Isa, Dalawa, tatlong araw at hanggang sa umabot iyun ng dalawang linggo't kahit isang bisis ay hindi nagpakita si Zenon kahit ang anino nito ay hindi nya nasilayan sa mga nagdaang mga araw.
Siguro nga ay tuluyan ng nawalan ito ng intires sa kanila ng kanyang anak kaya hindi na ito bumalik pa.Sinubukan nyang tawagan at puntahan ang binata sa bahay nito ngunit walang kahit isang sumubok na kausapin sya at ipaalam kong buhay pa ba o kong humihinga pa ito.
Para syang dispiradang babae na naghahabol sa isang lalaking hindi man nya alam kong may pakialam ba talaga sa kanila ng anak nya.
Ilang araw bago nya na-realize na wala naman syang dapat ikagalit dito o habulin ito dahil hindi naman ito ang ama ng anak nya at kahit isa ay wala syang naalalang nangako ito sa kanya.
Masakit ang umasang may lalaking magpapahalaga sayo, palibhasa may anak kana ay hindi ka nila sisiryusohin dahil dun.
Mahirap mabuhay at araw-araw kang umaasa at nag-aabang ka kong may tao pa bang magmamahal sayo kahit na maysabit kana.
Sa kanyang edad ay hindi parin sya sumusuko at pilit na umaasang may isang taong darating at pasasayahin uli sya at ang kanyang anak.
Masama bang mangarap ang isang ina? Wala naman atang batas ang bawal umasa at maging masaya.
Habang nasa harden at nagpapahangin si Lorena ay biglang lumapit sa kanya ang kanyang anak na si Konner. "Mommy, kailan babalik si kuya daddy?" Pilit na ngiti ang iginawad nya sa kanyang anak ngunit kahit anong tago nya sa katutuhanang hindi na ito babalik ay hindi nya magawang magsinungaling dito.
"Baby, hindi alam ni mommy kong babalik pa ba si Kuya Daddy. Baka may ibang girl ng gusto si Kuya Daddy baka hindi na sya bumabalik pero wag kang magagalit kasi naging mabait naman sya sayo at kay mommy."
"Baby, alam ni mommy na gusto muna talagang magkaroon ng daddy katulad dati pero pinaliwanag ko naman sayo na hindi na babalik ang totoo mong daddy dahil masaya na sya sa ibang girl diba?" nagulat si Lorena ng lumapat sa kanyang mukha ang maliit na palad ng kanyang anak at mistulang may pinunasan ito.
Saka nya lang napag-tantong umiiyak na pala sya at namumuo narin ang mga luha sa mata ng kanyang anak. "Mommy, alam kong miss muna rin si Daddy pero nandito naman ako. Hindi kita iiwan katulad ng ginawa nya. Promise gagawin ko ang lahat para mapasaya ka." Disididong saad ng munting paslit.
"Binata na ang baby ko." Hindi nya maiwasang matawa sa tinuran nito. Para talaga itong matanda kong mag-isip. Kong tatanungin mo sya ay mag-mumukha pang matured mag-isip ang kanyang anak kisa sa kanya.
Pinunasan nya ang kanyang pisngi at tinitigan ng mabuti ang bawat ditalye ng mukha ng kanyang anak. Ito nalang ang tanging taong nagbibigay sa kanya ng lakas at diterminasyun para lumaban at ipag-patuloy ang kanyang buhay.
"Yes naman mommy! big boy na ako eh." Naka ngiti na silang pareho at hindi na mababakas sa kanilang mukha ang lungkot na kanilang naramdaman kani-kanina lang.
Pagkatapos nyang makipag laro sa kanyang anak ay agad na syang naghanda para pumasok sa opisina.
Iniwan nya muna si Konner kay Manang at binilin nya rin ito sa iba pang mga kasambahay.
Kahit mabigat ang kanyang loob dahil sa sakit na kanyang nararamdaman dahil hindi na muling nagpakita sa kanya si Zenon ay naghanda parin sya ng isang masayang ngiti at sinimulan ang kanyang araw.
BINABASA MO ANG
Forbidden Love [COMPLETED]
RomanceStatus: Complete Language: Filipino/English Words per Chapter: 3k+ Total words: 34,482 You can Email me if you need something or anything regarding to my stories. 📧 :callmenightoratenight@gmail.com Nakilala ni Zenon si Lorena sa isang cl...