56

216 2 0
                                        

"Uuwi din kami after new year," Bigla naman pumasok si Lucas sa kwarto ko at walang pakundangan na humiga sa hita ko. Si Chenle naman nangalkal ng pagkain.

Aba aba, ang kakapal naman ata ng mukha nitong mga 'to. Maya-maya lang ay tinanggal ni Lucas ang airpods nya at ngumiti sakin. 

"Gabi flight natin diba?" Tumango ako. Ilang oras na lang 12 am na nagaayos na din sila sa baba. 

"May sundo ka?" Tanong na naman ni Lucas hindi ko din maintindihan kung bakit nakaharap sakin yung likod ng phone nya.

"Susunduin kami ni Jungkook nila Taehyung," Tumango tango naman sya.

"Magsalita ka pa.." Naguguluhan ko syang tinignan "Buang ka ba?" At ayon, nakarinig ako ng tawanan mula sa cellphone nya. Doon lang din sya umayos sa pagkakaupo at pinakita kung sino ang kausap nya. 

"AY PUTANGINA MO LUCAS!" Agad akong nagtalukbong at rinig ko na naman ang tawanan at dolphin noise ni Chenle.

"Sorry na~ nakikinig ka ba? malamang sawa ka na~" Putangina kinakantahan ako ni Jaehyun. 

"Muli sya'y pagbigyan alam nyang nagkamali~" Si Donghyuck naman ngayon at binago pa ang lyrics ng Pagbigyang Muli.

"Muli kami'y patawarin kami ay nagsisisi~" Dagdag pa nito. Tarantado talaga.

"Hoy, Yeyel!" Inagaw sa akin ni Lucas ang kumot ko kaya nagtago ako sa likuran nya. Ang lakas talaga ng lalaking 'to. I pouted. Isang haltakan nya lang sakin yung kumot.

"Yel.." It's Quelzie and Czarina "We are truly sorry." I rested my forehead on Lucas' back. Alam kong ramdam ni Lucas na gulong gulo ako. Chenle sit next to me at pinatong ang ulo ko sa balikat nya. I don't know what to react umiyak lang ako ng tahimik.

"Lielle.." This time it's Jaehyun. 

"It's hard to do this..ang layo mo, sobrang layo mo.." Double meaning. I'm far away from them physically pero malayo din ang loob ko sa kanila, sa kanya.

Kaya ba parang sa tingin ko ay nahihirapan kayo?

"We..we missed you," His voice broke. Doon lang ako nagangat ng tingin at nakita ko ang itsura nilang umiiyak. Kung nahihirapan sila, mas nahihirapan ako. 

Hindi ko alam kung yung sitwasyon pa ba ang nagpapahirap sa akin o ako na mismo. I'm trying to be far away from them pero sila naman lapit nang lapit. Gustong gusto ko silang salubungin ng yakap, sobrang mahigpit na yakap pero meron din sa akin na sinasabing lumayo na sa kanila. 

"No..sirang sira ako, Jae. Sobrang durog na durog ako," I saw how their face changes. Ngayon lang ako nagkaron ng problema na inamin sa kanila na sirang sira ako. 

"Czari, Queli, akala ko kakampi ko kayo, e.." Kumunot ang noo nila at mas maraming luha ang lumabas sa mata nila.

"I tried calling you that night, I waited, but no one came. You know I needed you right? But i-it turns out na andon kayo kasama siya na alam nyo naman na sobrang laki ng worry ko sa babaeng yon," I sniffed.

"I'm worried because I know h-how much Jaehyun loved her, kung gaano nyo sya kagusto para kay Jaehyun. T-tangina naman Czari, sinabi ko sa-sa inyo yun, e. Wala akong l-laban kapag du-dumating yung t-t-time na bumalik si Y-yeri.." 

Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko kasi aaminin kong hindi ako naging buo kahit na konti nung nalayo ako sa kanila mas lalo akong nasira, mas lalo akong nadurog. Because I know to myself na kahit sila yung sumira sa akin, sila lang din ang makakapagbuo sa akin.

"T-then that time came..akala ko, a-akala ko, magiging kakampi ko kayo kapag nagtalo na yung isip atsaka nararamdaman ko, e andyan kayo pero wala. I'm all alone, freezing cold that night habang nagmamakaawa sa kawalan na sana may tumulong sa akin, kahit pagaalala nyo lang." Wala na ako ibang maisip kundi ang sisihin sila.

"Wala naman akong kasalanan sa inyo..ba-bakit ginago nyo ako?" I don't care kung makita nila akong umiyak at sobrang sira, they made me feel like this.

"We warned you last time, Lielle. I..i told you na wag si Jaehyun," Ani Queli.

"You could just tell me na ayaw nya ako para sa kanya dahil alam nyong babalik si Yeri. Ayon lang gusto kong marinig, Quelzie. Sawang sawa na ako sa kasinungalingan nyo!" 

Then just in time, Jungkook entered my room.

"Cas, pagbalik nyo na lang kausapin si Lili. Wag nyo naman pahirapan 'tong pinsan mo," Yun ang huli nyang sinabi bago kami lumabas ng kwarto.

His Red Flags | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon