Chapter 7
Gosh! Si Blake tumatawag pano ba yan sasagutin ko ba o hindi?!
"Renz! Si Blake tumatawag" pabulong kong sabi kay Renz
Biglang nagulat si Renz kaya nalapag nya yung librong binabasa nya.
"Ano?!" biglang napasigaw si Renz. Kaya parang napagalaw si George.
"Sssshhhhhhh" sabi ko kay Renz. Buti na lang di nagising si George hays!
"Okay okay ano na sagutin mo na" sabi ni Renz.
"Wait wait lalabas ako" sabi ko naman at lumabas naman ako para sagutin yung phone.
***
"Renz tara dito" senyas ko kay Renz para lumabas sya."Bakit? Ano ng sabi nya sayo"
"Gusto nya daw na kasama daw natin si George sa paghatid sakanya kahit man lang daw ito maibigay ni George" sabi ko kay Renz.
"E ano ngang gagawin natin kung ayaw nito. Alam mo naman to pag ayaw ayaw nya"
"Basta gumawa na lang tayo ng plano bukas. Pero sa ngayon pwede bang matulog na tayo. Grabe sobrang antok na ako" sabi ko kay Renz.
"Sgesge Tara. Kailangan magusap muna yung dalawa"
"E kung pagkitaiin kaya natin sila bukas ano sa tingin mo Hails?
"Hails"?
"Ay tulog na ang bata. Antukin talaga to kahit kailan."
***
George's Point of View
Di ako makadilat ng maayos parang ang bigat ng mga mata ko ha. Pamulat ko wala na yung dalawa sa higaan nila tapos may biglang kumatok.
"Ma'am George?" Si Yaya Patring lang pala.
"Pasok"
"Ya,sila Renz?"
"Ay. Ma'am umalis na po sila. Dapat po magpapaalam sainyo e natutulog pa daw po kayo e"
"Ay ganun ba. Sge dyan mo na lang ilagay yung breakfast ko"
Bigla biglang nangiiwan yung dalawa na yun ah. Pati ba naman sila! Bigla namang tumunog yung phone ko.
*2 messages*
From: Hails
George, sorry umalis kaagad kami ni Renz jan. Kasi e pinauwi ako ni Papa wala kasing kasama si Mama. Then, si Renz pinauwi na ni Kuya Lawrence alam mo naman. But we hope na you're okay na. See you soon bhe :* mwa.
To: Hails
It's okay Hails, thanks sa pagsama sakin kagabi ha. Okay okay see you soon love yah :*
Send. Nang tingnan ko naman ang sunod na message parang biglang tumigil yung tibok ng puso ko ng buksan ko ito.
From: Baby Blake ♥
Baby, imissyousomuch! So much George, please kausapin mo na ako. George please sobrang mahal kita di ko na kaya na ganito tayo. Sana man lang pagbigyan mo ako na makausap ka bago kami umalis. At sana sumama ka sa paghatid samin. Sobrang sakit baby sobra pero di ako susuko promise ko yan sayo. I love you. Please text back.
Ano ba yan umiiyak nanaman ako! Parang hobby ko na ata to e. Tama na George. Pero aaminin ko. Sobra rin ng pagkukulang ko kay Blake di kasi ako ganun ka-effort. Pero sweet ako syempre. Boyfriend ko sya it's matic.
Hindi lang talaga ako ma-effort naalala ko tuloy yung sinabi nung Gio nung nasa Garden ako ng School. 'Minsan kailangan lumaya ng tao para malaman mo kung gaano talaga sya kahalaga sayo' Oo nga ano dahil ba dito dahil ba di ako ma-effort kaya sya aalis. Hays wala naman kasi sa nature ko na maging ma-effort e.
Pero teka lang nung magkausap nga pala kami ni Gio di ko natanong kung anong relasyon nya kay Blake di nya nasabi. Kailangan ko syang makausap. Kasi parang napakarami nyang alam samin ni Blake e.
***
Bakit kaya walang teacher ngayon? Hays nakakahiya tong mata ko sobrang maga. Dapat pala nagdala ako ng shades e. May kakausapin pa pala ako, e wala pa naman sya. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa board ng may magsalita."Girls o, tingnan mo tong George na to na feeling maganda maga ang mata"
Kung sino man ang nagsabi non. Di ko na lang lilingunin pasalamat sila wala akong balak makipagtalo sa kanila. Di ko alam kung binubulong nya yun o sinasadya nya talaga e.
"Kunwari walang naririnig, sguro hiniwalayan na sya ni Blake, pano kasi di naman maganda tapos malandi pa. Alam mo ba nakita ko sya na kasama yung transferee nating kaklaseng isa yung Gio ba yun kaya ayan buti nga sayo"
Kaso nung narinig ko yung mga pinagsasabi nila sakin, kay Blake at may dinamay pa sila. Bigla bigla akong lumingon. Kaya naman pala e. Ang nagiisang umaasa kay Blake. Si Ashley at ang mga alalay nya. Pinanliitan ko sya ng mata.
"Wag mo kaming panliitan. Ang laki kasi ng mata mo"
Aba! Aba! Sumosobra na to ah. Ayoko na gumanti thru words sa action na lang. Tatayo na sana ako at susugudin sila ng biglang dumating si Renz.
"George oh oh! Umupo ka dyan"
"Kayo tigilan nyo lang si George ha. Mga wala kayong alam. Alam nyo ang maganda nyong gawin. Magaral kayo. Ikaw Ashley diba may report tayo mamaya baka naman ako nanaman ang sasalo sayo. Imbis na inaaway nyo si George at umaasa dyan sa tabi tabi wag na. Magaral na lang kayo" pasigaw na sabi ni Renz
Pranka talaga to e. Edi bigla silang nagwalk-out. At irap lang ang nagawa nila. Wala silang laban kay Renz no.
"Thanks Renz ha" sabi ko sakanya.
"Wag mo na lang kasi pansinin yung mga yun sa susunod. Ayan lumabas tuloy ang aking pagka-pranka nagsayang pa tuloy ako dun ng laway" sabi nya sakin at umupo sa tabi ko.
"Wala talaga silang laban sayo. Kasi napaka-pranka mo!"
"Dapat nagdala ka ng shades e para di halata yang mata mo! Buti nga lumiit" sabi nya habang tumatawa.
"Hayaan mo na nga yan. Mapangasar ka rin e no" sabi ko sakanya sabay irap. Pero nilabanan nya din ako ng irap.
"Nga pala si Hailley? tanong ko sakanya.
"Kasama si Toffer sa library e. Hayaan mo na yun alam mo naman yun. Yun lang ang kasiyahan" sabi nya sakin
"By the way, nakita mo ba si Gio?"
Bakit parang gulat na gulat naman to e. Tinatanong ko lang naman.
BINABASA MO ANG
Be My Forever
Fiksi RemajaI may not be your first date, your first kiss, or your first love and that's fine, because I just want to be your last.