Chapter 7: Yuletide Season

30 1 0
                                    

Pagkadating namin sa bahay, ang weird na talaga ng atmosphere. Feeling ko mapapagalitan ako ni Mama dahil sa nakita niyang pakikipagharutan ko kay Matthew. Oh no!! Kill me now pls!

“Ma, sa’n ka po galing?” pagbasag ko sa katahimikan.
“Sa palengke lang” tipid na sagot ni Mama. Halata namang galing siya sa palengke dahil sa mga dala niyang gulay at karne
“Ahh. Sige po, sa kwarto muna ako” sagot ko at akmang tatalikod niya.
“Graciela.” Oh no, galit nga siya. Kasi tinawag niya ko sa true name ko eh, dapat ‘anak’ ‘sweety’ or something
“Po?” tanong ko.

Tumalikod ito dala ang mga pinamili niya papuntang kusina kaya sumunod naman ako

“Ma, bakit po?”
“Ano ‘yung nakita ko kanina?”diretsong sabi ni Mama

PAKTAY NA! TT__TT!!!

“Ah iyon po, wala po yon nakikipaglaro lang po ako.”
“Laro? Napaka sweet naman ng larong iyon”sabi niya saka nilagay ang karne sa sink.
“Mama naman. Tinulungan ko lang po si Marcus para ‘di siya kilitiin ulit”
“Kiliti?”

“Opo, nagkikilitian po kasi sila ng pinsan niya tapos po hinatak niya ‘yung palda ko kasi humihinggi po siya ng tulong, kaya ayon po, tinulungan ko siya. “

“Uhm.”pagtango ni Mama. X_X

“Alam mo anak, hindi masamang makipaglaro. ‘ Yun ay kung ang laro ay nababagay sa iyo”wika ni Mama

“Anak, dalaga kana. Ayokong mapahamak ka alam mo namang mahal na mahal ka naming ‘di ba?”

Tumango lang ako.

“Dapat anak, matuto kang makiramdam at lumaban. Sa itsura mo kanina, mukha kang isang babeng walang kalaban laban sa kahit na ano’ng  tiyak na kapahamakan. You’re fragile. Anak, makiramdam ka sa pangyayari sa paligid mo na maari kang mapahamak. “

“Ano pong ibig niyong sabihin?”
“Kung nagkataong walang ibang tao doon at taong may masamang loob lang ang kasama mo, ipag palagay na nating si Matthew ay may masamang loob, kung nanaisin niya, maaring ma-rape ka anak. He’s already on top of you.” Seryosong wika ni Mama.

‘On top of you’ I blush at that thought. Yiikkes! ~_~

“Sorry po Ma.”

Tumango lang si Mama. “Basta anak, mag-iingat ka palagi ha?”

“Opo.”

Alam ko kung bakit ganoon na lang sila mag pahalaga sa akin. Kasi, ako ang nag-iisang babaeng anak nila at batid kong mahal na mahal nila ako.

Umakyat na ako ng kwarto matapos noon.

*KINABUKASAN*

Thanks God its weekend!

Sabado ngayon at narito kami ni Mama sa SM. Malapit na rin kasing mag Christmass Party kaya,
bibili na kami ng isusuot ko.

Napadaan kami sa isang Jewelry shop.

Agaw pansin ang maliit na chandelier kaya pumasok kami ni Mama sa loob.

Pagkapasok namin, “Wow! Ang ganda naman nito” sabi ko habang nanlalaking matang nakatitig sa isang bracelet na Gold na may mga nakabitay na designs na bilog na kulay pink, at saka nota na kulay itim. Ang ganda tingnan. Parang simple, pero rock.

Oww, may naalala ako sa katagang ‘simple pero rock’ tss.~>_ <~

“Anak, halika dito.”tawag ni Mama sa akin.

“Miss, itry ko lang”sabi ni Mama doon sa babae.

Isinuot ni Mama sa akin ang kwentas na Silver na may pendant na bilog na Gold din at may curvings ito sa upper right at sa loob ng pendant ay may letter G.

Girl on FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon