I couldn't believe my eyes.
Mason had both of his pointing fingers in the air while alternately raising his arms. He was surrounded by girls who were wearing skimpy outfits and dancing the same way that he was doing. But the subtle grind or touch on his body didn't escape my hawk-like eyes.
Nanliit 'yong mga mata ko habang pinapanood siyang makipagsayaw sa gitna ng dance floor. He stood out from the rest of the crowd because of his height and natural light brown hair.
I was almost on the verge of death, I got injured, I relived my fear so I could rescue him. Tapos siya! Nandito lang siya at nakikipagsayaw?!
Kahit na iba't ibang kulay ng ilaw 'yong tumatama sa mukha at katawan niya, kitang-kita ko pa rin 'yong pamumula ng leeg at tenga niya. A sign that he had been drinking.
My head popped from side to side as my hands balled into fists. Maghanda ka, Mason Silas Evangelista!
Enduring the pain in my injured leg, I marched to where he was dancing. Hindi niya pa ako nakikita dahil nakatalikod siya habang sumasayaw. Umiinit na 'yong katawan ko dahil sa tumataas kong temperatura, pero wala yatang mas iinit pa sa ulo ko ngayon.
Two girls were running their hands on his firm back and arms. Tiniis ko lahat ng pambubunggo ng ibang nagsasayaw sa 'kin hanggang sa makalapit na ako sa pwesto nila. By now, I think I wouldn't be able to walk properly out of this place because of the excrutiating damn pain in my leg.
I just gritted my teeth and tried to ignore it. Hinawakan ko 'yong mga kamay na nakahawak kay Mason kaya gulat na napalingon sa 'kin 'yong dalawang babae. Agad na nagbago 'yong ekspresyon ng mga mukha nila, pero binigyan ko sila pareho ng matatalim na titig bago pa sila makaalma.
"Layas," I said.
I wasn't sure if they heard me because of the music, but they quickly backed away. And I didn't know if it was possible, but I think they literally paled.
No'ng makalayo na 'yong dalawang babae, lumipat na ang tingin ko kay Mason. Hindi niya pa rin ako napapansin. May iba pa ring nakikipagsayaw sa kanya na kaharap niya.
I fixed my expression and put a smile on my face. Then I planted my hand firmly on his shoulder. Do'n na siya napalingon sa akin.
Nanlaki 'yong mga mata niya no'ng makita ako, pero mabilis ding gumuhit ang malaking ngiti sa mukha niya na parang bigla siyang na-excite.
"Cale!" he said.
Posible bang mag-twinkle 'yong mga mata niya gaya ng mga nasa cartoons? Kasi kung oo, baka gano'n nga 'yong itsura niya no'ng mga oras na 'yon.
Nakangiti pa rin ako, pero tumaas na 'yong isa sa mga kilay ko.
"Tagal mo. 'Kala ko susunod ka agad."
Natigilan ako.
Anong pinagsasabi niya? Hindi ba siya aware na k-in-idnap siya?
Hindi agad ako nakapag-react no'ng hilain niya ako at akbayan. Amoy na amoy ko 'yong alak sa kanya. Humarap siya sa mga kasayaw niya na natigilan no'ng makita ako.
"Guys," sabi ni Mason, "this is Cal---"
Ako naman 'yong nanlaki 'yong mga mata. Mabilis ko siyang siniko sa tagiliran.
"Ooof!"
Sinamaan ko siya ng tingin at galit na bumulong. "You gonna give my real name?"
"Oh." Realization dawned on his face. He smiled again and faced the people waiting for his introduction.
Hindi ko ma-describe kung anong klaseng tingin 'yong binibigay sa 'kin no'ng mga babae. May mga nakataas ang kilay, may mga mukhang curious, at may mga nakangiti na para bang wine-welcome ako sa circle nila. May mga lalaki rin na sa tingin ko ay mga boyfriend no'ng ibang mga babaeng nasa bilog.
BINABASA MO ANG
Soaring Shadows
AçãoSeven bloodlines. Seven histories. One secret society. One goal. Seven secret agents of Krymmenos were given the task to find seven memorabilias before it falls into the wrong hands. When Calypso de Polavieja learned what kind of memorabilia she w...