Chapter 5

21 0 2
                                    

Chapter 5

Hailley's POV

Hays nakauwi na rin sa wakas. Bakit ba kasi ang traffic e, hinapon na tuloy ako ng uwi.

O Hailley, anjan ka na pala. sabi ni mama

Pumunta naman ako sakanya at nagmano.

Ma, si Papa po? tanong ko sabay punta ko sa sala para umupo

Andun natutulog. sabi ni mama habang naghihiwa ng pang-sahog nya sa kakainin namin.

Sge ma, akyat po muna ako. sabi ko

Tumango naman si mama bilang sagot. Hays! Bakit ba parang pagod na pagod ako ngayon. Tsk! E ni hindi nga kami masyasong nag-aral e.

Pumasok na ako sa kawarto ko. Sabay upo dun sa study table ko. Ang sakit ng ulo ko! Papikit pa lang ako ng nag-ring ang phone ko. Ano ba yan! Sino ba to?

Pagtingin ko

|Kuya Lawrence Calling|

Si kuya lang pala. Kuya ni Renz yan a, ano naman kaya kailangan nito.

Hello, kuya bakit?

Hails, ano puntahan mo nga dito si Renz.

Bakit may nangyari ba? tanong ko.

Wala naman. Kasi nagtext daw si George sakanya ang sabi dun daw kayo mag-sleep over sakanila. E mag-sabay na lang kayo ni Renz ha. Baka kasi anong mangyari dun e. Sge na bbye hintayin ka na lang nya dito.

Sge kuya bye. walang gana kong sabi. Ano ba yan aalis nanaman ako! Hays.

Pero naiintindihan ko na naman si Kuya Lawrence napaka-over protective kasi nyan kay Renz kasi nag-iisang babae lang yan sakanila. Yung mommy nya kasi nag-passed away na nung bata pa sya kaya ayun napaka-protective nila kay Renz. Yung daddy naman nila workaholic pero may isa pa yang kuya yan. Si Clarence ayun sobra din yun e. Pero mas maluwag naman yun kaysa kay Kuya Lawrence.

Hays. Magpapaalam nga muna ako at mag-aayos ng damit. Magpapahatid na nga lang ako kay kuya. Yea, tama kayo may kuya din ako.

Ma! tawag ko habang pababa ng hagdan.

O anak, kain na tawagin mo na kuya at papa mo. sabi ni mama habang nag-aayos ng kakainan namin.

Pero ma, di po ako dito makakain. sabi ko habang nakatingin ng malalim ka mama. Di rin kasi ako pinapayagan sa mga sleep over na yan e. Hays sana gumana ang pa-awa powers ko.

At bakit? sabi sakin ni mama habang nakataray.

Naks dinaig pa ako. Hahahaha.

Ma, kasi po nagpapasama si George sa bahay nila dun daw po kami matulog may problema kasi yun e. sabi ko naman na parang worried na worried.

E baka naman may lalaki dun a. sabi nya

Ma! irita kong sabi.

Alam naman nya yung sitwasyon ni George may nalalaman pa na 'baka may lalaki dun'. Tss

Ay, oo nga pala! sabi nya ng nakangiti.

Hays. Naku po. sabi ko

Wag mo akong ginaganyan, magpaalam ka dun sa papa mo kung papayagan ka! sigaw nya sakin. Tumango naman ako sabay akyat.

Kakatok na sana ako ng masalubong ko si kuya.

"O Hailley-..."

"Kuya kain na daw sa baba, tawagin ko lang si papa" sabi ko sabay ngiti sakanya.

"Okay" sabi nya at bumaba na.

Pano ba ako magpapaalam kay papa? Kinakabahan ako tapos kay kuya pa naku po pano to. Pero papayagan naman ako ni papa nyan e. Confident! Hahaha.

Pumasok na ako sa kwarto nila at nakita ko si Papa na nanonood ng TV.

"Pa, mano po. Kain na daw po tayo" sabi ko.

"Osge. Tara na" sabi nya at pinatay ang TV.

Palakad na sya sana ng bigla akong nagsalita.

"Pa paalam lang po sana ako mag-oovernight po kami kila George" sabi ko sabay tingin sakanya. Aba seryoso ang mukha nya.

"May lalaki dun?" Tanong ni Papa.

"Ay pa! Wala kami kami lang po at yung mga kasambahay dun" sabi ko. Grabe lang takot na takot sa lalaki jk. Hahaha!

"Okay sge, basta wala ng lalabas ng bahay dun lang kayo" sabi ni papa sakin.

"Yes po pa" sabi ko at bumaba ng hagdan para kumain.

***
"Tara na kuya hatid mo na ako kila Renz hinihintay na ako nun" sabi ko sakanya ng pasigaw.

"Wait lang, eto na" sabi nya at bumaba ng hagdan nagpalit lang pala ng t-shirt tss antagal!

"Ma, Pa una na kami ni Hailley" paalam ni kuya at lumabas na kami ng bahay.

Sumakay na ako sa motor nya. Actually, takot ako sa motor pero gustong-gusto ko umangkas pero ayaw ko ng mabilis. Hahaha! At yun nagsimula na nyang paandarin.

Buti pa si Kuya tapos na sa pagaaral ako hindi pa. Pero sweet yan sakin pero sa mga nanligaw sakin walang umubra sa ka-sweetan nya kaya ayun wala ng sumubok kailangan muna kasi pumasa sya kay Kuya at Papa at pag ka may mga kailangan akong gamit sya na ang bumibili at di na sila Mama. Minsan protective din yan sakin. At kasundo nya yung mga Kuya ni Renz. Uhm, sya si Kuya Mark Kiel pero ang tawag ko sakanya Kuya Kiel.

"Andito na tayo" sabi ni Kuya.

"Bye kuya thanks" sabi ko sakanya sabay kiss sa cheeks.

"Sge na wag ka nang lalabas ha ingat ka jan bye" sabi nya sakin at yun umalis na din sya.

Nag-dorbell na ako wala pang minuto lumabas na si Kuya Clarence.

"O Hails, bakit ka napunta dito?" tanong nya sakin.

"Hi Kuya Clarence, kasi susunduin ko si Renz dun kami matutulog kila George di mo ba alam?" sabi ko.

"Hindi, di naman sakin nasabi ni Renz pinayagan na ba sya ni Kuya?"

"Yea sya pa nga ang nagsabi na sunduiin ko si Renz e. Kaya Kuya tawagin mo na dito na ako magantay hinihintay na kami ni George" sabi ko sakanya.

"Ay sge yun talagang babae na yun di man lang nagsabi sakin okay wait lang ha" sabi nya at yun pumasok na ng bahay nila at tinawag na si Renz.

Si Kuya Clarence ay college na at graduate na sya this year pero si Kuya Lawrence ay may work na. Antagal naman ni Renz hays.

"Hailley!" tawag sakin at lumingon naman ako sinamaan ko ng tingin si Renz.

"Oh! Oh! Yung mata na yan baka lumuwa eto na andito na ako sorry kung matagal tara na" sabi nya at nagmamadali ng lumabas ng bahay nila.

"Bakit naman ang tagal mo!" sigaw ko sakanya.

"E alam mo naman yung mga Kuya ko ayun sinermonan pa ako ni Kuya Clarence" sabi nya nakakunot ang noo.

"Magsabi ka kasi! Batukan kita e" sabi ko ng pasigaw!

"Pero ihahatid daw tayo ni Kuya Clarence papunta kila George" sabi nya.

"Ganun, o tara na sakay na tayo" sabi ko at yun sumakay na kami sa kotse nila.

At nagsimula na umandar at umalis ang kotse papunta sa bahay ni George. Exciting to ha!

Be My ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon