ANNOYED (CHAPTER 3)

31 15 2
                                    

Napatingin ako sa babaitang nasa harap ko at muling tinignan ang uniform ko. Kumulo dugo ko nang makita silang bumungisngis.


Kung alam niyo lang kung magkano 'tong uniform ng school namin. Ewan ko na lang kung makakatawa pa siya.


"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Heiren. Hindi ko siya pinansin at baka siya ang pabuntungan ko ng inis, asar at galit.


Itataas ko na sana ang kamay ko para sampalin yung babae pero natandaan kong para lamang sa mga mahihina ang paghihiganti. Kaya binaba ko ang kamay ko kahit nangangati na itong tumama si pisngi nang babae.


Linagay ko sa likod ko ang dalawang kamay ko at ngumiti na lang sa kanya. "Are You okay?" Diniin ko talaga ang you para... Wala lang.


Akala niya ata maaasar ako. Muka silang dissapointed sa reaction ko. "Yeah, i'm fine. I'm sorry. I can pay for your uniform." Seryosong sabi niya.


Nakahinga ako nang maluwag nang malamang babayaran niya yung uniform ko. Puta 5k yung uniform na 'to. 5K!


"Lika, bili muna tayo nang damit mo." Kinuha ni Heiren ang kamay ko. Agad naman kaming dumiretso sa women's section ng department store.


Kumuha lang siya ng t-shirt at ibinigay agad sa akin. "Suotin mo na yan dali." 


Tumakbo naman ako papunta sa changing room. Hinubad ko na ang blouse ko kasama na ang blazer ko kasama na rin ang blouse ko. Tinignan ko muna yung uniform ko. Ang galing rin nung babaeng yon. Pinili pa talaga yung makulay na ice cream.


Try ko na lang labahin pag-uwi.


Sinuot ko na agad ang white t-shirt. Tinignan ko yon sa salamin at may design itong malakin duck. Buti nalang bumagay sa purple checkered skirt namin.


Okay lang naman kasi cute. Cute yung t-shirt pati na rin yung nagsuot.


Napangiti ako. Lumabas ako at maabutan ko na lang si Heiren na napapalibutan ng mga babae. Ayon naman siya na nakangiti pero nagmumuka nang ngiwi.


Introvert kasi yang si Heiren. Social introvert to be exact.


Nakita kong nakatingi sa akin si Heiren ng may tingin na nagsasabing "Tulungan mo ko!" Agad akong lumapit sa pinaguupuan niya at itinulak pagilid ang mga babae.


Yinakap ko ang braso ni Heiren. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. "Lumayo nga kayo sa boyfriend ko. Kadiri kayo. May jowa na nga lalandiin niyo pa." Arte ko.


Agad namang umalis ang mga babae. Pa'no ba naman kung titignan ako muka akong magsasampa ng kaso lapitan lang tong lalaking 'to.


Agad kong humiwalay kay Heiren at naglakad na papaunta sa counter.


On My Way To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon