Chapter 36

36.4K 1K 236
                                    

"You're the one I wish
to keep forever."

WALANG mapaglagyang saya. Sabi nga nila kapag daw may saya, may kasunod na lungkot. Hindi ako naniniwala. Sa dami ng pagkakataon na lungkot at sakit lang ang naramdaman ko, sa tingin ko'y ito naman ang kapalit ng lahat niyon. Kapag may lungkot, may saya. We all deserve to be happy.

"Hindi ko pa rin akalaing magiging Palermo ka rin." Sabi ni Catherine.

Arion's family, my family and our friends are all here to celebrate his so called proposal na bawal tumanggi.

"Hindi ko rin akalain, Cath. I imagined my life with Jero. Akala ko siya na ang para sa akin. Sa tinagal tagal namin, kay Arion pala ako babagsak. Minsan talaga hindi 'yan sa tagal ng pagsasama e. When you thought you found your the one, pero hindi pa pala. Parating pa lang pala. And there, Arion came."

"Grabe, as in grabe talaga, Maleha. Parang ang goals nating magkaibigan. Well, hindi ko alam kung ano nang nangyari kay Kelly but I still hate her for hurting you."

Wala na akong balita kina Kelly. Handa naman akong magpatawad but it takes time.

"I don't know. I unfriended her on facebook kaya wala akong balita sa kaniya." sabi ko.

"Inis pa rin ako sa kanya. Okay pa noong sa akin siya nanggugulo noon pero noong pati sa 'yo umeksena siya, naku! Masasabunutan ko talaga siya."

Tumawa ako. "O, bawal tayo ma-stress. We're both pregnant."

Natawa nalang din si Cath. "Oo nga pala. Minsan talaga, nakakalimutan kong buntis ako e. Anyway, sa tingin ko magkasunod lang tayong manganganak."

Tumango ako. "Yup! Ilang months lang ang tanda ng sa 'yo sa akin."

"May trivia ako, Maleha."

"What is it?"

"Our babies will be the Palermo's 4th generation at kung sakali silang dalawa ang pinakauna."

"Wow!" I exclaimed. "Sana maging close din ang mga anak natin like Arion and Lucio."

She smiled. "Our baby is a boy so ayun, sabi ni Lucio, we need to make more babies."

Tumawa ako. "At okay lang sa 'yo?"

"Oo naman! More babies, more fun."

"Ako nga din." Sabi ko.

Sabay kaming tumawa. May hampasan pang naganap. Ganyan kami matuwa.

"Looks like you're having fun, Catherine."

Nag-angat kami ng tingin kay Lucio na lumapit sa amin. He sat beside Cath.

"Oo naman, Lucio. We're both captured by a Palermo e." sagot ni Cath.

Natawa ulit kami.

"Silly." Lucio said and looked at me. "Congrats, Maleha. I thought that fucking night when I saw you ad Arion kissing is just for fun, well, I didn't know you'll actually ended up together."

"Well, wala e. Pinikot ako ni Arion." Sagot ko.

"Says the one who kissed me. Tinuklaw mo ako, Maleha."

Napatingin ako nang lumapit sa amin si Arion. He sat beside me and put his hands around my waist.

"Lasing ako no'n, duh!"

Lalong natawa si Cath. "So parang ako pala ang naging bridge niyong dalawa. You should thank me, Arion." sabi niya.

"Thanks." Mabilis na sagot ni Arion.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon