Nagising ako sa nakakabinging ingay ni Xiela. Sinabayan niya pa talaga yung alarm clock ko. Talaga lang ha.
Umupo muna ako sa pagkakahiga at nagunat unat muna. Tinignan ko si Xiela at.... Anong nangyari sa babaitang, toh? Pano muka siyang natatae na di mo alam. Sabay pa non yung mabilisan niyang pagbabasa sa mga textbooks namin.
"Puchangina naman oh!" Sigaw ni Xiela na malapit nang umiyak.
Tumayo ako habang bahagyang kinakamot ang ulo't likod ko. Tinignan ko yung binabasa niya.
Astronomy and Astrophysics Abstracts.
"Bakit ka ba nagmamadaling basahin yan?" Tanong ko sa kanya.
Hinarang niya yung kamay niya sa harapan ko. "Huwag mo muna akong kausapin."
Okay, kung ayaw niya akong kausapin siya, edi don't.
Pumunta na ako sa banyo at naghanda na para pumasok. Nagbihis na rin ako sa loob.
Lumabas ako ng banyo at.... Mukang binagyo yung dorm namin. Eh, pano? Etong si Xiela parang nagsisimula ng ritwal. Nakapalibot kasi sa kanya yung mga textbooks, notebooks at mga old quizzes at tests. Sinasabayan niya pa ng sigaw minsan mura nalang ang lumalabas sa bibig niya.
Minsan lang nagiging ganto si Xiela. Nagiging ganyan lang siya pag may test or quiz.
WAIT?! TEST AT QUIZ?!
"KINANGINA NAMAN?!" Sigaw ko. Pero napatigil rin ako. Nabasa ko naman na lahat ng textbooks kaya okay lang yan.
Nakahinga ako nang maluwag. Tinignan ko uli si Xiela. Tsk, tsk, tsk, maganda sana siya pero engot din. Charot, sa totoo lang matalino tong si Xiela... Makalimutin nga lang.
Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam na sa umiiyak na Xiela. Lumabas ako ng dorm namin at sumakay na sa bike ko.
"Good morning!" Muntikan na akong sumemplang ng biglang sumigaw si Heiren sa tabi ako.
"Tado ka. Pag naaksidente ako dito, mapapatay kita." Sabi ko sa kanya.
"Pano mo ako mapapatay? E, naaksidente ka nga diba?" Sabi niya pabalik sa akin at binilisan ang pag pedal.
Malilintikan tong lalaking toh sakin. Sinasabi ko.
Sinabayan ko siya ng pagpedal. "Oi. Nakapagreview ka?" Tanong ko nang masabayan siya.
"Huh? Para san?" tanong niya. Yung itsura niya mukang tanga.
"Pagkagising ko ang gulo ni Xiela e." Sabi ko. Alam niya naman yung ibig-sabihin non.
BINABASA MO ANG
On My Way To Him
Kỳ ảoA 20 year old girl who has a clear vision of her future, encounters mysterious almost magical situation that only occurs in space. What will happen if the one she's been looking for has always been there? Will she stay with them and pay the conseque...
