Chapter 13

2.9K 58 1
                                    

Cloud's POV

Hindi ko alam pero hindi ako makapag-concentrate sa discussion ni Ma'am Garcia. Paano ba naman kasi sa harapan ko nakaupo si Aileen bale nakatalikod siya sa akin ngayon and damn! I really want to hug her.

I won't give up until we'll be together again. I still love her and nothing has changed.

"Mr. Montero, is there any problem?" nagulat naman ako ng biglang mabaling sa akin ang atensiyon ni ma'am Garcia.

I was playing my pen while staring the back of Aileen when she asked me.

"May I go out ma'am?" I asked out of nowhere, I don't know.

"Okay. Balik ka dito after ten minutes," she said.

Tumayo ako at lumabas ng room. Grabe naman, pati ba naman pag-CR may oras? Atsaka sino ba kasi may sabing magsi-CR ako?

Naglakad lakad lang ako. Nalagpasan ko pa nga 'yung clinic tapos bigla kong naalala si Amethyst na badluck girl and that's when I found myself entering the clinic.

"Oh Cloud." bungad ni Jace ng makita ako.

I knew it. I know there's something about Jace e.

"Pinalipad mo ba 'yung sasakyan mo? Ang bilis mo namang makarating dito?" I joked.

"Gago! Bakit mo naman kasi sinabing may leukemia si Amethyst?" natatawang sabi niya.

Sinamaan ako bigla ng tingin ni badluck girl na kasalukuyang nakaupo sa stretcher at may benda ang paa. Naniningkit pa 'yung mga mata niya. HAHAHAHA. Seriously, laughtrip 'yung mukha niya!

"Sorry dude, I forgot. I forgot to tell you that she's just crazy. Ingat ka diyan, nangangagat 'yan," biro ko pa sabay tawa.

"HOY! SIRAULO KANG ULAP KA! ANO BANG GINAGAWA MO DITO?" inis na sigaw ni badluck girl sa akin.

"Pake mo?" I answered.

"Umalis ka na nga!"

"Wow huh. Pag-aari mo?"

"Umayos ka nga! Ugh!"

"Oh bakit, anong gagawin mo sa akin? Huh?"

"HUMANDA KA SA AKIN!"

"Oh, talaga?! Come on beybe! Run, Beybe, run!" pang-aasar ko pa sa kanya habang tumatawa. Binigyan niya lang ako ng isang nakamamatay na tingin. Pero siyempre hindi ako natinag. Hindi naman ako nito mahahabol e. Grabe, ang sarap niya talagang inisin. Para akong nakikipaglaro sa tigreng lumpo. HAHAHA

"Maiba nga tayo. Jace hindi ka ba papasok? Puwede ka pa namang humabol sa klase e. Bibigyan ka naman nila ng consideration," I uttered when I focused my attention to Jace.

"Hindi muna. Bawi na lang ako bukas tutal last scene na lang 'yung ite-take namin. Wala kasing kasama si Amethyst," he answered smiling.

"Ah, Jace... Okay lang naman ako e," singit naman ni Amethyst na akala mo biglang sinapian ni Maria Clara sa sobrang hinhin.

My Naughty Bratinella (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon