24

8 1 0
                                    

                        Clark POV

*After many hours*


"Hindi ka parin ba nakakamove-on sa  ex mo?" Medyo lasing na tanong ko kay samuel kasi sa kanya na kasi tumigil yung bote kanina.



"Syempre *hik* hindi pa *hik* mahal na mahal ko pa *hik* kaya yun" Lasing na sabi naman ni Samuel.



"Hoy, tama na nga yan mga lasing na kayo jan" Sabi naman ni Dark samin.



"Mukang lasing na sila Samuel, Nathalie, John at si Clark na medyo lasing na din yata yan" Sabi naman ni Venus samin kaya umoo nalang kami sa kanya.



"Nako parang nagsisi na ako sa sinabi ko sa inyo kanina dapat pala hindi na natin pinainom pa si Dora" Sabi naman samin ni Dark sabay alis ng pag kakayakap sa ka niya ni Nathalie.



"Daddy *hik* Dark buhatin mo *hik* naman ako, i want to sleep na" Lasing na sabi naman ni Nathalie.



"Tumigil ka nga jan Dora alam mo nag level up ka na, naging lasinggera na Dora ka na" Naasar na sabi naman ni Dark.



"Tara na nga tama na yan at umuwe na tayo" Yaya naman ni Monica samin.

 

"Oo nga umuwe na tayo nakakainis naman" Sabi naman ni Dark.



"Wag*hik* muna inom *hik* pa tayo" Sabi naman ni Samuel.



"Nako Samuel tama na yan at hahatid na namin kayo" Sabi naman ni Monica sa kanya  habang inalaalayan niya si Samuel.



                  Mavilyn POV



"Ok, umuwe na tayo kasi apat na lasing at apat din tayong mag magaalalay sa kanila  kaya mamili na kayo ng alalayan niyo" Sabi ko naman sa kanila.



"at ikaw Dark buhatin mo yan si Nathalie kasi ikaw ang nagpilit na painumin yan kanina" Sabi ko pa naman sa kanila kaya na patingin agad sakin si Dark.



"At bakit naman ako?" Asar na sabi naman ni Dark.



"Bakit hindi ikaw? ikaw mag buhat jan bago pa ako mabadtrip sa inyo, sabi ko kasi wag painumin yan pero tigas talaga ng gilagid niyo kasi" Seryosong ko naman sa kanila kaya napalunok sila Dark sakin.



"Oo nga Dark ikaw nalang ang mag buhat sa kanya" Sabi naman ni Monica.



"Ano bayan kasi e kung minamalas ka nga naman, sige na nga tara na nga" Inis parin na sabi ni Dark kaya sinumulan na namin sila alalayan. Si Monica inaalalayan si Samuel makatayo, si Venus naman inaalalayan din si John, tapos si Dark binubuhat na si Nathalie at ako naman inaalalayan ko naman si Clark.





"Sige, tara na guys" Sabi naman ni Venus samin at nauna na naglakad kaya sumunod nalang kami sa kanya pero habang naglalakad na kami bigla nalang nag brown-out sa hotel kay hindi namin  makita ang daanan.




"Guys?, nasaan na kayo?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad ako dahan-dahan sa dilim.



"Guys?" Tanong ko ulit nung walang sumasagot.



"Nathalie, Venus, Dark? guys na saan na ba kayo?!" Tawag ko ulit sa kanila pero wala parin kaya pinaupo ko muna si Clark kasi nangangalay na ako.



"Nerdy na saan na tayo?" Tanong ni Clark sakin kasi gising na pala siya.



"Hindi ko din alam nagbrown-out kasi kaya hindi ko makita kung nasaan na ba tayo" Sabi ko naman sa kanya.



"Ahh, ganun ba nasaan na ba sila John?" Tanong niya naman sakin.



"Wala, nahilay yata silang lahat satin pero teka lang dala mo ba yung cellphone mo?" Tanong ko naman sa kanya.



"Oo meron akong dala....wait lang" Sabi niya naman sakin at kinuha na ang  cellphone niya sa bulsa niya at binuksan niya na ang flashlight niya na tinapat niya sa mismong muka ko.



"Yan meron na tayong ilaw, ano bang gusto gusto mo? hatid muna kita o sasama ka muna sakin para maghanap muna sa iba nating kasamahan kaya mo pa ba?" Tanong ko sa kanya pero nakatulala lang siya sa muka ko.



"Hoy, ok kalang ba?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya pero nakatulala lang siya sakin.



"Clark?, may prob-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sa kaniya kasi bigla nalang lumapit si Clark sakin at....... At..... HINALIKAN NIYA AKO!!.

Nerd who stole your heartWhere stories live. Discover now