005: FEAR

35 1 0
                                    

"Excuse me," tawag ko sa atensyon ng isang babaeng nagtitinda ng native delicacies sa pier.

Kabababa ko lang ng bangkang nagdala sa 'kin dito sa Maralos. I popped my neck from side to side para matanggal 'yong pangangalay no'n. It took me almost an hour ride in the plane to get to Buctod. It was one of the three cities in the 4th district in Palawan. Then approximately two hours from there to Maralos. Medyo malakas pa 'yong alon.

Ngumiti nang malapad sa 'kin 'yong babae no'ng lingunin niya ako. Siguro mga nasa 18 years old lang siya.

"Ano po 'yon, Ate Ganda?" tanong niya. 'Di pa ako nakakasagot, sunud-sunod na siyang nagsalita. "Bibili ka po? Ay, Ate! Masarap po 'tong roasted kasoy namin. 500 lang 'tong isang balot na 'to." Pinakita niya sa 'kin 'yong 100 grams. "May jowa ka ba, Ate?" Tumaas-baba pa 'yong dalawang kilay niya. "Pwedeng hati kayo. Ito po." Kulang na lang isampal niya sa mukha ko 'yong isang balot ng kasoy na 200 grams kaya naiatras ko 'yong ulo ko. "950 na lang 'to para sa 'yo, Ate Ganda. Bili ka na. 'Yan best seller ko. Kung ayaw mo naman niyan, meron po akong dried mangoes dito." Nagkalkal siya sa basket na dala.

I bit my inner cheek to stop myself from laughing. If I knew better, 'yon naman talaga 'yong original price no'n. Pero 'di na niya ako kailangang i-salestalk. Bibili naman talaga ako basta masagot niya 'yong tanong ko. Everything has a price.

"Wait," pigil ko bago niya pa mailabas lahat ng laman ng basket niya.

Napahinto siya at tumingin sa 'kin.

"Alam mo ba kung pa'no pumunta sa Caballo? Sa Hacienda Osmeña?"

"Ay, 'yon po?" Her eyes immediately lit up in recognition. "Sakay lang po kayo sa tricycle do'n," tinuro niya 'yong pila ng mga tricycle sa may blue na gate ng pier, "tapos sabihin niyo sa driver sa Hacienda kayo. Alam na nila 'yon."

Tumango ako. "Thanks. Pabili ako ng dalawa niyan." Nginuso ko 'yong 200 grams.

Her eyes widened, and she smiled excitedly. "Talaga, Ate Ganda? Sige, wait lang po."

She quickly wrapped the roasted cashews with a newspaper then handed it to me, beaming. Napangiti na lang din ako, then I handed her the three thousand bill.

"Keep the change," I said.

Nakita ko pa kung pa'nong halos lumuwa 'yong mga mata niya sa inabot ko bago ako tumalikod at naglakad palayo.

"Thank you, Ate Ganda!" habol niya ng sigaw.

She deserved it. Pinadali niya 'yong paghahanap ko by answering my question. In our line of work, every information had its equal compensation.

I approached the driver of the tricycle. Mabilis naman siyang umayos ng upo mula sa pagpapahinga niya sa driver's seat. Malaki 'yon at may upuan para sa apat na tao sa likod 'di katulad ng nasa Manila.

"Sa'n po kayo, ma'am?" tanong niya.

"Sa Hacienda po." Umupo na ako sa unahan.

"Kayo lang po?"

Tumango ako. Unless may nakikita siyang kasama kong 'di ko naman nakikita.

"Naku, ma'am, medyo malayo 'yon. Sa Caballo pa kasi 'yon, e. Kabilang baranggay pa. 300 po singil ko. Ayos lang ba sa inyo 'yon, ma'am?"

I couldn't help but be amaze. He was honest.

"Okay lang, kuya. Let's go."

"Sige po," sabi niya at pinaharurot na paalis 'yong tricycle.

Habang tumatagal 'yong biyahe, pakonti rin nang pakonti 'yong mga nakikita kong bahay. Napalitan 'yon ng mga sakahan at taniman ng iba't ibang prutas. Ang gandang tingnan ng pagkakalinya ng mga pinya. Meron din akong nakitang ilang magsasaka sa malayo na kumakain sa ilalim ng isang malaking puno. It was breathtaking. A simple life. I wondered if I would ever experience this one. Pero alam kong malabo. Simula no'ng pinasok ko 'yong organisasyon, wala nang kawala mula ro'n. I couldn't help but envy Fox. As far as I could remember, sa 'ming pito, siya 'yong nakaranas ng buhay sa probinsiya.

Soaring ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon