The cold breeze embraced me as I stepped out of our house. The wind blows right through my face and the smile I always wear once I step out of my room fades.
Sabado ngayon, January 23, 2021. Ito ang ikatlong anibersaryo sana namin kung hindi n'ya lang ako iniwan.
Dinala ko ang teddy bear na niregalo n’ya sa akin noong first anniversary namin at tumungo sa park kung saan kami unang nagka-kilala.
Umupo ako sa may bench at napa-ngiti ng mapait. Muling bumuhos ang mga ala-ala namin sa’king isipan.
Hindi ko rin alam kung bakit, hindi ko alam kung anong mali sa akin at hanggang ngayon ay nalulunod pa rin ako sa dami ng tanong kung bakit ganoon ang nangyari.
Masaya naman kami noon, magka-sundo kami sa halos lahat ng bagay. Legal din naman kami sa parehas na pamilya namin at halos hindi kami mapag-hiwalay dati. Kaya nga marami ang nagtataka kung anong nangyari’t bigla kaming naghiwalay. Isa na ako roon.
Naalala ko pa nung araw na ’yon.
Papasok na ako sa eskwelahan at sobrang lungkot ko. Paano ba namang hindi? Nag-away sila mama at papa, ang kambal ko naman ay naglayas dahil naririndi na raw s’ya sa palagiang pag-aaway ng mga magulang namin.
Halos manggilid ang mga luha ko tuwing naaalala ko ’yon. Kung paano sila magbangayan. Kaya naman gano’n na lang ang lungkot ko.
Nagtataka ako dahil late na ako pero parang wala pa ring mga tao sa classrooms. Nilibot ko ang paningin ko at kumunot ang noo dahil kahit mga staffs ng school ay wala.
Holiday ba? Bakit hindi ako informed?
Halos mapa-talon ako nang may narinig akong magsalita.
“Miss Priscilla Ashley Beatrix Frost, please proceed to the gymnasium.”
“I repeat, miss Priscilla Ashley Beatrix Frost, please proceed to the gymnasium, thank you.”
Teka, ’di ba pangalan ko ’yon? Luh, may special mention ako from the higher ups, galing naman. Ano kayang meron?
Matatanggal na ba ako sa honor? Nag-aaral naman akong mabuti, ah!
Kinakabahan man ay tumungo pa rin ako roon. Pero pagdating ko, sarado pa yung gym. Luh? Pati ba naman sa school may manloloko sa’kin? Tsk.
Tumalikod ako at paalis na sana ako pero biglang may tumikhim sa likuran ko.
“Ash,” wait, that voice. Agad akong humarap pero isang boquet ng bulaklak—no, wait. It isn't flowers! A boquet of street foods! Dahan-dahan kong ibinaba yung boquet of street foods para makumpirma yung tao sa likod no’n.
“Brix...” mangha akong napatingin sa kan’ya pero agad ding nangunot ang noo.
“Brix, what are you doing here? Nasaan yung iba? Bakit pinapatawag ako dito?” sunod-sunod na tanong ko. Napa-kamot naman s’ya ng batok at nahihiyang ngumiti sa akin.
“Ah, Ash, kasi ano...” kinagat pa n’ya ang labi n’ya at ang mga mata n’ya’y naglilikot. Sign na may gusto s’yang sabihin pero hindi n'ya masabi, gano’n kasi s’ya.