KAPAG TUMILA NA ANG ULAN

27 0 0
                                    

"Kapag Tumila Na Ang Ulan"


1st stanza;

Nang una kitang nakilala

Sayong mukha'y natulala

Sariwa pa sa aking alaala

Ang payong na iyong dala-dala


Hindi ko inaasahan

Hindi ko pinaghandaan

Pagdating mong tila ba biglaan

Kasabay ng pagbuhos ng ulan


Chorus;

Ulan ako'y naghihintay

Bawat patak luha'y sumasabay

Kailan kaya bubuhos

Ayoko ng matapos

Wag na sanang tumila pa

Yakapin mo ng mahigpit sinta

Natatakot ang puso ko na baka

Sa pagtila nito'y bawiin ka

At kasabay nito ika'y mawawala


2nd Stanza;

Ang ating mga biruan

Ang ating mga tawanan

Sayo'y ako'y tinamaan

Tunay ang aking nararamdaman.


Di sisirain ang pangako

Di bibitawan mga kamay ko

Pinangako mo ang lahat ng ito

Ngunit ba't bigla kang nagbago?


Bridge;

Anong nagawa para ika'y magbago?

Kailan kaya ito nagsimula?

Sino ang sisihin sa'ting dalawa

Saan ako nagkulang?

Ba't ako'y iniwan?

Nasaan ka na ngayon?

Akala ko tayo pa rin sa dulo

Nasaan na iyong mga pangako?

Puso ko'y iyong dinurog


Repeat chorus;


2nd Chorus;

Mga ngiti ay tuluyan ng kumupas

Di mo natupad mga pangakong binigkas

Dating saya'y wala na

Wala ng kinang sa yong mga mata

Sa tuwing ako'y pinagmamasdan

Pag-ibig nga ba'y tuluyan ng lumisan?

Di ko magawang pigilan

Pagtigil mo sa paghakbang paalis ang inaasahan

Ngunit hindi, di ka man lumingon

Nilimot na nga ba ng panahon?

Lumisan... ika'y lumisan

Kasabay ng pagtila ng ulan

Kinakatakutan... iyong paglisan

Kapag tumilan na ang ulan.


Tune and Lyrics by: IannaLissian




A/N: Thank you for reading! Vote please or leave a comment (but not rude ones please my heart is too weak for that HAHAHA) I would love to see your thoughts about this poem/song/chapter . Feel free to suggest a song/topic too. Anyway, have a great day. Bye! <3


Songs I Have WrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon