15

61 44 1
                                    

"Hindi pa ako makakabalik sa Manila agad. Oo. Biglaan lang din kasi. Okay sige ako ng bahala. Mag ingat ka rin." Kausap ko sa kabilang linya si Gia dahil tinatanong nito kung kailan daw ako makakabalik ng Manila dahil may part daw ako ng kailangan makuhaan ng clip para sa film na ginagawa namin sa isa sa mga subjects namin.

Pinatay na din naman ni Gia yung tawag kaya inilagay ko na sa shoulder bag ko yung phone ko at tumingin sa harap ng salamin.

Sinoot ko lang yung nabili kong mom jeans na color denim at pinart-neran ito ng plain loose shirt. Hindi ko alam pero mas komportable akong gumalaw kapag ito yung mga pormahan ko. Soot soot ko din yung sapatos ko na nike para komportable din ako sa paglalakad.

May family reunion kaming gaganapin ngayon sa Batangas kaya kailangan maaga pa lang byumahe na kami para hindi maabutan ng traffic.

"Ava! Tara na!" Rinig kong sigaw ni Kuya Kurt sa labas ng kwarto ko kaya naman hindi na akong nag atubili pa at mabilis na sumunod sa baba.

Ilang oras din yung tinagal ng naging byahe namin bago kami nakadating dito sa Batangas para sa gaganapin na family reunion namin sa side ni Mama.

Apat lang kaming naka dalo ngayon dito sa family reunion dahil busy sa trabaho si Kuya Winston kaya hindi na ito nakasama pa. Hindi bale naman daw at mayroon pang susunod. Sana.

Although hindi ko naman close yung mga ibang pinsan ko dito dahil hindi naman kami madalas magkasama sama kaya medyo nakaka ilang ngayon na makita sila ngayon.

"Ava, mag mano ka sa Lolo at Lola mo." Sabi ni Mama sa akin habang bitbit yung isang container ng may lamang mga lumpia. Ito talaga target ko eh. Charot.

"Magandang araw po." Magalang na bati ko kay Lolo at Lola at nag mano sa mga ito. Matanda na silang dalawa pero nakakatuwa dahil malalakas pa din sila.

"Ang ganda ganda ng Apo ko. Kamusta ka Iha?" Tanong sa akin ni Lola at niyaya akong maupo sa isang silya. Si Lolo naman ay kausap sila Papa at Kuya Kurt samantalang si Mama naman ay nakikipag kamustahan na sa iba pa naming mga kamag anak.

"Salamat po La! Okay naman po ako. Kayo po ba? Ang lakas lakas niyo pa din po ah." Naka ngiting sambit ko kay Lola habang hawak hawak nito yung kamay ko.

"Alam mo Ava ang sarap sarap mong pupurihin." Nakangiting sambit sa akin ni Lola.

Napangiti din tuloy ako ng tuluyan sa kaniya at bahagyang tumaas ang isang kilay. "Bakit naman po La?" Tanong ko.

"Nagpapasalamat ka. Nako, yung iba mong mga pinsan diyan na kapag pinupuri ko mga nagpapabebe pa kesyo 'hindi naman po' nako! Ay ewan ko sa kanila!" Kwento ni Lola sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa kwento niya sa akin.

"Eto ang tatandaan mo Ava, kapag pinuri ka ng isang taong masaya yung mata ibig sabihin non magpasalamat ka. Hindi ka naman magpapasalamat kung hindi totoong maganda ka diba?" Nakangiting sabi ni Lola at pinisil pisil yung kamay ko.

"Okay po. Tatandaan ko po yan." Aniya ko at nag kwentuhan pa kami ni Lola ng kung ano ano. Masayang ka-kwentuhan yung matatanda dahil mas may makukuha kang lesson o aral mula sa mga sinasabi nila. Ang lalalim ng mga salitang binibitawan nila kaya ang sarap sarap lang pakinggan.

"Ma, maglilibot libot lang po muna ako dito." Paalam ko kay Mama. Medyo naboboring na din kasi ako. Kanina pa nangangati yung paa ko. Kanina pa gustong lumaboy. Charot.

"Okay sige. Huwag kang lalayo masyado ha?" Sabi ni Mama at itinuon na muli yung pansin sa pagkain.

Tumango na lang ako dito bilang tugon at minabuti na munang mag lakad lakad. Nasa gitna na yung program nitong Family Reunion namin kaya medyo nakaka boring na din kaya naisipan kong lumayo na muna doon.

Maganda yung ambiance nitong lugar na ito ah. Sakto lang yung rami ng tao at malawak lawak yung lugar na ito para sa mga iha-hire ito kung sakaling dito din gustong ganapin yung mga Reunion nila.

Sulit siguro yung binayad dito ng mga Tita ko dahil pang instragramable yung place. Sulit. Hindi lugi. Mabuti naman.

Huminto muna ako sa paglalakad at naka ngiting pinag masdan yung kabuuan ng lugar. Hindi ko papalagpasin ito. Kailangan makuhaan ko ng capture ito bago kami umalis. Memories!

Agad agad kong inilabas yung phone ko para kuhaan yung kagandahan ng lugar at para na din i-post sa social media. Para naman ma-appreciate ko yung lugar diba?

"Ang ganda talaga." Namamangha kong sambit habang pinagmamasdan yung litratong nakuhaan ko.

Hindi pa ako na-satisfied sa picture lang kaya nai-video ko pa ito para naman kapag gusto kong ma relax ay papanoorin ko lang ito.

"Ang ganda talaga ng likha mo Lord!" Sabi ko sa video habang inililibot ito.

"Let's captured every moment." Muling sabi ko sa video habang naka ngiti kahit hindi naman ako nakikita sa video. Wala lang. Ang sarap lang i-appreciate yung mga bagay na ginawa at nilikha ng Lord.

"Ava?"

Agad kong pinatay yung video na ginagawa ko ng marinig kong may tumawag ng pangalan ko.

"Ava? Ikaw nga! Ava!"

"Kim?"

Seryoso? Seryoso ba talaga ito? Hindi ba ako nanaginip? Baka naman bangungot ito ah! Paki gising naman ako oh.

Bakit pa ba kailangan kong magulat na nandito siya? Oo nga pala. Pinsan ko nga pala siya. Pinsan.

"Ava!" Muling tawag nito sa pangalan ko at mabilis na pumunta sa direksyon ko para yakapin ako.

Literal na nanigas ako ng naramdaman kong niyakap ako ni Kim. Bakit? Bakit ganito? Bakit kung umakto siya ngayon ay parang walang nangyaring hindi maganda noon? Bakit?

"Namiss kita Ava! Kamusta ka?" Nakangiting tanong ni Kim sa akin ng humiwalay na ito ng yakap sa akin.

Hindi ko alam kung tititigan ko lang ba si Kim o sasagot sa mga tanong niya. Bakit ka ganiyan Kim? Bakit ang dali dali mo akong kausapin na para bang wala kang ginawa sa akin?

"Mauuna na ako." At sa huli ay napagpasyahan kong umalis na lang sa lugar na yon. Kahit ayaw ko. Kahit ayaw ko dahil sobra kong na-enjoy yung view doon pero kailangan. Kailangan...

"Ava! Ava ano ba! Ganiyan ka ba katigas?" Rinig kong sigaw ni Kim.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero parang lahat ng dugo ko umakyat lahat sa ulo ko ng marinig ko yung sinabi nito.

Nagpapatawa ba siya? Oh baka naman katawa tawa lang talaga siya. Umiling ako sa mga naiisip ko at hinarap siya.

"Wag mo akong tignan at kausapin ng ganiyan na para bang wala kang ginawang hindi maganda sa akin, Kim. Nakakasuka ka." Mapait na sabi ko sa kaniya at nakipag sukatan ng titig.

"Ikaw ba talaga yan Ava? Ang layo mo sa dating ikaw. Sobrang layo mo!" Nasasaktan na sabi ni Kim sa akin habang nagsisimula ng mag tubig yung mga mata.

"Malayo na kung malayo sa dating ako pero eto yung tatandaan mo. Ikaw at ikaw lang din yung may kagagawan kung bakit eto ako ngayon." Muling sambit ko sa kaniya habang pinipigilan yung sarili ko na huwag maiyak. Wag ngayon.

"Ava isang taon na yung nakalipas! Hindi mo pa din ba matanggap? Masaya na kaming dalawa ni Adam! Kahit yun man lang, Ava. Kahit maging masaya ka man lang para saming dalawa." Sabi ni Kim sa akin.

Alam ko sa ngayon wala na akong pakielam kung may masabi man akong hindi maganda pero wala! Pakiramdam ko sumabog na ako ng tuluyan dahil sa mga sinabi nitong babaeng ito!

"Maging masaya? Are you kidding? Kasi kung nagpapatawa ka Kim? Napaka pangit mo namang ka-bonding!" Aniya ko at tumawa ng peke at muling nagsalita. "Gusto mo maging masaya ako para sa inyong dalawa ni Adam?" Muling tanong ko sa kaniya. Tumango naman si Kim sa akin ng dahan dahan, "Wag mo akong utusan dahil hindi ko gagawin yung bagay na yon para sayo. Para sa inyo." Aniya ko at tuluyan na siyang tinalikuran.

Nagpapatawa ba siya? Wag niya akong utusan dahil hindi ako aso niya para sumunod sa kaniya.

At sa pagtalikod kong iyon sa kaniya at doon na tumulo yung mga luha kong kanina pa gustong tumulo.

Masakit pa din pala.

His, Promise (Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon