Chapter 3
George's POV
Andito kami ngayon sa cafeteria, break namin ngayon. Walang masyadong tinuro kasi nga first day.
Hays. Nasaan na kaya si Blake, yung boyfriend ko. First day na first day hindi ko man lang makita saan nanaman kaya nagsu-suot yun.
Hails, nakita mo si Blake? tanong ko kay Hailley.
Hindi e. sabi nya sabay kagat sa sandwich.
Asan na kaya yun *sigh*
Okay lang yan girl! Nasa tabi-tabi lang yun. sabi naman ni Renz.
Wait lang a, bili lang ako ng tubig a. sabi ko.
Ge. sabi nila
Papunta na ako sa bilihan ng makita ko si Blake na nakaupo dun sa bench sa may malapit sa cafeteria.
Blake! tawag ko sakanya
Tumingin sya. Tapos tumakbo naman ako papalapit sakanya.
George. malungkot na sabi nya.
Bakit may problema ba? tanong ko.
Nakatingin lang sya sakin tapos bigla akong niyakap kaya nabigla ako. Wait, umiiyak ba si Blake.
Blake, ano bang nangyayari sabihin mo sakin. Umiiyak ka ba? sabi ko tapos bumitiw sa yakap.
Pagkakita ko umiiyak nga sya tapos biglang sinabi.
George, aalis na ako. I'm going to states dun ko ipapagpatuloy ang studies ko. sabi nya habang umiiyak.
Parang biglang tumigil yung mundo ko sa sinabi ni Blake. Hindi to totoo, hindi!
Blake, alam mo hindi to joke time a. Kaya tumigil ka. sabi ko sabay tayo para umalis na.
George, i'm deadly serious. Kilala mo ako kapag nagbibiro o hindi. Sorry, di ko alam na aabot na kailangan kong mag-aral sa states due to family problem. Alam mo naman ang kalagayan ng parents ko diba? paliwanag nya.
Nakatalikod lang ako, ayokong humarap ayokong ipakita sakanya na umiiyak ako na mahina ako. Grabe ang sakit, ang sakit iiwan ako ng taong mahal ko. Tumakbo nalang ako bigla di ko kaya makipag-usap sakanya, baka mag-breakdown ako.
George! sigaw ni Blake pero di ko sya nilingon.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa di ko namalayan nasa garden na pala ako ng school. Wala ng masyadong tao siguro tapos na nag break. Di mo na ako aattend ng klase. Baka makita ko ulit si Blake di ko mapigilan yung iyak ko.
Ang sakit sa dibdib parang andaming tumutusok-tusok. Sobra. Napaiyak ulit ako ng pasigaw.
WHAAAA! Ayoko na. Ang hirap sobra. Ayoko syang lumayo ayoko. Mahal na mahal ko sya.
Minsan kailangan lumayo ng tao para malaman mo kung gaano talaga sya kahalaga sayo.
Pagtingin ko sa likod ko kung sino ang nagsalita wait, bakit nandito to. Wag nyang sabihin sakin na nagka-cut din sya. Pamilyar ang muka a ano nga bang pangalan nito?
Gio Perez, remember? Oh, naalala ko na yung transferee.
Nakatingin lang ako sakanya na parang wala sa sarili. Nang bigla syang umupo sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa malayo nang bigla sya ulit magsalita.
Bakit di mo sakanya ipakita kung gaano sya kahalaga sayo.
Ha? Ano bang sinasabi nito. Napakahalaga sakin ni Blake kung alam nya lang.
Alam ko napakahalaga ni Blake para sayo. Pero subukan mo namang ipakita. Hindi yung palagi na lang sya ang nag-eefort. yung totoo bakit andaming alam nito!
Wait nga, bakit ba andami mong alam! sabi ko sakanya.
Kasi si Blake ang -..
George!
Lumingon ako kung sino ang sumigaw, si Hailley lang pala.
Oh, bakit ka andito? Tapos na ang class? tanong ko.
Ako ang dapat nagtatanong nyan, bakit ka andito? Bakit ka nag-cut? at bakit kasama mo yang lalaki na yan? sabi nya sabay turo sa katabi.
Wait lang Hails, isa-isa lang, okay. Mamaya ko na sasagutin lahat ng tanong mo. Tara samahan mo muna ako sa Cafeteria, di pa kasi ako kumakain e. sabi ko sakanya.
Ano! Diba kanina kumain na tayo, anong sinasabi mong di ka pa kumakain? tanong nanaman nya.
Hays. Hails, pwede ba wag maraming tanong samahan mo na lang ako pwede? sabi ko.
Oo na tara na! sabi nya.
Sge na Gio una na kami. Bye! sabi ko.
Tumango lang sya. At naglakad na kami papuntang Cafeteria.
Grabe bakit kaya nya alam lahat ng nangyari samin ni Blake.
Naguguluhan na ako! :( sumabay pa yung lalaki na yun.
BINABASA MO ANG
Be My Forever
Teen FictionI may not be your first date, your first kiss, or your first love and that's fine, because I just want to be your last.