Chapter 4
Hailley's POV
Ano kayang problema ng babaeng to kanina pa nakatulala. Kakain daw kami pero di man lang nagalaw ang pagkain. Tss
May problema to panigurado kasi di naman yan nagka-cut e, biglang nag cut. At kausap nya yung transferee, e hindi naman yan nakikipag-usap agad-agad. Mataray kaya yang babaitang yan tapos gutom daw ni hindi nga nagalaw yung pagkain, e pag kumain yan daig pa lalaki pero di naman tumataba.
Hoy! George. tawag ko sakanya.
Napatingin naman sya sakin ng malungkot. Yung malungkot na tingin.
Umamin ka nga, anong problema? tanong ko.
Tapos bigla syang tumingin sa malayo.
Sge na sabihin mo na! Alam ko meron, di ka naman ganyan e. Di ka nagka-cut ng classes pero ginawa mo. Dahil ba sa pinsan ko? tumingin naman sya sakin, malungkot ulit.
Yea tama kayo ng iniisip. Pinsan ko si Blake, magkapatid ang father namin. So, Blake Salvacion din sya.
Yun nga! Tama ako. sabi ko.
Magsasalita na sana sya ng may tumawag samin.
Hails/George! sabay kaming tumingin.
Si Renz lang pala.
Oy. Bakit kayo nasa cafeteria ha? tanong nya samin?
May problema kasi to o. sabay turo ko kay George.
Ah. Bakit anong nangyari? Kay Blake ba? Nga pala wala yung teacher nating next kaya, may time ka para ikwento samin. sabi ni Renz.
Go na! Makikinig kami. sabi ko.
Nakatingin lang si George samin, sobrang lungkot makikita mo naman kasi sa mata nya. At kilala na namin ang isat isa pag ka may problema.
Kasi si Blake, iiwan na ako. sabi nya sabay yuko.
Ha?! sabay na sabi namin ni Renz.
Oo pupunta na syang states. Dun nya itutuloy ang studies nya due to family problem. malungkot na saad nya.
Oo nga pala, nakwento nya sakin yun. Kasi naghiwalay na nga pala si Tito't Tita. E dalawa silang magkapatid. Si Hazel, sasama kay Tito. Sya naman kay Tita. Nasa states kasi parents ni Tita kaya ayun. E sya ang close ni Tita at the same time paborito. Kaya sya ang isasama.
Ay, oo nasabi nya pala sakin yun. sabi ko.
E bakit di mo saamin sinabi? tanong ni Renz.
E kasi naman ang sabi nya, di pa sure kaya di ko muna sinabi. Natuloy pala. Sorry George. sabi ko.
Okay lang. Pero ang hirap nito alam nyo na ayaw na ayaw ko ng long distance relationship. Sobrang mahal ko sya. Ano ang gagawin ko. sabi nya sabay nag-head down.
Kawawa naman si George. Ang hirap nga ng ganung sitwasyon. At napakabata pa nila para sa long distance relationship di ko naman sinasabi na bawal pero, di pa nila kaya yun ang mga posibleng mangyari pag nag long distance sila.
George, alam mo naman siguro yung family problem nila diba? sabi ni Renz.Oo. Pero parang ang hirap tanggapin. 3 years na kami sa relationship tapos aalis na lang sya, pano yung mga ginagawa ko ng kasama sya lahat yun mababago ng dahil sa pag-alis nya. Ang hirap, sobra! sabi ni George sabay umiyak.
Kaya hinagod namin ni Renz yung likod nya. Pag ka talaga may problema tong si George kami lang ang malalapitan kasi wala naman syang kapatid at yung family nya nasa ibang bansa so kami lang talaga ang malalapitan nya. Ang kasama nya lang sa bahay yaya nya.
Alam mo George, kailangan si Blake naman ang intindihin mo kasi ngayon ang kailangan nya lang ang suporta mo at pag-iintindi kasi malamang sa malamang nahihirapan yun lalo na ikaw yung lang lakas nya. Pano sya magiging malakas kung yung lakas nya pinanghihinaan ng loob? sabi ni Renz.
Oo nga, alam mo ba kanina di ko yun makausap ng maayos. Tinatanong kasi kita sakanya wala, nakatingin lang sya sakin kaya hinayaan ko na lang sya. sabi ko sakanya.
Kaya sige na't hanapin mo na si Blaike at mag-usap kayo. sabi ni Renz.
Pero hindi ko pa kaya. Kasi pag nakita ko sya iniisip ko na sa mga susunod na araw wala akong makikita na ganung mukha. sabi ni George.
Sge kakaunsapin ko muna ang pinsan ko at tatanungin ang mga nangyayari kaya tara na't uwian na pala. sabi ko sakanila.
Bigla namang napatingin si Renz sa relo nya.
OMG. Kanina lang e kakatapos lang ng isang subject ngayon uwian na. sabi ni Renz.
Tara na uwi na tayo. George sabay ka na sakin. sabi ko
Tumango naman si George bilang sagot. Kitang-kita mo na napalungkot nya talaga. Grabe.
Maaga ang uwian kasi nga walang masyadong gagawin kaya pinauwi na lang ang mga estudyante.
Oy! Hails, ingat kayo sa pag-uwi a. sigaw sakinni Renz at kumindat at nag 'okay sign' sya kay George sabay takbo papalabas ng gate.
Nginitian lang sya ni George. At nag-wave naman ako.
George, malalagpasan mo din yan. Ikaw pa ba? Ang dami ng humadlang sa relationship nyo pero di ka nagpatalo sakanila. Di ganyan ang George na kilala ko, hindi ganyan. sabi ko sabay ngiti sakanya.
At naglakad na kami palabas ng school.
Narinig ko naman sya na bumuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Be My Forever
Teen FictionI may not be your first date, your first kiss, or your first love and that's fine, because I just want to be your last.