01

28 5 0
                                    

                                                                                   Mavilyn POV

"Mavilyn gising na at kumain  kana sa baba baka mamaya malate ka pa sa klase mo" Gising sakin ni mama habang inaalog ako ni mama para gumising.

"hmmm, Mama naman ma-aga pa pwede mamaya nalang?" Sabi ko kay mama sabay talukbong na sa may kumot pero hindi niya parin ako tinigilan.

"Ay, hindi gumising ka na jan at kumain na sa baba" Sabi ni mama bago siya umalis siguro napagot na sya kakagising sakin pero teka Lang.

" hanep!, Oo nga pala unang klase ngayon ayoko malate" Sabi ko at mabilis ako kumilos para maka baba kagad ako.

After many hours, na tapos na din ako at bumababa na para kumain.

" Ma, anong almusal po natin ngayon? "Tanong ko kay mama habang umiinom siya ng kape.

" May sinangag jan at itlog na may kamatis" Sabi ni mama sakin at inabutan niya ako ng plato.

"Wow!, ang sarap naman ng almusal natin ngayon mga favorite ko yan" tuwang-tuwa sabi ko kay mama sabay kuha ng sinangag.

Habang kumakain ako biglang nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko at nilagay sa ilalim ng lamesa ayaw kasi ni mama may hawak kang cellphone habang na kain.

"Anak, anong oras uwe mo mamaya?" Tanong sakin ni mama.

"hindi ko pa po alam baka po may practice pa kami mamaya" Sabi ko kay mama sabay tingin sa cellphone ko sa ilalim ng lamesa. nag message pala si Nathalie kung nasaan na ako kaya tinapos ko na yung kinakain ko.

" Ma, tapos na po ako kumain alis na po ako" Sabi ko Kay mama at kinuha na ang bag ko.

"Sige, mag i-ingat ka anak" sabi ni mama kaya umalis na ako.

Nerd who stole your heartWhere stories live. Discover now