07

14 3 0
                                    

                     Mavilyn POV


"Oo panget ako sa paningin MO pero hindi ako bulag kagaya MO" Sabi ko sa kanya pinag didiinan ko talaga sa muka niya yung MO parang damang dama niya sarili niya mali sa katawan pero nakatulala lang itong mokong na ito.




"A-anong ibig m-mong sabihin na bulag ako?" utal-utal na sabi nya sakin hanep ano bang nangyayari sa lokong toh di kaya naka drugs ito sa umaga nako mga kabataan nga naman.




"kasi kung hindi ka bulag na pansin mo sana yung kulay ng pinto kulay  pink siya. Sa tingin mo sino maglalagay ng sign ng BOYS tapos pink yung pinto diba dapat blue?  tapos may sign na GIRLS dun sa labas na kita ko kaya yun bago ako pumasok dito pero sabi mo nga na kita mo din yung sign sa labas pero boys yung naka lagay diba" Mahabang paliwanag  ko sa kanya at baka di niya pa magets yun pag di specific yun paliwanag ko sa mokong toh.




" O-o boys na sign nga yung na kita ko kanina" Sabi niya naman sakin.





"Para malaman natin kung sino mali sa ating dalawa tara tingnan natin sa labas kung sino ang tama satin" Sabi ko sa kanya at nag lakad na ako palabas ng cr sumunod naman siya sakin at sa pag labas namin.





"O-oh diba tama ako" Sabi nya sakin at tinuro pa yung sign sa pinto na may nakalagay na BOYS nga pero teka.





"Hindi, Mali ka tingnan mo pink yung kulay ng pinto pero yung sign niya Boys ibig sabihin may nag palit nito mga sign sa may pinto halika punta tayo sa kabilang Cr"Sabi ko naman sa kanya at nag lakad na ulit ako at siya naman tahimik lang na sumusunod sakin.




"Oh, tingnan mo ang kulay ng pinto dito blue pero yung sign nya GIRLS sa tingin mo ba panlalaki ba yung kulay pink? sabihin na natin sa ibang lalaki pwede ang pink wala akong reklamo dun pero dito sa school hindi naman yata nila babaliktarin diba" Tanong ko sa kanya.




"h-hindi" Mahinang sabi niya sakin sabay tingin sa malayo.





"Yung kulay blue ba para sa babae ba yun? sabihin namin pwede naman pero common ba siya na blue pinto dito alam ko pink lahat ng kulay ng cr dito sa school" Tanong ko ulit sa kanya.





"Hin-di d-din" Mahinang sabi nya ulit naka yuko na siya ngayon ano ka ngayon yuko ka ng yuko jan ano sinusulyap niya jan si santi ba?  grabe ba.





"Edi, sino mali sating dalawa?" Tanong ko ulit sa kanya.





"H-hindi ako sabi mo  nga may nag palit nun kaya n-naloko din ako" Sabi nya pa sakin.




"Oo, sabihin nalang natin parehas tayong victim dito pero wala ka parin karapatan insultuhin ako at tapak-tapakan ang pag babae ko kanina" Seryosong sabi ko sa kanya na nakatitig pa ako sa mata niya pero umiwas lang siya ng tingin sakin.





"S-sorry" Sabi nya sakin sabay yuko.




"Sa susunod mag isip ka muna bago ka mag mag buga ng masasamang ugali mo jan punta kang gera wala ka naman dalang granada" Sabi ko nalang sa kanya at umalis na baka kasi kanina pa naghihintay sila Nathalie.

Nerd who stole your heartWhere stories live. Discover now