"Ava! Ava! Come, halika dito." Naka-ngiting sabi sa akin ni Ma'am Ginelle. Si Ma'am Ginelle yung may ari nitong opisina na pina-pasukan ko. Or should i say the CEO. Siya na yung naging CEO simula ng namatay yung asawa niya na si Tito Rio. Si Mercedes naman na anak ni Tita Ginelle at Tito Rio ay nasa New York.
"Yes, ma'am?" Naka-ngiting tanong ko kay Ma'am. Sobrang laki ng respeto at utang na loob ko dito kay Ma'am Ginelle. Kung hindi dahil sa kaniya, baka hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakaka-ahon sa sakit.
Yes, kay Ma'am Ginelle namin utang lahat ng buhay ni Tatay. Si Ma'am yung tumulong sa amin lalong lalo na kay Tatay ng simula ng mai-stroke ito. At syempre, hindi pa doon natatapos yung kabutihan niya. Ipinasok niya pa talaga ako dito sa opisina niya bilang isang secretary niya. Si Ma'am Ginelle ay pinsan ni Mama sa father side.
"May mga meetings ba ako today? Kung mayroon pa man, please paki-cancel lahat. Thank you." Sabi nito sa akin. Wow. First time ito, ah. First time ni Ma'am Ginelle na mag ca-cancel ng mga meetings niya.
"Bakit po, ma'am? Aalis po kayo?" Curious na tanong ko dito.
"Ngayon dadating si Mercedes kasama yung husband niya. Osya, paano ba 'yan ikaw na muna ang bahala ha? I have to go na! Bye, Ava!" Paalam ni Ma'am Ginelle sa akin.
"Ingat po!" Sigaw ko dito. Hindi ko alam na ngayon pala dadating yung pinsan ko na si Mercedes.
Makakabalik na pala uli't siya...
"Ava! Tara, lunch na tayo!" Sabi ni Jennie. Kaibigan ko dito.
"Sige. Tara. Gutom na ako." Aniya ko at sabay na kaming lumabas ng office. Dito kami madalas ni Jennie kumain ng lunch sa Italian Restaurant dahil bukod sa masarap na malapit lang din dito sa opisina. Hindi hassle. Mas mabilis pa kaming makaka-balik agad sa work namin.
"Hey, you!" Sabi ni Jennie at itinuro pa ako gamit yung hinlalaki nito. Bakit ba 'to nanunuro na lang bigla bigla?
"Baka manuno ka. Turo pa more." Asar ko dito.
"Ay! Im sorry! Gaga ngayon pala yung balik ng pinsan mo 'noh?" Tanong niya. Tumango naman ako dito bilang tugon at inantay lang din yung sasabihin niyang naudlot.
"And, sis! Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko!" Aniya. Sa alin ba ako hindi maniniwala? Eh mukhang halos totoo naman yata yung mga pinagsasabi nitong si Jennie.
"Uh?" Ayan na lang yung nasabi ko. Hindi ko ba alam kung tsismis na naman ba yung sasabihin niya o chika.
'Parehas lang yon, tanga.' Sabi ko sa sarili ko.
"Si Adam Paolo Cruz yung husband niya!"
Parang nanigas ako dahil sa sinabi ni Jennie... T-totoo ba 'to? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan yung sinabi ni Jennie pero,
Pero, hindi pa nag chismis sa akin si Jennie ng hindi totoo... Si A-adam?
Sila pa din pala...
Ilang taon na yung nakalipas pero bakit nandito pa rin yung sakit? Bakit hindi mawala? Or should i say...
Bakit hindi nawala?
Dapat ay ayos na ako... hindi ba?
Dapat masaya na rin ako... Katulad nila.
Katulad niya.
Aaminin kong nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon sa nangyari sa amin ni Adam noon...
Hanggang ngayon...
Kinasal na pala sila, ano? Kailan pa? Masaya na kaya siya? Masaya na kaya talaga silang... dalawa?
Wala akong balak na guluhin silang dalawa dahil hindi ako ganong klaseng tao. Ako yung may mali at may kasalanan kung bakit.... kung bakit siya nawala.
BINABASA MO ANG
His, Promise (Love Series #2)
FanfictionThis story is all about to Adam Paolo Cruz and Ava Martha Pascual. book cover credits: @CUPID'S COVER SHOP