12

71 50 1
                                    

"Mabuti na lang hindi ka maganda, Kaila. Hi. Long time no see, Ava... Martha."

Literal na napa angat yung tingin ko sa pamilyar na boses... Seryoso ba ito? Bakit ganon? Bakit tila ang liit ng mundo para saming dalawa?

"Gia?" Tawag ko sa pangalan niya. Oo, si Gia yung taong kanina pa inaantay nitong si Casper. Hindi ko ineexpect na maglalapit yung landas naming dalawa ah... At hindi ko din ineexpect masyado na dito pa kami uli't dalawa magkikita.

Tinignan ko si Gia mula ulo hanggang paa at isa lang yung nasabi ko... Wow! Grabe. Ibang ibang Gia yung nasa harapan ko ngayon. Siya ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip?

Pumikit ako ng mariin at muling nagbalik sa isipan ko yung mga pang bu-bully na ginagawa sa akin noon ni Gia. Yung mga pagta-tanggol sa akin ni Adam sa kanya noon... Hays! Ayan ka na naman Ava! Kinakalimutan mo na siya, okay? Sila. Okay. Silang dalawa.

Muling bumalik yung takot at kaba sa dibdib ko na baka mauli't na naman yung mga ginagawa sa akin ni Gia... Yung mga pang bu-bully niya sa akin na tila hindi ako makapalag...

"Martha, okay ka lang?" Tanong ni Kaila sa akin. Napamulat ako ng marinig ko yung nagtatanong na boses ni Kaila at nanginginig na itinago sa likod ko yung kamay kong nanginginig.

"O-oo. Okay ako." Aniya ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam bakit pero simula ng makita ko uli't si Gia pakiramdam ko ay hinding hindi ko kayang protektahan yung sarili ko.

"Sigurado ka? Namumutla ka. Okay ka lang ba talaga?" Paguulit na tanong ni Kaila sa akin at inilapat yung likod ng kamay nito sa noo ko.

"O-okay lang... Sumakit lang yung ulo ko." Palusot ko dito at patagong tinignan si Gia na ngayon ay naka tingin lang din sa akin habang naka ngisi.

"Pwede mo ba akong samahan sa comfort room, Ava? I mean Martha. Yeah, Martha." Sabi ni Gia.

Hindi ko alam yung isasagot ko. Dapat ba akong sumama sa kanya? Paano kung may gawin siyang masama sa akin? Paano kung ulitin niya yung mga ginagawa niya sa akin noon?

"Ang arte dai! Pwede namang mag isang pumunta sa comfort room ah!" Sigaw sa kanya ni Casper.

"Gaga! Shut up nga im not talking to you!" Malditang sagot dito ni Gia at inirapan ito.

"Sana ol talking!" Aniya ni Kaila.

"You son of a bitch! Im not talking to you, too!" Matigas na sabi ni Gia at pinandilatan pa ito ng mata.

Tumawa lang si Casper at Kaila at nakipag high five pa sa isa't isa na parang mga nag tagumpay dahil naasar nila si Gia.

"So... Pwede ba?" Mataray na tanong muli sa akin ni Gia. Hindi ko alam bakit pero kusang napa tango na lamang ako sa sinabi ni Gia.

Hindi ko namamalayan na nandito na pala kaming dalawa ni Gia sa loob ng comfort room gaya ng sinabi niya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Gia habang naka tingin sa tapat namin na malaking salamin.

"H-ha?" Nauutal na tanong ko sa kaniya. Nauutal ba o natatakot? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

"Bakit nandito ka sa Manila? Gusto mo ba talaga silang tuluyang kalimutan?" Muling tanong sa akin ni Gia. Alam ko naman na alam na ni Gia yung nangyari sa amin nila Adam at Kim... Hindi ko nga din alam bakit kumalat yun sa buong campus kahit hindi naman na dapat pa ikalat. Walang kwenta. Napaka walang kwentang issue kumalat.

"Oo." Mahinang tugon ko sa kanya habang naka yuko. Hindi ko siya kayang tignan ngayon. Nahihiya na natatakot ako.

Hindi na din naman na nag salita pa si Gia at binalot lamang kaming dalawa ng katahimikan... "Laban. Laban lang, Ava. Laban lang, Martha." Literal na nagulat ako sa ginawa at sinabi ni Gia.

Totoo ba ito? Totoo bang niyakap niya ako?  Niyakap niya talaga ako? Hindi ba ako nananaginip?

"G-gia..." Nanginginig na tawag ko sa kanya habang nanatili pa din itong naka yakap sa akin.

"Im sorry sa mga nagawa ko sayo noon, Ava. Forgive me. Please, forgive me." Panghihingi ng tawad nito sa akin.

"Forgiven Gia. Forgiven." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"From now on, ikaw na si Martha. You're not Ava anymore alright? Patay na yung dating Ava na yon. Ikaw na ngayon si Martha. My baby Martha. My girl." Aniya ni Gia habang naka hawak sa dalawang balikat ko.

"Salamat Gia." Aniya ko dito.

Tama si Gia. Dapat matagal ko ng ginawa ito. Dapat matagal ko ng inisip na gawin ito. Niloko at sinaktan nila ako. Ginago. Ayun yung dating Ava na kilala nila... Ayun yung dating Ava na nakasama nila. From now on... Ava is death.

Say hi to the new Ava... Martha.

Lumipas yung ilang buwan na nagdaan at masasabi kong kahit pa-paano ay nagiging ayos ako. Nagiging ayos yung pakiramdam ko. Yung nararamdaman ko.

Nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan pero hindi ko masabing kaibigan ba talaga ako? Ni hindi ko sila magawang sabayan sa pagaaral, sa pagkain sa cafeteria.

Gustong gusto ko mapag isa. Gustong gusto kong nandito lang palagi ako sa loob ng library kapag free time na. Hindi naman ako nagugutom kapag sumasapit na yung lunch time dahil madalas ay nagbabaon ako. Gusto ko din kasing maka-tipid kaya ginagawa ko yung bagay na yon.

Naging masaya ako na tinuring akong kaibigan nila Kaila. Marami kaming magkakaibigan pero ako lang palagi yung wala kada may gala. Kahit naman ganoon yung nangyayari ay unti unti ko na din naman silang nakikilala.

Si Kaila na akala mo ay inosente dahil sa mukha nito pero pag nakilala mo ito ng totoo mapapasabi ka na lang sa sarili mo na 'siya ba talaga ito?' Mabait si Kaila at masayang kasama dahil palagi din itong hindi nawawalan ng kwento kapag minsang nakakasama ako sa kanila.

Si Casper na parang alipin ni Kaila dahil sunod sunuran ito kay Kaila na parang isang Reyna ito na kailangan niya lang sundin ng sundin. Hindi ko alam kung ako lang ba yung nakakapansin ng hidden feelings ni Casper kay Kaila... Pero... Pero sana aminin niya na agad yon dahil ang sakit at ang hirap tanggapin kapag naunahan pa siya ng iba. Mahirap na.

Si Gia na hindi ko akalain na magiging kaibigan ko ngayong college. Although maldita pa din naman siya hanggang ngayon pero mabait naman. Ayoko na sanang banggitin itong salitang ito pero para sa kaalaman ng lahat, hindi po yan nauubusan ng lalaki. Baka kasi Gia yan. Bukod kasi sa maganda na si Gia ay sobrang lakas pa ng appeal nito pagdating sa mga lalaki kaya hindi ko masisisi si Gia kung bakit pa-iba iba yung lalaki niya kada week.

Si Maureen na palaging galit. Palaging galit kay Kino. Sobrang bait na tao ni Maureen at sobrang daling lapitan. Si Maureen yung klase ng kaibigan na hindi madamot. Ayos ng siya yung mawalan wag lang yung mga kaibigan niya. Naalala ko nga noon yung palagi niyang sinasabi sa amin kapag lahat kami ay meron tapos siya yung wala, 'Ayos ng wala ako. Basta kayo? Kayong mga mahal ko? Meron. Ayokong nawawalan kayo kaya ginagawa ko yung kaya ko para hindi niyo maramdaman yung pakiramdam ng ganito.' Wala akong masabi sa ugali ni Maureen dahil masasabi mo talagang ideal friend siya.

Si Kino na may gusto kay Maureen. Highschool pa lang kilala ko na silang dalawa ni Maureen dahil same school lang kami ng pinapasukan noon. Hindi ko nga lang close masyado si Maureen at Gia noon hindi katulad ni Kino na nakakasama namin tumambay noon. Masayang kasama si Kino dahil palagi din itong nanlilibre. Kapag kasama namin si Kino noon hindi pwedeng hindi mawawala yung jamming. Tiga gitara namin yan. Alam ko namang gustong gusto niya si Maureen dahil bukod sa maganda na ito mabait pa maliban nga lang sa kanya. Hindi ko alam bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Maureen.

"Bibe! Magisa ka dyan?" Agad na napa-balikwas ako ng tayo dahil sa gulat ng marinig ko yung boses ni Kino.

"Ang ingay mo Kino." Mahinang saway ko sa kanya at isa isang itiniklop yung mga libro na binabasa ko kanina.

"May bago ba? Tsar! Bakit ba kasi nandito ka na naman Martha beybi?" Tanong nito sa akin.

"Wala lang. Gusto ko." Sabi ko sa kanya at inilagay na sa bag ko yung libro na binabasa ko kanina. Sariling biling libro ko ito ah. Madalang lang ako mang hiram ng libro dito sa library.

"Kain tayo nila Maureen! Tara!" Aya sa akin ni Kino at wala na akong nagawa kung hindi magpa-tangay dito.

Jusko. Hanggang kailan ba ganito si Kino?

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon