ni Kaila.

"Uhm..." Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Sundin ko ba yung sinabi niya? Pero... Ano... Kasi... Hindi naman ako mahilig sa spicy.

"Hayaan natin siyang mag decide Kaila. Pakielemera ka talaga ‘noh?" Sabi ni Casper kaya naman nakatanggap ito ng pag irap galing kay Kaila.

Kung hindi ko lang alam na mag kaibigan sila iisipin ko talagang mag karelasyon silang dalawa... Pwede naman sila diba? Hindi ko alam. I mean hindi ko pa alam.

"Garlic Parmesan na lang yung sakin." Aniya ko sa kanilang dalawa.

"Drinks?" Tanong ni Casper sa akin.

"Mango shake na lang." Aniya ko dito at muling umiwas ng tingin. Hindi pa din talaga ako sanay. In short nahihiya pa din ako until now sa kanilang dalawa.

"Same! Me mango shake too! Thanks!" Sabi ni Kaila kay Casper. Tumango naman si Casper bilang tugon dito at umalis para sabihin yung mga flavor ng wings na napili namin.

"Saang university ka pala magaaral Martha?" Tanong ni Kaila sa akin. Agad ko namang binuhay yung phone ko at ipinakita sa kaniya yung pangalan ng university na papasukan ko.

"Seriously?! Hala! Same! Same! Kami rin ni Casper riyan papasok!" Tuwang tuwang sabi ni Kaila sa akin at niyakap pa ako. Siguro sobrang saya nga lang talaga niya.

"N-nice." Nahihiyang sabi ko pa rin sa kaniya at ngumiti ng pilit. Hindi ko alam bakit pero parang natatakot na ako uli't magtiwala... Natatakot na akong maloko... Hindi ko alam.

"Nagugutom kana ba Martha?" Muling tanong na naman ni Kaila sa akin. Siguro kung gusto mo ng makakasama or makaka kwentuhan maisusuggest kong si Kaila na yung piliin niyong isama... Hindi kayo mawawalan ng topic na paguusapan pag ito yung kasama niyo.

Sinagot ko lang ito at muli na naman itong nag tanong about sa last school na pinasukan ko.

Inabot din mahigit ng kalahating oras yung orders namin dahil sobrang daming tao dito sa loob ng Wings Club kaya mas pini-prioritize yung mga nauna.

"Hindi pa ba natin gagalawin itong mga pakpak na ito? Baka lumipad ito Casper ha!" Inis na wika ni Kaila habang kunot ang noo. Hindi ko din alam kay Casper bakit ayaw niya pang galawin namin itong mga wings na nasa plate namin.

"Sandali lang kasi. Malapit na raw siya." Aniya nito at luminga linga pa na ultimoy may inaabangang dumating.

"Sino ba kasi yan?! Sabihin mo sa kanya ang sama ng ugali niya! Hindi dapat pinag aantay ng gantong oras yung mga magagandang katulad namin ni Martha!" Reklamo ni Kaila at muli na namang umirap. Jusko po hindi ko na mabilang sa sobrang daming irap yung ginagawa nitong si Kaila.

"Mabuti na lang hindi ka maganda, Kaila. Hi. Long time no see, Ava... Martha."

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon