The one who run away

2.8K 53 0
                                    

 

Umalis siya, hindi ko alam kung bakit siya umalis, pagkatapos niya sakin sabihin na gagawa siya na alaala na kasama ko bigla na lang siya nawala parang bulang. Ni hindi din alam ni Mama Kiana kung saan siya nagpunta, at tanging naiwan sakin yung ala-ala na naging isa ulit kami sa ospital.

Pero hindi ko naman alam na ganon pala kasakit na mawala siya, Pero anong gagawin ko kahit dalawang taon na, o kahit ilang taon pa ang lumipas alam ko na babalik at babalik siya. Dahil para sakin siya.

Malaki na si Gelai at si Aiden, hindi ko lubos maisip na yung nangyari sa ospital ay mabubuo na Aiden, pero hindi ako nagsisi nanghihinayang lang ako sa panahon na hindi niya nakitang maglakad si Aiden, hindi rinig na tawaging siyang papa, kasing gwapo ni Aiden yung tatay niya.

At kahit wala pa dito si Karl, o kahit na saan pa siya alam ko naalala niya ako, kami ng mga anak niya. Alam ko na hanggang ngayon kagaya parin ng nararamdaman niya yung nararamdaman ko.

Kailan kaba babalik? Bakit kaba umalis? Bakit Kim?

“Emo ka nanaman diyan?” Nakatawa ako sa sinabi ni Kelly, mabilis ako tumayo at hinalikan siya.

“Ang sikat na writer nageemote at bakit ha?” Ngumiti ako.

“Namimis ko lang si Kim” Bigla naman nawala yung ngiti ni Kelly at tinignan ako ng maigi.

“Umaasa ka padin ba na hanggang ngayon babalik siya Silvermist?” Ngumiti ako at hinawakan yung kamay niya.

“Oo naman” Bigla naman siya napabuntong hininga.

“Kates, don’t you think is time to move on?” Ngumiti ako.

“Hindi ko kayang magmove on Kelly, siguro magmomove on lang ako ulit kapag nakita ko na masaya na siya” Umiling naman si Kelly sakin.

“Makita mo na masaya siya, tapos ikaw ganyan? Kates naman” Ngumiti ako sakaniya.

Midnight Fantasies(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon