Chapter 39

27.6K 797 174
                                    

"Seeing you happy is all I ever want."

ABALA ako sa pagpili ng gown ko para sa kasal namin ni Arion. I am browsing the brochure at na-realize ko na mahirap pumili kapag maraming pagpipilian.

"Avocado juice, baby."

Inabot sa akin ni Arion ang baso ng avocado juice. He sat beside me.

"Thanks." Sabi ko habang nakatingin pa rin sa brochure.

"Busy? You can't even look at me."

"Pumipili ako ng gown. Bakit kasi ang gaganda. Ang dami kong gusto."

"Then I will marry you multiple times so you can choose more than one."

Tumingin ako kay Arion. "Enebe!"

He chuckles and kissed me. "Drink that first."

Ininom ko iyong ibinigay niyang avocado juice. Sa araw araw, hindi pumapalya si Arion sa pagpaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Alagang alaga niya ako at halos hindi siya umalis sa tabi ko. Work from home na nga siya kasi ayaw niya akong iwan mag isa dito sa bahay.

Minsan, pumupunta siya sa company pero kasama ako. Halos ayaw niyang mawala ako sa paningin niya.

Ang sarap magmahal ng isang Arion Chase Palermo.

"Arion..."

"Yes?"

"Hindi mo naman kailangang hindi pumasok sa company dahil sa akin e. Kaya ko naman ang sarili ko 'di ba? Saka andyan naman si manang e. Kumuha ka naman ng kasambahay."

He cupped my face and stared at my eyes. "No."

Sumimangot ako. "Wala ka bang tiwala sa akin? Siguro iniisip mo na baka makipagkita pa rin ako sa ex ko. We're done at tahimik na ang mundo namin pareho."

"I trust you, baby. Is it wrong for wanting to be with you every fucking seconds, minutes or hours? I want to be available anytime. Mahal na mahal kita, Maleha and all I want is to see you, hold you, kiss you... damn it, hindi ba pwedeng baliw na baliw lang ako sa 'yo?"

Parang sira naman 'tong si Arion.

"Arion naman e. Paano kung mapabayaan mo iyong company niyo?"

"You still don't know me when it comes to work, baby."

I pouted my lip. "Bahala ka nga."

"Hindi na ako makapaghintay na maging Palermo ka. Fuck, baby. Pakiramdam ko hangga't Roxas pa ang apelyido mo, hindi ako mapapanatag. I can't call you mine officially."

Ngumiti ako. "Hindi ko kailangang maging Palermo para lang masabing sa 'yo ako, Arion. I am all yours. Sa 'yo lang ako. Pag aari mo ako."

Kitang kita ang pamumula ng pisngi niya. How cute!

"Fuck, baby..."

"Kiss mo ako." Utos ko.

Wala pang isang segundo ay inagaw niya ang baso ng avocado juice at brochure sa akin at ipinatong iyon sa center table.

He cupped my face and started to kiss me. Masasabi kong good kisser talaga 'tong lalaki na 'to. Para bang tuwing lalapat ang labi niya sa akin, automatic na mapapatugon nalang ako dahil masarap talaga ang labi niya.

Kung sa bagay, sa labi niya naman talaga nagsimula ang lahat, noong tinuklaw ko ang labi niya.

Lumalim ang halik niya. I respond with the same intensity. Actually, we do this everyday. Buti nga hindi nagsasawa si Arion.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon