Five✔ 3234

27 1 0
                                    

Napag desisyunan na ni Zenon at Lorena na bumalik na sa loob. Hindi pa sila totally nakakapasok ay rinig na nila agad ang malalakas na sigawan sa loob. Biglang nataranta si Zenon sa isiping mga kapatid nya iyun.

Nagpaalam muna sya kay Lorena at ng pumayag ang dalaga ay saka lang sya kumaripas ng takbo papunta sa kinaroroonan ng mga sigawan.

"Ano? naglalandi kana?" Gulat na tinignan ni Zenon kong saan nanggaling ang bosis at nakita nyang ama nya iyun at nakahawak ito sa buhok ng kanyang ate Mapple.

"Rohilio! bitawan mo ang apo ko ngayun din!" Umalingawngaw ang malakas na at galit na bosis ng lolo ni Zenon. Ang kaninang gulat na naramdaman ni Zenon ay napalitan ng pagka pikon at galit.

"Sir, hindi naman po tama ang ginagawa nyu." Biglang may lalaking lumapit sa ama ni Zenon at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa buhok ng ate ni Zenon.

"Sino ka? Ikaw ba ang nobyo nito?" Nang-uuyam na tanong ng ama ni Zenon at maslalo pang hinila ang buhok ni Mapple.

Hindi magawang lumapit ni Zenon dahil hindi nya inakalang pati sa bahay ng kanyang lolo ay dadalhin ng kanyang ama ang ugaling basura nito.

"Ging, alam nyu na ang gagawin sa lalaking yan." Sabi ng ama ni Zenon. Samantalang sapilitang hinila ni Ging si Justine. Ipapabugbog ito, lahat ng mga manliligaw at magbabalak na lumapit sa kambal ay pinapabugbog ng ama ni Zenon.

"Rohillio! Steve, Glenn Pigilan nyu si Ging. Leo ilabas mo si Rohillio. Hindi kaba nahihiya? hindi na bata ang mga anak mo Rohillio! kong nabubuhay lang si Marcella alam kong iiwan ka nya dahil diyan sa ugali mo. Hindi ko alam kong bakit ikaw ang napili ni Marcella. Hindi pa ba sapat na nawala ang asawa mo ng dahil sayo?!" Malakas na sigaw ng lolo ni Zenon.

Maraming bulung bulungan at taong nakiki siksik para lang makita at marinig kong ano man ang pinag-aawayan ng pamilyang Foxx.

"Ako ang magdedesisyun para sa mga anak ko at wala kang karapatan para pagsabihan ako." Napasinghap ang karamihan at nagulat ang lolo ni Zenon sa pagsagot ng ama nito.

"Tumahi-" biglang nabuwal sa pagkakatayo ang matanda, mabuti nalang ay nasa likod nito ang mga tagapag bantay nito at nasalo ang matanda.

"Rafael!" "lolo!" sabay na sigaw ng mga apo at asawa ng lolo ni Zenon. "Take that bastard out of my house!" galit na sigaw ni Euliminda sa mga guard na ngayun ay nakapalibot na sa matandang nahihirapang huminga.

Hindi parin makapaniwala si Zenon na kayang sagutin ng ganun ng kanyang ama ang sarili nitong ama.

Alam nyang bastos sya sa kanyang ama pero may dahilan iyun at malalim ang sugat na idinulot ng kanyang ama kaya hindi nya ito magawang patawarin at ibalik ang dati nyang respito dito.

"Bitawan mo si Mapple!" ngayun lang nakabawi sa pagkakabigla si Zenon. Hinila nito ang kanyang ate at nilapitan si Apple na ngayun ay umiiyak sa tabi ni Lief na pinsan ni Zenon sa kanyang Mother Side.

"Kuya Lief pwedi bang pakihatid sila ate Mapple sa bahay?" tanong ni Zenon sa kanyang pinsan. Tumango lamang ito at inalalayan ang dalawang kapatid palabas.

Hindi na pinansin ni Zenon ang bulungan at mga tingin ng mga tao. Hinahanap nya si Konner. Nakita ni Zenon si Konner na nasa tabi ng kanyang tita Magda.

Forbidden Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon