Chapter 31

43.2K 1.5K 371
                                    

"A lot of feelings
but nothing to say."

WALA akong maisip gawin ngayon. Arion is back to his work at their company. Alam ko namang may responsibilidad siya do'n, saka malay ko ba kung nakikipagkita siya sa babaeng malaki ang dede.

But anyways, wala akong pakialam.

Kanina ay nag-almusal na ako. Nagulat pa ako dahil may nakahanda nang almusal kanina sa dining table. Hindi ko alam kung niluto iyon ni Arion or pina-deliver niya lang.

I browsed my phone. Nailipat ko na sa new phone ko ang sim card ko at in-open ko na rin ang social media accounts ko.

Abnormal kasi si Arion para basagin ang phone ko but well, at least I have new one.

Nagulat ako nang tumunog iyon. Unregistered number. Who will it be?

I answered it.

"Go home. We have a lot to talk about."

Hindi ko na kailangang tanungin kung sino iyon. Boses niya palang ay kilala ko na siya. Malakas ang kabog ng dibdib ko.

"Okay 'Ma."

The call ended. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa matinding kabang nararamdaman ko. They are here. Umuwi pala sila ng Pilipinas. What should I do? Sigurado akong masasaktan nila ako. Ipapaalam ko ba kay Arion? But this is our family's issue so labas siya rito. I can go there alone.

I can manage this.

Nag-ayos agad ako. I changed my clothes and combed my hair. Naligo na naman ako kanina dahil maaga akong maligo para presko sa pakiramdam.

I grabbed my car keys, sling bag and phone.

Bumaba ako saka lumabas ng bahay. Automatic naman ang main door dahil may keylock naman iyon. Hindi na kailangan ng susi dahil passcode lang ang kailangan.

Sumakay ako sa kotse ko saka pinaandar iyon. Binusinahan ko ang guard house saka niya binuksan ang gate.

Nang makalabas ay mabilis akong nagmaneho.

Gaano na ba katagal mula noong huli akong makauwi sa bahay namin? Mula nang magkaroon ako ng sariling condo ay hindi ko na naisipang bisitahin ang bahay namin dahil wala namang tao ro'n.

Nagkakaroon lang ng tao do'n kapag umuuwi sina Mama at Papa dito sa Pilipinas.

Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko si Arion or hindi. Pero sa tingin ko ay busy siya sa trabaho. Alam kong marami siyang naiwang trabaho mula nang inasikaso niya ako mula nang paglipat namin sa bahay niya.

I took a deep breath.

Maya maya pa ay nakarating na ako sa bahay namin. Ipinasok ko ang kotse ko sa garage. Bumaba ako saka isinara ang kotse ko.

Muli na naman akong nakaramdam ng matinding kaba.

Napansin ko ang kotse nila na nakaparada rin. I walked towards the main door. Binuksan ko iyon saka pumasok sa loob.

Naabutan ko sa salas sina Mama at Papa na prenteng nakaupo na para bang hinihintay talaga ako.

"P-Papa..."

Mas close ako sa tatay ko kesa sa nanay ko.

"Sit down." Utos ng nanay ko.

Umupo ako sa katapat na sofa nang inuupuan nilang mahabang sofa.

Tahimik si Papa. Siguro'y alam na niya ang kalagayan ko. Si Mama naman ay mukhang nagtitimpi ng galit. Ni hindi man lang nila ako sinalubong ng yakap tulad ng ginagawa nila noon sa tuwing uuwi sila.

Casanova's Club #2: Unwritten RulesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon