61

231 2 0
                                        

Jaehyun's POV.

"Parang mainit ata ulo ni Yel?" Ani Kun na inoobserbahan ang bawat galaw at hampas ni Kennylielle sa bola at sa loob ng court. This is not her usual play maski sa training, she's more calm and collected pero ngayon ay iba.

Nainis ko ata sya.

"Si Jaehyun huling kausap nyan kanina, e" Ani Lucas at lahat sila ay napatingin sa akin.

"I just told her na may dinner kami with our family," Nagkibit balikat na lang din ako at nag focus sa training nila Lielle. 

Nung matapos ay nag cool down sila after that they went in front of us dahil andon ang bench nila. Wala akong ginawa kundi titigan si Lielle habang umiinom ng gatorade at nakikipagusap sa mga teammates nya. Until our eyes met, nagulat pa nga ako when she didn't broke the eye contact until she finishes drinking her gatorade.

"Capt, dinner tayo later," Ngumiti sya kay Krish. Shit papayag ba sya?

"I can't sorry, I have a family dinner mamaya, e," Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Lielle at banggitin ang "family".

"Ganon ba, sayang naman," Nanghihinayang na aniya. Gustong gusto talaga nilang nakakasama si Lielle. Well, kahit sino naman.

"Uy, andito pala kayo," Hindi na nila kami napansin kanina dahil tutok sila sa pagt-training.

"Oo, nakita mo naman Klio, diba," Pangaasar ni Ten sa middle blocker nila Lielle.

"Bakit? Ayos na kayo ni Jaehyun, Capt?" Ayon, biglang umingay ang buong gymnasium dhail sa hiyawan nila Lucas at ng buong volleyball team.

"No." Natahimik sila.

"Bakit naman? Sayang kayo oh," 

"It's not sayang for me, though." I pursed my lips and look down, she really knows how to hurt us, hurt me. But I can't be mad about it, kasalanan ko naman. 

"Pano yan gusto ka atang ligawan ulit, insan?" Ani Lucas at umakbay sa akin. Nagkibit balikat lang sya.

"I don't want to be in a relationship where I suffer because of his friends, not wanting me to be in a relationship with him because of some stupid reason like they want to protect me because of some stupid red flags." Akala ko ay tapos na syang magsalita ngunit binitawan nya ang mga katagang iyan na walang pagaalinlangan. Tama nga sila, nakakatakot sya maging kalaban. 

"What do you mean?" Ani Chenle.

Ngumiti sya pero hindi buo, kulang at ramdam kong masakit ang mga ngiting pinapakita nya sa amin ngayon "It's a simple, I can manage to get hurt by his red flags rather than being protected in such a wrong way."  

The realization hit me, siguro nga napakagago 'kong tao para protektahan sya ng sarili naming mga kaibigan mula sa akin. Pero wala ng mas gagago pa sa mga kaibigan na poprotektahan ang kaibigan nila sa paraang mas masasaktan si Lielle. 

"If Jung and I fix everything I don't want them to be part of our relastionship again, especially Czarina and Quelzie. You know what you did," We are shocked. This is the first time she calls out someone. Hindi ganitong klaseng babae si Lielle, hindi gustong namamahiya. 

May pagasa pa?

"Hintayin mo 'ko, magpapalit lang ako ng damit." Aniya ng nakaharap sa akin at binigay ang cellphone and tumber nya. Ganitong ganito kami noon. 

"Hay buhay!" Sambit ni Czarina at tumingala para labanan ang luha nya which is she successfully did. 

Lielle and her teammate went to have a quick bath and little meeting inside their locker room, syempre, malapit na laban ng Best of 3.

His Red Flags | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon