"Alam mo bang may bayad kapag late?" Biro ni Louie kay Zenon dahil tanghali na ito dumating. "Luko kota na ako." Natatawang sagot ni Zenon.
Simula umaga hanggang gabi ang inuman nila kaya madali silang mamamatay nito dahil sa alak. Pagpasok ni Zenon ay tumambad sa kanyang ibat-ibang alak at ang ilan sa mga kaklase nila ay nandun din.
Karamihan ng tao doon ay hindi nya kilala pero hindi naman iyun problema. Hindi naman sya introvert para tumambay lang sa tabi at hindi makipag halubilo dahil ito ang mundo nya.
Kong saan makikisama sa mga taong hindi nya kilala at kalaunan ay magiging kaibigan nya rin. "Yow! nandito ang bunso sa tropan natin!" Sigaw ni Angelo. Nakipag weird hand shake muna sya sa lahat ng kakilala nya at nahagip ng kanyang mata si Gella.
Kinindatan sya nito at bahagya pang kumukod para maipakita ang dibdib nito. Binigyan nya nalang ito ng ngiti bago pumunta sa kumpol ng mga taong naglalaro doon.
......•......
Madilim na sa labas at Karamihan sa kanila ay lasing na pero hindi parin tumitigil sa paglalaro at pag-iinoman ganun din naman sya pero sinigurado nyang hindi sya magpapakalasing dahil masakit kapag nagkaroon ng hangover.
"Buti naman at pinayagan ka James." Puna ni Louie. "Maraming ginagawa si Christian kaya naman alam nyang mabuburyong ako sa bahay dahil hindi nya ako maaasikaso kaya pinayagan nya ako." Paliwanag ni James sabay inom ng alak at nagsalin uli at inabot sa kanya.
Paikot kasi iyun. Tinanggap nya ang baso at tinungga na. "So pwedi kang tumikim ng babae ngayun?" Ungot naman ni Jason. Natawa naman si James sa tanong ni Jayson. "Loko hindi. Taken na ako at hindi na pweding lumandi." Halata namang seryoso si James sa sinabi nito dahil hindi manlang nagbago ang pustora ng mukha nito.
"Pano ba yan girls hindi pwedi tong isa dahil 'Taken' na daw pero syempre hindi kayo uuwing luhaan dahil nandito pa naman ang alas ng grupo." Sabi ni Louie.
Sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga kaibigan nya kasama dun si James at nakita nya namang bahagya itong natawa. Siniko nya si James dahil doon.
Ito lagi ang ginagawa sa kanya ng barkada. "Dare lang naman pare, pagbigyan muna." nakita ni Zenon na binulongan ni Gella si Jayson. "Ito daw si Miss hot." Nakangising sigaw ni Jayson.
"Kiss! Kiss! Kiss!" Pati ang ibang grupo ay nakatingin at nakiki kantyaw narin. "Nakaraan ako ang ginawa nyung pain pati ba naman ngayun?" Ongut nya dahilan para tawanan sya ng nga ito.
Nakaraan kasi ng pumunta sila sa isang Party at ganito din ang ginawa sa kanya tuwing may kasama silang babae o binabae pero hindi nya pinatulan yung binabae baka pinatay sya ng mga kapatid nya at ng Nanay nya.
"Alam mo namang ikaw ang pinaka bata sa grupo kaya ikaw lagi ang tinitestingan." sabi pa ni Marko.
"Tss." Sabi nya. "Baka naman si James yung gusto mo at hindi ako." Dagdag pa ni Gella kaya nagsitawanan ang mga nakarinig.
"Oy! si Zenon nag-iibang daan na!" Hindi naman nainis si Zenon sa mga naririnig nya at nakisabay pa sa tawanan ng mga ito.
Lumapit naman sa kanya si Gella at parang linta na kumapit sa kanyang braso at bahagyang dumampi ang dibdib nito sa kanyang balikat.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [COMPLETED]
RomanceStatus: Complete Language: Filipino/English Words per Chapter: 3k+ Total words: 34,482 You can Email me if you need something or anything regarding to my stories. 📧 :callmenightoratenight@gmail.com Nakilala ni Zenon si Lorena sa isang cl...