My Destiny

3K 43 2
                                    

 

Nakatingin lang siya sakin, ang laki ng ginanda ng Kates ko, kahit na medyo pumayat siya. Tinignan ko lang siya ng bigla nanaman siyang umiyak, wala naman akong nagawa kundi pawiin yung luha na tumutulo sa mata niya.

“Babe, hanggang kelan kaba iiyak?” Nakangiting tanong ko, suminghot-singhot siya.

“I’m just happy, hindi ko inakala na babalikan mo na’ko, na okay na yung two year na umalis ka, na kaya ka bumalik kasi naisip mo na mahal mo padin ako at kailangan mo’ko sa buhay mo” Napangiti ako at hinalikan siya sa noo.

“Hindi naman nawala yon babe, mabura na, mawala na, makalimutan na kita pero hindi magbabago yung totoo na kahit ano mangyari ikaw padin yung mahal ko” Nakita ko lalo siyang umiyak pero nakangiti na.

“Bakit kaba umalis? Bakit mo’ko iniwan” Alam ko darating kaming sa part na ganito, na magtatanong siya pero willing ako sagutin lahat ng tanong niya, tinignan ko muna siya ng maiigi.

“Kase sobrang mahal kita” Bigla naman siya nalito.

“Kaya mo’ko iniwan kase sobrang mahal mo ako? That’s bullshit Kim” Hinawakan ko yung labi niya.

“Just listen first baby, I’m not done yet” Natahimik naman siya at tumingin sakin.

“Akala mo ba madali sakin na iwana ka?”

“Ede sana hindi mo gin---“ Hinalikan ko siya, ang tigas ng ulo, sinabi ng makinig eh.

“Babe just listen to me, mamaya kana sumagot okay?” Bigla naman siyang tumango sakin.

“Hindi madali babe, nung umalis ako hinahanap-hanap kita, nalibot ko na yung buong america sa loob ng isang taon, pero hindi ako masaya at nung naisip ko yun bumalik ako agad dito, pero hindi ako bumalik agad sayo” Nakatitig lang siya sakin, magaan ko siyang hinalikan sa labi.

“Dahil gusto ko, kapag bumalik na ako sayo, alam ko na kung sino ka sa buhay ko” Lalo naman siyang nagiiyak.

Midnight Fantasies(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon