HOPE (CHAPTER 1)

50 15 7
                                        

"WOI, nagmumuni muni ka nanaman." Sigaw ni Heiven sabay hampas sa ulo ko ng notebook. Tinaas ko naman yung ulo ko at tinignan siya ng masama.

"Alam mo? Kung 'di lang kita kaibigan, patay ka na ngayon." Sabi ko sa kanya.

"I would appreciate it if you would kill me now." Sabi niya habang umiinom na milk tea. Eto talagang lalaking 'to gustong-gustong mamatay.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kinuha ang bag ko.

"Oh, san ka pupunta?" Tanong ni Heiven.

"Bye. Magcu-cutting muna ako." Sabi ko habang kumakaway papaalis. Napatingin na rin sakin ang iba kong kaklase sa sinabi ko. Hindi naman na bago sa kanila ang pagpliban ko sa klase pero bakit ganyan palagi reaksyon nila?

"OI! Kingina kang babae ka. Ambaba na nga ng grades mo. Gaganyan ka pa." Hindi ko siya pinansin. Aware naman akong mababa grades, yun nga lang wala akong paki.

Naglakad ako papunta sa rooftop ng school namin. Pumunta na rin ako sa pwesto ko.

Ako si Claudencia Revelento. 20 years old. 2nd year collage sa University of Zeinux. Astronomy ang kinuha kong course. Straight B student, na nangangamoy D ang grade.

Linabas ko na rin ang aking mga libro tungkol sa space, stars, planets, you name it.

Bata pa ako masyado na akong nahilig sa topic na space. Napasama na rin ata ang pag-idolo ko sa papa ko na nagtra-trabaho sa konseptong iyon.

Sinuot ko na rin ang earphones ko. Shinuffle ko na rin ang playlist ko. Kinuha ko muna yung unang librong naabot ng kamay ko.

Magsisimula na sana akong magbasa ng mapahinto ako dahil sa kantang kasalukuyang pinapatugtog ko.

Back when I was a child
Before life removed
All the innocence

Napatingin ako sa langit nang maramdamang namamasa na ang aking mga mata.

My father would lift me high
And dance with my mother
And me, and then

"Pa, nasan ka na ba?" Tanong ko na halos maging bulong na.

Spin me around till I fell asleep
Then up the stairs he would carry me
And I knew for sure
I was loved

Isang astronaut ang aking tatay. Bata palang daw siya, may connection na sila sa NASA dahil sa angking talino ni papa sa larangan ng agham.

Isang araw may space mission sila. Nagka malfuntion ang spaceship at nawala ang connection ng spaceship sa spacestation ng NASA.

Ilang taon rin nilang sinubukang hanapin sila papa. Tinry nilang kunin uli ang comnection pero walang nangyari.

Masyado namang delikado kung magpadala sila ng mga tauhan sa space. Dahil naghahanap sila sa infinite space. Walang paraan upang mahanap sila ng ganong kabilis at kadali.

Nagmakaawa si mama na magpadala na ng tauhan sa space. Pero tumanggi sila. Sang-ayon naman ako sa pag hindi ng mga tauhan, dahil masyado ngang delikado.

Sa space, posibleng mangyari ang imposible.

May posibilidad na natamaan nag meteor ang spaceship ni papa at nagkabutas ang parte nito at nawalan sila ng oxygen.

Pwede namang masyadong napalayo ang spaceship nito.

Pwede namang masyadong napalapit sa Sun ang spaceahip at dahil sa init ay namatay sila.

On My Way To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon