29

36 13 0
                                    

Mahigit dalawang taon na rin pala yung lumipas ng umalis ako sa lugar na ito... May mga nag bago pero nandito pa rin yung mga dating Guard na mababait na palaging bumabati sa akin tuwing nakikita ako.

Matagal kong pinagisipan kung aalis ba ako dito. At sa huli ay nakapag desisyon naman ako.

Gusto ko naman yung gusto ko.

Yung gusto ko talaga...

Yung pangarap ko.

Sinabi ko na rin ito sa mga magulang ko at wala naman silang naging tutol. Alam nilang isang pagiging ‘guro’ talaga yung gusto ko.

Sa isang university ako dito sa Pilipinas nagtuturo at ayon yung dream school ko noon pa man.

Ateneo De Manila.

Medyo nahirapan at nangangapa pa ako sa dilim nung first day ko pero habang tumatagal at nagdadaan yung mga panahon ay unti unti na lamang akong nasasanay.

Although may mga estudyante naman akong mababait at marunong pa rin gumalang sa akin. At mayron rin namang hindi.

Naiintindihan kong normal lang yon kaya mas pinagbibigyang pansin ko na lamang ay yung mga estudyanteng willing matuto sa akin at sa mga lesson's ko.

"Ava! Marecakes!"

Kumaway ako ng makita ko siyang nagtitinakbo na akala mo'y hindi naka heels. Hindi pa rin talaga nagbabago itong si Jennie. Kulirat pa rin. Char.

"Dahan dahan. Matipalok ka riyan. Walang sasalo sayong may twelve inch." Biro ko sa kaniya.

"Gago! Meron na! Nadiligan na!" Aniya at dumila pa na parang bata.

Ay ang harot.

Ako kaya? Ilang taon na akong walang dilig... Baka naman.

Charot.

"Ikaw ba?" Tanong nito.

"Ako? Wala! Wala akong dilig," aniya ko. "Wala naman kasing didilig!" Tumatawang sabi ko.

"Ha? Gago ka ba? Ano bang sinasabi mo riyan?" Tanong nito sa akin.

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. "H-hindi ba nagtanong... ka?" Tanong ko.

Totoo naman. Nagtanong siya. Sinagot ko.

"Hindi ikaw kausap ko! Tumawag si Dada! Tinatanong ko kung nakalabas na ba siya." Sabi nito at ipinakita pa sa akin yung call history niya.

At...

Oo nga... Yung Boyfriend niya yung kinakausap niya kaganina.

Nakakahiya!

Ano ba naman yan!

"Wala palang didilig ah... Hanap na kasi." Natatawang asar nito sa akin.

Agad namang nag init yung dalawang pisngi ko dahil sa sinabi nito kaya mabilis na tinalikuran ko ito at nauna ng tumungo sa sasakyan ko.

"Hoy! Sandali naman! Nagmamadali?! Wala ka lang dilig riyan eh!" Natatawang sabi pa rin nitong babaeng ito.

Nakakahiya! May mga nakakarinig pa sa kaniyang ibang empleyado na nandito.

"Hinaan mo nga yung boses mo. Nakakahiya, Jennie!" Aniya ko.

"Tuyot yarn?!" Asar pa nito.

Hindi ko na lamang siya inimik at pumasok na lamang sa loob ng sasakyan ko.

Napagusapan kasi naming dalawa ni Jennie na mag kape sa Starbucks sa Tagaytay.

Maganda kasi yung view roon.

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon