09

15 4 0
                                        

                    Mavilyn POV

"Bakit ngayon ka lang Mavi?" Tanong sakin ni Nathalie.



"Wala may kinausap lang akong hotdog kanina" Sabi ko naman sa kanila at nag simula na akong kumain.



"Wow!,  talaga may hotdog ka nakausap?, malaki ba?, masarap?, teka nag sa salita ba yung hotdog?"Sabi naman ni Venus kaya na pailing nalang ako sa kanya basta't pagkain gising na gising ang babaeng ito.



"Ibang hotdog naman yung sinasabi niya ang ibig sabihin niya dun yung HOT pogi o maganda yun tapos yung DOG aso sa tagalog in short  'Ang pogi mo sana pero may ugali kang pang asong kalye' o kaya 'Ang ganda mo sana kaso may ugali kang pang asong kalye" Paliwanag naman ni Nathalie sa kanya kaya tumungo nalang si Venus na parang bata.



"Nasaan na pala si Nica?" Tanong ko sa kanila.



"Si Nica? hindi ko al- o nanjan na pala sya" Sabi niya naman sabay turo sa likod ko kaya tiningnan ko naman yung tinuro niya.


"Oh, Monica bat ngayon ka Lang?" Tanong naman ni Venus sa kanya.




"Ano kasi may nangyari sakin kanina kaya na tagalan lang ako" Sabi nya at kumain na.



"Nica, kanino yang jacket?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil siya sa pagkain.



"Oo nga, kanino yan wala ka namang jacket kanina pag pasok" Sabi naman ni Venus.



"Siguro, may lalaki ka noh?" Sabat naman ni Nathalie.



"Nako, hindi kay ano ito kay....S-samuel toh" Sabi niya naman samin habang naka yuko pa siguro nahihiya siya samin.



"Ahh, siguro na tagusan ka na naman kaya pinahiram ka niya ng jacket niya kanina para takpan mo yung palda mo" Sabi ko naman sa kanya habang nakain ng spaghetti.



"Luh?, p-pano mo nalaman?, nandun ka ba kanina?" Gulat na tanong niya.



"Wala ako dun kanina at isa pa hinulaan ko lang naman yun kanina kaya akalain mo yun tumama pa ako sa hula ko pwede na yata ako maging manhuhula" Pabiro kong sabi sa kanya kaya tumawa lang siya.



"Oo nga ang galing mo manghula kaya idol kita Mavi" Sabi niya sakin kaya nag tawanan kami at nag patuloy nalang kami ulit sa pagkain.



"Alam niyo matagal na tayong mag kakaibigan pero ngayon lang tayo nag sama sa iisang school" Biglang sabi naman ni Nathalie.

Nerd who stole your heartWhere stories live. Discover now