003: HER NIGHTMARE

29 1 0
                                    

9 years ago...

"Mika!" I shouted when she suddenly disappeared.

She was way ahead of me. Nanlaki ang mga mata ko at binilisan ko pa ang pagtakbo. Matataas ang mga puno at malalago ang dahon ng mga 'yon. Tumatagos ang sinag ng araw sa mga pagitan. Malaki ang gubat at 'di ko na alam kung nasa'ng parte na kami. Wala akong ibang marinig kundi huni ng mga ibon at kulisap. Halos puro tuyong dahon na lang ang natatapakan ko sa kapal ng mga 'yon.

Habang papalapit kung nasaan si Mika kanina, unti-unti ring bumungad sa paningin ko 'yong dahilan kung ba't bigla siyang nawala. There was a trapping pit.

Pakiramdam ko no'ng mga oras na 'yon, may kung anong pumiga sa sikmura ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko. I pumped my legs harder to get there faster. I almost dove just to see her immediately.

Namilog ang mga mata ko at nanginginig ang mga boses na sumigaw."M-Mika!"

Dahan-dahan akong napaluhod at dumukwang sa butas.

"M-Mika!" Unti-unting uminit ang gilid ng mga mata ko. "C-Can you hear me? Please... say something."

Hindi ko siya makita sa lalim ng butas. Nakatutok lang ang tingin ko sa mga spikes. There... were blood on it. I couldn't stop my tears from falling. Alam kong kahit hilingin ko, imposible. Imposibleng hindi kanya 'yong mga dugong 'yon.

"M-Mika!" tawag ko ulit sa kanya.

Please... answer me.

Habang lumilipas ang mga segundo, mas lalong lumalakas at bumibilis ang tibok ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay na pinunasan ko ang mga mata ko. It was getting hard to see. My tears were blurring my vision. Napunta 'yong mga lupa na nasa mga kamay ko sa mukha ko.

Kahit humihikbi ako, pinilit ko pa ring magsalita. "M-Mika, please tell me... that you're okay..."

Halos hangin na lang ang lakas ng boses ko sa bandang huli.

"M-Mika, please... say something... anything..."

I wanna know that you're still with me.

Nawawalan na ako ng pag-asa. I covered my face with my dirty hands to stop myself from sobbing so hard, but I just couldn't. My shoulders trembled as I cry. I didn't know what to do. I didn't know how to handle things like this. Si Mika. Siya 'yong laging may alam. Siya 'yong laging nagsasabi sa 'kin kung anong dapat gawin. Siya 'yong laging tumutulong at ako ang tinutulungan. But that time, she was the one who needed my help. And I didn't know how to help her. I was a useless friend.

"C-Cee..."

Natigilan ako. Mabilis na napaangat 'yong ulo ko mula sa pagkakayuko.

Mika's voice was barely above a whisper, but I was sure I heard her. I scrambled and leaned towards the hole.

"Mika! Mika, can you hear me? Please tell me you're okay!"

I knew I sounded so desperate. My fingers were digging so hard on the soil. 'Yon na lang kasi ang makakapitan ko, e. If I heard wrong, I didn't know what I would do. How would I survive there without her?

"I'm... I'm fine... Please d-don't cry..."

Lalong sumikip 'yong dibdib ko. Napahikbi ako. My tears started to fall again.

She was not fine! She was not! Bakit ba siya nagsisinungaling sa 'kin?

Halatang-halata sa boses niya kung ga'no siya nasasaktan at nahihirapan.

"Cee, will you help me?" she asked in a weak voice.

I was stunned. Tulala akong napatingin sa madilim na butas.

Soaring ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon