FALL 1

20 2 0
                                    

“Oh, ano Priscilla? Sama ka na, ’wag kang magmukmok d’yan. Hindi na sa’yo babalik ’yon,” inis kong hinarap si Farah, ang bestfriend kong lukaret.

Alam na broken hearted yung tao pero imbis na pagaanin loob ko, heto at inaaya ako na mag-bar. Matangkad, maputi, may mahaba pero kulot na buhok, chinita, mayaman at certified greek—greek ang hanap.

Maraming manliligaw pero walang pumapasa. May naka-relasyon na pero one time lang. Hindi na naulit. Niloko kasi kahit hindi ka-gwapuhan. Kaya ayon, ang epekto, greek na hanap lagi. Magloko man daw, at least, katanggap-tanggap naman dahil may hitsura.

Ewan ko ba, iba talaga tama sa amin ng mga first heart break namin. Ako, eto, naging comfort queen tapos s’ya tumaas masyado standards.

“Farah, can you please give me a break?” I rolled my eyes. Palagi kasing laman ng bar si Farah, doon s’ya naghahanap ng mga mala-adonis na mukha.

“Break? Break mo mukha mo. Hindi ka pa ba nagsasawa sa salitang 'yan? Siguro nakipag-break na sa'yo si Jack, ’no?” natahimik ako dahil doon.

“Hindi ah, kami pa rin. Ikaw ah, ang ayos-ayos namin pero parang gusto mo na hiwalayan na n’ya ako,” lies, hindi kami maayos ni Jack. Nakita ko kasi s’yang kahalikan yung ex n’ya. Masakit, oo. Pero hindi ako iiyak, ubos na yata luha ko sa dami ng naging heart breaks ko.

“Ah, talaga? Kaya pala usap-usapan na nagka-balikan na sila ng ex n’ya? Oh, hindi ka ba n’ya sinabihan? Hindi muna nakipag-break bago lumandi sa ex n’ya? Aba, career na career ng gago,”

“Tss, ang daldal mo Farahtot, tara na nga,” hinila ko ang kamay n’ya at umalis ng canteen. Siguradong hindi na naman s’ya lulubay kapag hindi ko s’ya pinagbigyan sa gusto n’ya.

Pagkatapos ng klase ay umuwi ako ng bahay at nag-palit ng damit. Ilang minuto lang at naka-tanggap ako ng text mula kay Farah, nasa ibaba na daw s’ya.

Muli akong tumingin sa salamin saglit bago bumaba ng hagdan. Nakita ko si Farah na naka-upo sa sofa namin habang naka-taas ang paa sa mini-table sa harap n’ya.

Tss, feel at home ang bruha.

“Seriously, Priscilla?” pinasadahan n’ya ako ng tingin mula itaas pababa.

“What?”

“Bakit ganyan ang suot mo? Bar ang pupuntahan natin hindi kumbento!”

Napa-irap ako at lumakad palapit sa kan’ya.

“Sasamahan lang naman kita, hindi mo naman sinabi na dapat naka-hubad ako na pumunta doon,” napatampal s’ya sa noo at mabilis akong tinulak-tulak papunta sa hagdan.

“No, I won’t let you go with me like that! Hindi ako makakabingwit ng adonis!” What? Hindi pa s’ya makakakuha sa lagay ng ayos n’ya? Black bodycon dress that hugs her curves partner with her black killer stilettos with a snake-like pattern in it and her long wavy hair that covers her back.

Kung ako ang lalaki, hindi ko na s’ya papakawalan.  Katangahan ’yon kung gagawin ko. Almost perfect na kaya ang bestfriend ko!

“Dito, upo!” masakit man ang pwet sa pagkaka-saldak ay hindi nalang ako umangal. Baka mamaya lalo lang humaba ang usapan kapag umangal pa ako.

“You should learn from me, okay? Isasama na kita palagi kapag pupunta ako doon kaya dapat matuto kang mag-ayos,” inumpisahan na n’ya babuyin ang mukha ko. Kung ano-anong kulay na naman ang nilagay. Parang clown lang ako kung tratuhin ng babaitang ’to, takte.

“Ayan, oh, ’di ba mas maayos! Dali, palit ka naman ng damit, hmm,” pumunta s’ya sa closet ko at nag-kalkal doon. Lahat ng 'di n’ya nagugustuhan, tinatapon n’ya sa lapag at kapag gusto n’ya, sa kama ang bagsak.

“Farah naman! Kaka-ayos ko lang n’yan, eh!” mangiyak-ngiyak ako nang irapan n’ya lang ako. The heck! Kaibigan ko ba talaga ’to?

“Eto! Perfect!” humarap s’ya sa akin hawak ang isang mini-red dress na binili sa akin ni mama noon.

“What the fuck, Farah? Sana pinaghubad mo nalang ako! Wala rin namang matatakpan sa akin d’yan!” bulyaw ko pero nginisihan n’ya lang ako.

“Isusuot mo o friendship over na tayo?” nanlumo ako dahil doon. Taragis talaga, alam na alam n’ya kung paano ako mapapa-payag sa mga gusto n’ya.

“Tss, fine,” ngingisi-ngisi lang s’yang naghintay sa kama ko habang ako naman ay pumasok sa walk-in-closet ko at doon nag-palit. ’Pag labas ko ay panay ang hatak ko pababa sa dress sa suot ko. Halos kita na ang kalahati ng hita ko at litaw na litaw ang likod ko!

“Oh My G, Priscilla! I didn't know you could be this hot!” nilapitan n’ya ako at inikutan.

“Now, I have the hottiest bait ever,” naguluhan ako sa sinabi n’ya pero hindi ko na pinansin.

Alas siyete ’y media ng gabi na halos nang makarating kami sa bar.

Amoy alak, puro usok at mga naglalampungan sa kung saan-saan ang bumungad sa amin.

Umupo kami sa couch at um-order ng tequila. Sanay naman akong uminom, may high tolerance ako pagdating sa mga alcohols. Pero itong si Farah, bantayin pa.

“Fuck! Si Giovanne Peralta ba ’yon?” napatingin naman ako sa tinuturo ni Farah. Isang grupo ng mga lalaki, puro gwapo pero lahat manloloko. Paano ko nasabi? Kalat na puro playboys, e. 

May lumapit ditong tatlong babae at pina-ikutan iyong Giovanne daw. Mga naka-lingkis agad sa braso at meron din naka-upo na sa lap nung lalaki.

Tsk, mga babae ba ’to o ahas?

“Kita mo, nauunahan tayo ng iba, ang bagal mo kasi Priscilla! It should be me! It should be you! It should be us!” gigil na gigil na si Farah at halos ibato na yung wine glass na hawak n’ya.

Nagulat ako nang ubusin n’ya lahat ng laman ng wine glass n’ya at hinila ako palapit sa sinasabi n’yang Giovanne.

“Giovanne! Long time no see, how are you?” teka, close ba sila? Bakit kung maka how-are-you ’tong si Farahtot parang sobrang kilala n’ya si Giovanne?

“Hey, there, Ara. I'm fine,” he chuckles and pushes away the girls around her. He tap the seat beside him and this Farahtot suddenly pulled me towards the seat.

“This is Priscilla, my bestfriend. Priscilla, this is Giovanne, my brother’s bestfriend,” ah, kaya naman pala mukhang kilalang-kilala n’ya. I just smiled at him and nods.

“You look beautiful, Priscilla...” he smiled at me and suddenly whispers, “and hot,” others may not hear it but I heard it clearly. Ang lakas kaya ng pandinig ko! I suddenly blush, and I know when I’m blushing, sobrang mamumula ang mukha ko!

So I grab the shot glass in front of me and drink it, bottoms up. Hindi pa ako nakuntento at ininom pa ang dalawa.

“Woah there! This girl is really, really wild, Farah. Hahaha,” damn his laugh! Why does he looks sexy while laughing?

“Yes, and she’s mine,” I suddenly look at the man with familiar voice who suddenly spoke. What? No, it can’t be! Why is he here?

Fall For You( ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon