Chapter 24

44K 1.4K 407
                                    

"No one stayed when
I was at my worst."

HINDI ko inasahang malaki ang bahay ni Arion. Sumunod ako sa kanya papasok sa loob. Kararating ko lamang galing sa condo ko dala ang ilang damit ko.

Ako lang ang kumuha ng gamit ko. Hindi ako nagpasama kahit kanino dahil kaya ko naman. Isa pa, ayokong bigyan ng pagkakataon si Arion na isipin na okay na kami porke titira kami sa iisang bahay.

"I'll show you your room." He calmly said.

Tumango lang ako. Gusto kong sanayin ang sarili ko na maging malamig ang pakikitungo sa kanya. Ayokong pakitahan siya ng kahit kaunting katiting na dahilan para maisip n'yang maibabalik pa ang lahat sa dati.

I can't feel anything for him but hate and pain. Aminado man akong may nararamdaman na ako sa kaniya pero natakpan na iyon ng sakit na ibinigay niya. Isa pa, isa lamang rason kung bakit ako narito, para sa anak ko.

Umakyat kami sa taas. Nakasunod lamang ako sa kaniya habang dala niya ang duffel bag ko. Ilang damit lang at mahahalagang gamit ang dala ko dahil anytime ay pwede naman akong pumunta sa condo ko. Saka mamimili naman ako ng mga dress na pambahay para komportable ako lalo na kapag lumaki na ang tiyan ko.

He opened the door. Nauna akong pumasok sa loob ng kwarto. Maaliwalas iyon. Queen size bed ang kama at para talaga iyong kwarto ng babae.

"I told them to change the bed into queen size para mas komportable ang pagtulog mo, the sheets, the curtains, and asked them to buy a vanity for you."

Bahagya lang akong tumango. He was like, saying that he made an effort fot this room for me. Is he expecting me to thank him? No.

"There's a walk in closet there."

Ibinaba niya ang duffel bag ko sa ibabaw ng kama.

"Arion."

Para siyang maamong tupa na tumingin sa akin. His cold and fierce eyes, wala na iyon. Para bang napakabait niya sa akin na parang lahat ng sasabihin ko ay susundin niya.

"You can ask me anything. Kapag may kailangan ka, call me─"

"I don't need you, Arion." I smiled. "Kaya ko ang sarili ko, don't worry. If you don't mind, I want to take a rest? Can you please leave?"

Kitang kita ang pagkadismaya sa mukha niya. He remained calm.

"Alright." He answered.

Binitbit ko ang duffel bag ko para dalhin sa walk in closet pero mabilis iyong inagaw ni Arion.

"I can do this. It's too heavy─"

"I told you I can do it alone. Hindi kita kailangan, Arion kaya pwede ba? Just leave."

Tumango-tango siya saka binitawan ang duffel bag. I saw sadness from his eyes but I don't care.

Wala na sa bokabularyo ko ang pakikipag-ayos sa kaniya. Maging tatay lang siya sa anak ko, that's enough.

Lahat ng mahal ko sa buhay... nasaan sila no'ng kailangan ko sila? Wala. All of them gave me pain. It's time for me to give them what they deserve.

Nang makalabas si Arion ay isinara rin niya ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag.

Kung iisipin, hindi ko inaasahang mangyayari 'to.  I just agreed on his parents because I felt bad for them. Napakaswerte nila Arion para magkaroon ng parents na gano'n. Handa silang akuin ang kamalian na ginawa ng anak nila because they thought it was their fault.

Umupo ako sa kama. I dialled my mom's roaming number. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa katotohanang napakalayo ng magulang ko sa magulang ni Arion.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon