Chapter 6: The Show

10 0 0
                                    


"I'm just a little girl lost in the moment, I'm so scared but I don't show it. I can't figure it out, it's bringing me down oh no, I've got to let it go, and just enjoy the show"
Narito ako ngayon sa classroom kasama ang aking mga mahal na kaibigan at nag ja-jamming dahil walang teacher at nabobored na kaming lahat.
"Badumbidum, dumbidam dam, just enjoy the show" kasabay ng kanta, tinatap din namin ang Armchair para magsilbing drums. :)
Ang gaan talaga sa pakiramdam ng kasama mong nagsasaya ang mga kaklase mong parang kapatid mo na dahil araw-araw na kayong nagkakasama.

Mabilis na umuusad ang araw at sa tulong ng mga bestfriends ko, masasabi kong nakamove-on na ako sa crush kong si Makki.

Kung dati, nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang kasama ang girlfriend niya, lalo na kung magka holding hands sila. Ngayon hindi na. Katunayan niyan, nagkasalubong kami kanina sa Hallway at nginitian ko siya. Binati ko pa nga eh. Sabi ko, "Magandang umaga!" tapos ngumiti lang siya ng konti.
"Just enjoy the show.." natapos na ang kanta at nagpapalakpakan na ang isa't isa.
"Oh, ano'ng next?" tanong ni Rona.
"The Sign by: Ace of base naman!" sabi ni Sarah.

At sinimulan na namin ang pagtatap ng upuan.

Actually, kaming tatlo talaga nila Rona at Yvette ang nagpa-uso nito sa room. Nagtatap ako noon kasi naboboring ako e, kumakanta si Yvette noon kaya sinabayan ko na ng tap at ayun, napansin naming tatlo na cute iyon. Hanggang natuto na silang magtap din at,one day, napansin namin na buong klase ay kumakanta na din ng The Show at ayun na ang ginagawa namin tuwing walang teacher o kaya naman pagnaboboring kami.

Girl on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon