Mavilyn POV
"Mavilyn, dalian mo jan at lalabas na tayo" Sabi naman sakin ni Nathalie.
"Oo nga Mavi dalian mo jan kasi gusto ko na makita ang boyfriend ko" Excited naman na sabi ni Venus samin pero teka.
"Boyfriend?!" Sabay na sabi namin nila Nathalie.
"Oo girls may boyfriend na ako, si John sinagot ko na siya kahapon" Masayang sabi naman ni Venus samin habang nag aayus siya ng gamit niya.
"Parang ang bilis naman yata yung nakaraan sabi mo samin dati nililigawan ka palang tapos ngayon boyfriend mo na agad siya" Sabi naman ni Nathalie.
"Alam niyo girls ang panliligaw hindi dapat pinapatagal yan dapat yung relasyon ang pinapatagal hindi yan" Paliwanag naman samin ni Venus.
"buti ka pa nga gusto ka niya keysa sakin parang hindi pa yata siya nakakamove-on sa ex niya" Malungkot naman sabi samin ni Monica.
"Hay, nako, tara na nga puro lalaki ang pinaguusapan niyo" Sabi ko naman sa kanila at nauna ng lumabas.
*camping site *
"Ahmm, ito ba yung number eight" Tanong ko sa kaibigan nila Clark.
"Oo, number eight nga ang nandito" Sabi naman niya kaya tumungo nalang ako at umupo na sa may upuan na kahoy.
"May iba pa bang number eight nakilala mo?" Tanong sakin ni John na kaibigan ni Clark.
"Oo meron pa sila Venus, Nathalie, at Monica" Simple na sabi ko sa kanila kaya na patingin sila sakin.
"talaga nandito din si Monica?"Tanong naman sakin ni Samuel kaya umoo nalang ako.
"Pati si Dora?" Tanong naman ni Dark.
"Sinong Dora?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I mean si Nathalie" Paliwanag niya naman kung anong ibig sabihin niya kung sino si Dora.
"Oo" Sabi ko naman sa kanila.
"Bakit kaya lagi nalang kita nakakasama Nerdy sawa na ako sa pagmumuka mo sa bahay palang umay na ako sayo" Nangaasar na sabi naman ni Clark.
"Same here, feeling gwapo, muka namang Impakto" Bored na sabi ko naman sa kanya.
"Anong Impakto ka jan, hindi mo ba nakikitang ang mukang ito mas gwapo pa ito keysa sa crush mo" Pangasar niya din sakin.
"Kung pogi ka wala ng panget sa mundo" Sabi ko naman sa kaniya kaya sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Hoy, tama na nga kayo jang dalawa at baka mamaya kayo pa ang magkatuloyan" Natatawang sabi naman samin ni Dark.
"Hoy Dark kilabutan ka nga sa sinasabi mo, ako magkakagusto jan?, luh?, asa ka" Sabi naman ni Clark samin kaya tumawa yung mga kaibigan niya.
"Gusto mo turuan kita kung pano mahiya? kapal kasi ng muka mo e" Sabat ko naman sa kaniya kaya tinapunan niya ako ng masamang tingin habang yung mga kaibigan niya walang tigil sa kakatawa.
"Wag ka magsalita ng tapos Clark at baka malay mo mauna ka pa mainlove keysa sakin" Nakangisi kong sabi sa kanila.
"Wow, naasa ka pa nga talaga? sige lang Nerdy managinip ka ng gising" Sabi naman sakin ni Clark.
"Talaga lang ka pag ikaw talaga umamin sakin na gusto mo ko nako pagtatawan talaga kita" Sabi ko naman sa kanya kaya sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Nako tumigil na nga kayo jan at nasaan na ba kasi sila" Sabi naman samin ni Samuel.
"Hindi ko al-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kasi biglang dumating na sila Nathalie.
"Hi, guys sorry kung late kami" Masayang sabi naman ni Nathalie samin.
"Bakit ba ang tagal niyo?" Tanong naman ni Clark sa kanila.
"Wala, hinarang lang naman kami nung dalawang bruha dun" Sabi naman ni Venus samin at tumabi na siya kay John.
"Bakit kayo hinarang? sinaktan ba nila kayo?" Sabi naman ni Samuel sa kanila.
"Hindi naman may sinabi lang naman sila samin" Mahinhin naman na sabi ni Monica kay Samuel kaya sumangayon nalang si Samuel.
"Kompleto naman na tayo buti pa mag simula na tayo" Sabi naman ni Dark samin kaya umoo nalang kami.
Second day na namin ngayon sa dark forest kaya ang gagawin namin ngayon ay maglalaro kami ng game sa gitna ng apoy bale eight kami nakapaligid sa gitna ng apoy tapos pipili kami ng games kung ano ang gusto naming lalaruan namin kasi sabi ni ma'am samin kanina pwede daw kahit ano basta magkaroon kami ng connection sa isat-isa at makarelax nadin daw kami.
"Girls, what games do you like?" Tanong naman samin ni John.
"Hmm, kayo nalang bahala pumili kung ano ang lalaruin natin" Suggest naman ni Venus kaya sumangayon nalang kaming tatlo sa kanya.
"Are you guys willing to try the spin the bottle and then if you don't answer the question, you need take a shot of the beer" Paliwanag naman ni Dark samin.
" Teka, may dala ba kayong beer?" Tanong ko naman sa kanila.
"Syempre kami pa boy scouts yata toh" Natutuwang sabi samin ni Dark.
"Ano game na ba kayo?" Tanong naman samin ni Dark.
"Teka, masarap ba yan?"Tanong ni Nathalie samin.
"Oo naman, palibhasa bearbrand na gatas lang ang kaya mong inumin kasi isip bata ka talaga Dora" Sabi naman ni Dark sa kanya.
"Hindi pwede uminom si Nathalie" Seryoso kong sabi naman sa kanila.
"Hoy Nerdy wag ka nga Kj jan" Sabi naman ni Clark sakin.
"Oo nga hayaan mo siya makatikim naman siya ng ibang lasa bukod sa gatas at tubig" Sabi naman ni Dark sakin.
"Oo nga naman Mavi ok lang naman ako at ngayon lang naman ito" Sabi naman sakin ni Nathalie.
"Hays, sige kayo bahala basta sinabihan ko na kayo" Sabi ko naman sa kanila.
"Ok, sige magsimula na tayo" Sabi naman ni John.
"Oo nga game na" Sabi naman ni Venus.
"Sige game na" Bored na sabi ko nalang sa kanila at sumangayon naman sila.

YOU ARE READING
Nerd who stole your heart
Novela JuvenilA weird woman named the "brain of the group" has the ability to solve any problem in her life and can force you to obey her at the touch of a finger. However, out of the blue, a man appears in her peaceful existence and threatens to disturb it.