STRAWBERRY (CHAPTER 4)

20 5 3
                                        

"Wala ka talagang linuto o kahit ano?" 


Nakauwi na si Xiela at pinapagalitan ako. Minsan lang talaga siya nagagalit sa akin. Nung isang araw nawala ko yung charger niya, nasermonan ako, yung lip balm niya hiniram ko hindi ko nabalik, ayon nasermonan rin.


Minsan parang nanay siya kaka-sermon niya sa akin.


"Wala nga." masyado akong bored kaya humalo yung boredness ko sa boses ko.


Huminga ng malalim si Xiela at binuksan yung bag niya. Inabot niya sa akin yung pitaka niya. "Tumayo ka't bumili sa labas!"


"Eto na, eto na." kumuha nalang ako ng hoodie dahil nakakatamad na ring magpalit. Okay lang yan, wala naman akong paki sa muka ko.


Malapit lang naman yung palengke dito kaya walang hassle. Wait, ano nga ba bibilihin ko? "'Di pa nga alam kung anong uulamin tapos magtatanong kung anong bibilihin. Tanga ka, girl?"


Napakamot ako ng ulo. Tsk, si Xiela rin naman walang sinabing ulam. Since, mainit ulo niya, paborito na lang niya yung lulutuin natin. SWEET AND SOUR MEATBALLS!


Malay ko ba sa babaitang yon, basta't may giniling na baboy paborito niya. Meatballs, Shanghai, Burger Patties saka Giniling. Top tier foods yan para kay Xiela.


Dumiretso na ako sa bilihan ng giniling at bumili ng 1/4 kilogram nito. Kasya naman na samin 'to. 


Pumunta na rin ako sa bentahan ng gulay at bumili ng carrot, bell pepper, sibuyas at sweet and sour mix.


Yes, kailangan kong sabihin yung ingredients.


Papauwi na sana ako nang maagaw ng atensyon ko ang mga sariwang prutas sa tabi ng bentahan ng gulay. Agad akong nagtungo papunta doon.


Bumungad sa akin ang mga sariwa't makukulay na prutas. Pero may nakapukaw talaga ng atensyon ko sa iisang prutas at iyon ay ang strawberry.


Simula nang makatikim ako ng strawberry nagbago yung buhay ko, napuno ito ng tamis, saya at inspirasyon. Ito lang talaga ang kulang sa buhay ko noong bata pa ako, naging kompleto lang yon noong nakatikim ako nito.


"Manang, bibilihin ko na po lahat ng strawberries." tinig ng isang lalaki.


Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang boses ng demonyo yung narinig ko? Ay, mali pala. Si Satanas kasi yung narinig ko.


Kaya pala.


Tila nawasak ang buong mundo ko. Naramdaman kong nag-crack ang puso ko.


Bago pa pumayag si Manang ay nagsalita na ako. "Manang... Baka pwede pong sa akin niyo nalang po ibenta yung mga strawberry ninyo?" napatingin sa akin ang lalaki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Mar 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

On My Way To HimMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon