Madalas talaga, ang mga bestfriend ay nagiging parang kalahati na ng buhay mo. Pa’no ba naman, walang pinapalampas na detalye sa buhay natin. Halos kalahati ng buhay mo, alam nila. Kaya minsan kapag may nagtanong na ibang tao, imbis na ikaw sumagot, sila na nagsasabi. Detailed pa, hah?
Gaya nalang ngayon. Wala na namang lubay sa kakadaldal si Farah nang tanungin ng mama niya kung bakit daw nangungulit na naman siya sa’kin.
Napatingin nalang ako sa orasan bago tumayo.
“Ah, tita. Una na po ako, baka hinahanap na rin po ako sa amin. Hindi kasi ako nakapagpa-alam kila mama,” ngumiti naman ito at tumango.
“Ganoon ba hija? Oh, siya sige. Mag-ingat ka hah? Ipapahatid nalang kita sa driver namin.”
“Naku, tita, h’wag na po. May susundo naman po sa akin. Kanina ko pa po tinext,” nangunot naman ang noo ni Farah at pag kuwa’y ngumiting aso.
“Sabi mo, out of town sila tita at ngayong hapon lang ang balik? Malamang, yung driver niyo, susunduin palang sila,” lalong lumapad ang ngiti niya bago lumapit sa’kin at tinusok-tusok ang tagliran ko.
“Ikaw, ah. Yung prince charming mo susundo sa’yo ’no?” napailing nalang ako bago siya sinaway.
“Wala akong gano’n, Farah,” hindi ko naman kasi sinabi kung ano talaga relasyon namin ni Spike kaya akala niya, boyfriend ko talaga ’yon at dine-deny ko lang.
“Sus, kunwari ka pa. If I know, palusot ka lang na uuwi. Mag d-date lang kayo, eh!” lalo pa siyang nanukso na muntik ko ng ika-asar kung hindi lang may bumusina sa labas ay baka nabatukan ko na ’tong babaeng ’to.
Kasunod ng pagbusina ay ang pag-tunog ng cellphone ko.
Spike calling...
Lalong lumapad ang ngiti ni Farah at sumipol-sipol pa habang sinisilip yung labas. Napa-irap nalang ako bago muling nagpa-alam kay tita at lumabas.
“Baby!” ngiting-ngiti ang mokong na lumapit sa’kin at niyakap ako. Rinig ko naman ang impit na tili ni Farah sa likuran ko.
“I missed you. Napagod ka ba?” umiling ako bago siya pasimpleng kinurot sa tagliran n’ya. Hindi n’ya ininda ’yon at sa halip ay natawa pa.
Pasimple itong sumulyap kay Farah at tumango.
“Thanks for taking care of my girlfriend. Una na kami,” kinuha n’ya ang dala kong bag bago ako hinila palayo.
“Bye, lovebirds!” kumaway si Farah na halos mapunit na ang labi sa pag-ngiti. Ngumiti nalang ako pabalik dahil tamad ako mag-explain kaya isipin nalang niya ang gusto niyang isipin
Nang maka-uwi sa bahay ay pinag-meryenda ko lang si Spike bago siya umalis. Baka daw maabutan pa siya nila mama. Nagtatago kasi ’yun.
Kinagabihan ay may na-recieve akong text.
From: Jack
Ash, sorry. Sana mapatawad mo ’ko. Nakipag-balikan na ako kay Fiona. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa’yo.
From: Jack
Na-realize ko kasing mahal ko pa rin s’ya. Kahit anong pilit ko, hindi ko s’ya makalimutan.
From: Jack
Sana mapatawad mo ’ko. Naging masaya naman ako kasama ka, sadyang iba lang yung sayang nabibigay n’ya. Salamat, hindi mo ako iniwan sa mga oras na kailangan kita pero siguro, hindi talaga tayo. Sorry.
Imbis na umiyak at sumama ang loob ay natawa nalang ako. Alam ko naman. May bago ba? Hindi ko naman na sine-seryoso ang relasyon. Parang libangan o trabaho nalang sa’kin. Mag-alaga ng mga broken hearted. Simpleng gawain pero kung madamdamin ka, baka namatay ka na sa sakit.
Napa-iling nalang ako bago mag-tipa ng reply.
To: Jack
Be happy, then. As long as she'll love you, it’s fine. Just don’t let her waste you again, make her see your worth. If not, iwan mo na. Baka pinagtagpo lang kayo pero hindi rin tinadhana.
Tatawa-tawa kong binaba ang cellphone ko sa maliit na mesa sa gilid ng kama ko bago nahiga.
Another man to let go.
Napa-ngiti nalang ako ng mapait.
Buti pa sila, nagkaka-balikan. Buti pa yung iba, nakikita yung worth ng mga mahal nila after some time.
Sa kanya kaya? Gaano katagal pa akong maghihintay na balikan niya? Ilang lalaki pa ba ang dapat kong mapasaya bago niya makita yung worth ko? Bago niya ma-realize na kaya ko rin naman siyang pasayahin?
Hays. Taragis, ’pag-dating talaga sa pag-ibig, ang daming tanga.