12

15 3 0
                                    

                    Mavilyn POV

"Hoy!, ale bakit mo ginawa yun?!" Tanong nung lalaki sakin na mukang adik sa kanto.


"Eh, kayo bakit niyo siya ginugulpi? o kaya bakit niyo siya balak patay gamit yan?" Seryoso kong tanong sa kanila kaya na paatras naman sila bigla sabay tinuro ko pa yung panaksak nila.


"E-eh a-ano bang p-pake mo?! sino ka ba?!" Matapang na sabi nung isang lalaki kaharap ko pero bat ganyan siya mag salita putol-putol ano ba yan bulol ba siya.


"Pake ko?, sabagay dapat nga wala akong pakealam sa inyo kaso nag pakita pa kasi kayo sakin kaya ayan tuloy nangelam na ako" Bored na sabi ko sa kanila sabay dampot ng skateboard ko sa lupa na binato ko kanina.


"Ah, ganun, alika dito yari ka saming babae ka!" Sabi naman sakin nung lalaki na hinagisan ko kanina ng skateboard ko kaya tumingin lang ako sa kanya ng seryoso.


"H-hoy nerdy wag ka nga mangelam dito tumakbo ka nalang!" Sigaw ni Clark sakin pero hindi namin siya pinasin at nakikibuan nalang lang kami kung sino ang mauunang  susugod.


Habang nag hihintay ako sa kanilang tatlo bigla nalang sumugod yung lalaki tinamaan ko kanina kaya bago pa siya mabilis makalapit sakin para suntukin ako mabilis kong din binaba ang katawan ko at inisprade ko yung isa kong paa para mapatid siya at matumba.



Pag tapos nya tumumba sinipa ko muka niya at yun tulog sabagay mabigat naman suot ko sapatapos kaya siguro di nya kinaya pero bigla nalang sumugod yung dalawa niya pang kasamahan sakin kaya mabilis akong tumalon pataas pa ikot sa likod nila at nag landing ako sa may likod nila at mabilis ang pag galaw ko bago pa sila makaharap binigyan ko sila ng tag isang flying kick umikot ako left then umikot naman ako sa right ng mabilis at ayun tumba sila pero tatayo pa sana kaya kinuha ko skateboard ko para balak sana panghampas sa kanila kaso tumakbo na sila paalis mga takot yung kasama nila iniwan naka handusay dito na parang patay duguan ang muka sinipa ko kasi sa muka hehehe.


"Kala ko pa naman pag papawisan na ko sa inyo pero tulog na agad yung isa hanep"Sabi ko nalang at dinampot na ang skateboard ko at pinuntahan na yung lalaki kanina na binubugbog.


"Hoy, ikaw ayos kalang ba jan?" Tanong ko sa kanya pero nakatulala lang siya sakin.


"Hoy!, gising ok kalang ba?! human to earth? naririnig mo ba ako?!" Tanong ko ulit sa kanya na malakas para ma gising na siya at tama naman ako na gising na yata siya.


"h-huh?" Parang wala sa sarili niyang sabi sakin ayos lang ba siya tanong ko sa sarili ko baka na daplisan pag iisip niya kanina kaya di siya nakibo nako sayang utak.


"Anong huh? sabi ko kung ayos ka lang ba?" Naaasar na tanong ko sa kanya kaya tumungo na siya.


"A-ah, oo a-ayos lang ako ikaw ba?" Tanong niya sakin at tumayo na sya.


"Oo, ayos lang naman mukang ikaw nga yata itong napuruhan kung ako sayo sa susunod kasi mag iingat ka na daming adik kaya dito at di lang dito meron jan kaya dapat laging kang alerto" Sabi ko naman sa kanya.


"Oo, mag iingat na pero dapat di ka na nangelam baka ikaw pa mapuruhan kanina sisihin mo pa ako pero s-salamat nga pala kanina" Sabi nya sakin pero dami niya naman sinabi niligtas na nga siya reklamador pa yung huli niya lang sinabi ang tatanggapin ko kaya tumungo nalang ako at nag lakad na pero huminto muna ako.


"Ay, teka nga pala, bago ka umalis tumawag ka muna ng pulis para jan ikaw na bahala dito sibat na ako" Sabi ko sa kanya.


"A-ah, sige" Sabi niya sakin at madali niyang kinuha ang cellphone niya.


"Teka, sabihin mo din sa pulis na ikaw ang nag pa tulog jan wag mong banggitin na may babae dumating na tumulong sayo" Sabi ko pa sa kanya.


"H-huh? pero b-bakit ayaw mong sabihin sa p-pulis na tinulungan mo ko?" Pautal-utal na Sabi nya sakin ano gusto niya gawin ko pagalitan na naman ako ng nanay ko ka pag nalaman niya nakipag away na naman ako hanep.


"Pffftt, anong gusto mo malaman nila isang maginoong lalaki niliktas ng isang babae? edi nag muka kang bading nun diba?"Sabi ko nalang sa kanya habang nag pipigil ng tawa ko kakaibang nilalang.


"P-pero kas-" di niya na tuloy ang sa sabihin niya kasi tiningan  ko siya ng seryoso para maramdaman niya na wag na magdahilan pa at sumunod nalang. 



"A-ay oo nga noh sige hindi ko na sasabihin" Sabi nya nalang sakin sabay kamot sa batok nya kaya nag lakad na ako palayo mukang ayos naman na siya.



"SANDALI LANG!, ANONG PANGALAN MO?!" Habol na tanong niya sakin.


"NERDY!" Sigaw ko pa balik sa kanya habang naglalakad na akong patalikod sa kanya at tinaas ko na yung kamay ko at kumaway na paalis.

Nerd who stole your heartWhere stories live. Discover now