Broken Promises

2.7K 48 3
                                    

Naiwan akong tulala. Shit yung nakita kong sakit sa mukha niya para bang gugustuhin ko na lang tumalon sa tulay at magpakamatay kesa sa makita ko yung sakit na yon. Tangina. Tangina

“Kim” I closed my eyes. Bumuntong hininga.

“Are you okay?” Tumango ako.

“Tara ihatid na kita sainyo” I said, ngumiti naman siya at ako hindi ko magawang ngumiti. Nasasaktan ako, tangina talaga.

“Bakit ang tahimik mo babe?” She said, putangina, bakit hindi si Kris yung naiisip ko, kundi si Kates.

“I’m Fine” Walang gana kong sagot, nung mabilis kami nakarating. Hindi ko na siya ibinagbukas ng pinto.

“Hindi ka ba, baba babe?” Umiling ako. Shit.

“Kris. . I talk to you soon okay?” I said. She just nod ang give me a peck kiss.

Mabilis ako nagdrive papunta kila Kates. Kailangan ko siyang makausap, kailangan naming magusap. Oo mahal ko siya, pero ngayon shit tangina! Nahahati ang puso ko.

Mabilis akong bumaba ng makita ko siyang naglalakad sa kawalan at may hawak na basura, dahan-dahan akong lumapit ng makita ko siyang biglang tumalungko at dahan-dahan yumuyugyog yung balikat niya.

“Tangina Karl bakit ang sakit-sakit?” Malungkot na sabi niya, napasabunot ako sa buhok. Putangina ang sakit-sakit din sakin Kates na makita kitang ganito. Pumikit ako pero nakikita ko padin yung sakit sa mga mata niya.

Tumayo siya ulit at naglakad ulit ng walang patutunguhan. Malapit na siya sa may kalsada ng bigla siyang tumawid habang may paparating na motorsiklo. Putangina napabilis ako ng takbo at hinapit siya sa bewang.

Nung tignan ko siya, parang huminto yung pagtigil ng mundo. Nakatitig lang siya sakin, at yung mata niya para bang nagtatanong na bakit Karl? Bakit?  Maya-maya binitawan niya yung kamay ko na nakahawak sakaniya.

Midnight Fantasies(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon