"INSAN! GISING NA!"
Napabalikwas ako when my tarantadong pinsan shouted at my ears. At ang tarantado naglagay ng table sa ulunan ng bed ko kaya naman pagkatayo ko ay nauntog ako.
"TARANTADO KA TALAGA PARK JIMIN!" Tatawa tawa syang tinanggal ang small table sa kama ko at hindi pa rin tumigil sa kakatawa nung makita nya ang mukha ko.
"Hoy, gagi! Ang pula mo!" Matumba tumba pa syang natatawa pa din sa akin.
"Lumayas ka dito hanggat nagtitimpi pa akong hindi ka saktan!" At paglabas nya ayon, sakto ang timba ng tubig sa ulo nya kasabay ng pagdaan ng Daddy nya. Malakas ang tawanan namin ni tito.
"Bobo!" Ani ko at binatukan sya pagkatanggal nya ng timba.
"Ano bang ginagawa mo, Jimin?" Tito France na pilit tinitigil ang tawa nya.
"Si Lie dapat mababasa, e!" Nagapir kami ni tito at sabay na bumaba to have a breakfast habang si Jimin andon, nakatulala pa din.
Sa hapagkainan, kumpleto ang pamilya. Bukas ay January 1 na at ngayon ang dating ni Jungkook at mamayang hapon ay si Lucas. It's better for Jungkook na maaga makarating dahil ililibot ko sya sa buong family.
"May tanong ako, Lie," Tito France ang nagsimula ng usapan.
"Ano po yun?"
"Bakit ka tumatakbo kaninang madaling araw sa garden?" At ayon, sabay-sabay silang nagtinginan sa akin na parang ang weird ko.
"Dinala naman kita sa park dati, anak. Gusto mo ba ulit pumunta?" Etong mga hindot kong pinsan ay nagtawanan ng palihim dahil alam nila kung bakit ako tumatakbo non.
~~~~
"TANGINA MO TALAGA LUCAS!" Sigaw ko sa kwarto ko. Lumabas ako ng veranda para magpahangin ngunit hindi non napapakalma ang nararamdaman kong inis ngayon. Teka, naiinis nga ba ako? o..puta, oo na iinis ako.
Bumaba ang tingin ko sa malawak namin garden at napag desisyunan na tumakbo mula sa kwarto ko hanggang sa garden at ikutin iyon.
Lingid naman sa kaalaman ko na nakita pala ako ng mga pinsan ko na lumabas ng bahay na tumatakbo ng nakatapak.
"Letse ka, Jaehyun! Letse kayo! Mga puta! Gago! Tarantado!" Patuloy na sigaw ko habang tinatakbo ang kabuuan ng garden.
"Iuuntog ko talaga 'yang pagmumukha mo Lucas!" Sinipa ko ang hangin at nag imagine na sinusuntok si Lucas. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng mahihinang tawanan. Napahinto ako at napalingon sa gilid ko.
YUNG MGA PINSAN KO!
"Ginagawa mo Lie?" Natatawang tanong ni Bobby.
"Buang ka na ba talaga?" Dagdag ni Jimin.
Yung ibang pinsan naman namin ay nakikitawa lang. Tangina nitong mga 'to pasalamat sila ay malalapit kami sa isa't isa.
"Ang bitter mo na naman sa ex mo, ate!" Ani Tzuyu.
"Eto kasing si Lucas, sinabi kay daddy na ayaw ko daw sya ipaalam kay Jaehyun na hindi sya makakasama sa Subic kaya kinausap ako ni daddy kanina na kausapin ko na daw si Jaehyun!"
"Bakit ka naninigaw?" Tinarayan ko si B.I.
"Kinausap mo?" Inabutan ako ng tubig ni Hwasa.

BINABASA MO ANG
His Red Flags | COMPLETED
Fiksi PenggemarA lot of people warned me about him but it's making him more attractive. I'm in love with his red flags but it is making me suffer.