Chapter 1

251 8 0
                                    

"HOY saan ka galing?"

"paki mo ba?"
napipikong saad ko habang sinisipa yung bato sa daanan

"kanina pa kaya kita hinahanap"
nguso niya

"alam mo monmon? naiirita ako sa'yo, kaya pwede ba!? lumayas ka muna sa harapan ko"

kumunot naman yung noo ko kasi pumunta siya sa tabi ko at sumabay sa paglakad ko

"anong ginagawa mo?"
naiiritang saad ko

"sabi mo umalis ako sa harapan mo? edi dito ako sa gilid mo, hehe"
nagkakamot-ulong saad niya

"argghhh, ano bang kailangan mo ha?"

"wala"

"eh bakit nandito ka?"

"ibabalik ko tanong mo sa'kin, bakit nandito ka?"

"huh?"

"tanga neto! diba ganitong oras nasa bench na tayo nila kevin?"
nguso niya

"ayy! nakalimutan ko"

"ano ba kasing iniisip mo ha?"
reklamo niya

"wala ka na don, shu"
pagtataboy ko sa kaniya tsaka diretsong naglakad papuntang bench, sa tambayan naming magtotropa

tinapik ko naman kaagad yung balikat ni ck dahil halatang problemado siya

"uyy"
tanging sambit niya

"problema mo?"
nguso ko saka pasalampak na umupo

"umayos ka nga ng upo, nakapalda ka"
suway ni monmon

"huwag mo nga akong pakialaman"
reklamo ko

hindi na siya pumalag dahil matatalo din naman siya

"nakakainis naman kasi eh"
saad ni ck tsaka iniuntog yung ulo niya sa lamesa

"hoy tanga, baka magkabukol ka"
tatawa-tawang saad ko

"si Rome kasi! binabantaan ako"

nag-init naman agad yung ulo ko sa sinabi ni ck

problemang lalaki na naman amp.

"anong ginawa sa'yo? banatan ko na ba?"
akma akong tatayo para pumunta sa basketball court pero pinigilan niya ako

"sabi niya hanapan ko daw si ynamir ng magiging girlfriend for 3months"
nguso ni ck

umupo naman ako bigla

"eh bakit ikaw ang pinaghahanap?"
reklamo ni frayna

"oo nga, may abo ba utak non?"
nguso ko

nakita ko naman mula sa malayo si Alexa, paniguradong galing siya sa training ng volleyball

"alam ko na sino pagpapanggapin nating girlfriend niya"
ngisi ko habang nakatitig sa papalapit na si Alexa

"oo nga noh, mahirap daw landiin 'yan si alexa, kaya suko mga lalaki dito sa campus sa kaniya"

"hoy, tigilan niyo esang ko"
nguso ni sean

"hanggang kaibigan lang tingin sa'yo ni esang"
ngisi ko

"ayos lang, basta ireto niyo na lahat sa kaniya huwag lang si ynamir"

"at bakit?"
taas kilay kong saad

"I just don't like him for Alexa"
saad nito

"kanina pa kayo guys? sorry ha, si coach kasi ang daming satsat"
nahihiyang saad ni alexa

"ayos lang"
saad ni chloe

siniko ko naman si chloe dahil baka ilaglag yung plano namin

ngumiti naman siya bilang sang-ayon sa plano

"SABAY na tayo umuwi"
nakangiting saad ni Monmon

at dahil nasa mood naman ako ngayon, pumayag ako

"kilala mo si Ashirt?"
tanong ko sa kaniya

"oo bakit?"

"crush ko siya"
nakangiting saad ko

nakita ko naman yung panghihinayang sa mukha niya kaya napikon kaagad ako

"ano!? may gusto ka din kay Ashirt kaya ganiyan itsura mo?"

"wala, pero sa'yo meron"
ngisi niya

"eww! nakakadiri ka uy, ayoko sa may lawit"
saad niya

"promise, sa future kakainin mo din iyang sinasabi mo"

"pa'nong kain?"
pangbabara ko

"kainin kita gusto mo?"

"yuck, carnivore ka pala?"

"ibang kain ibig kong sabihin"
saad niya

namula naman yung pisngi ko sa sinabi niya

"kadiri ka, napakadugyot mo"
saad ko tsaka siya sinabunutan

"ilibre mo nalang ako ng jampong"
saad ko habang nasa harapan kami ng tindahan

"sige, malakas ka sa'kin eh"
saad niya

"ate damihan mo ng maanghang ah"
saad ko sa tindera

"WOOHHHH ang anghang hayup"
saad ko habang pinapaypayan yung bibig ko

"sino ba kasing tanga ang nagpalagay ng madaming maanghang? Diba Maxine?"
pang-aasar niya habang naglalakad kami pauwi

"isang beses pa na tawagin mo'kong maxine, never na kita kakausapin"
nagbabantang saad ko

"sabi ko nga MM"

ngumiti naman ako tsaka kumain ulit ng jampong

"hoy? anong flavor binili mo?"
saad ko

"beef"

"patikim ako"
saad ko tsaka kumuha sa jampong niya

"ang ano naman ng lasa, wala man lang kaanghang-anghang"
reklamo ko

"baka bawal ako ng maanghang anoh?"

ay oo nga pala
bawal siya ng maanghang

"pffft... nagmumukha ka kasing tigyawat na may konting tao"
pang-aasar ko

"sige asarin mo pa ako, ipagkakalat ko sa campus na girlfriend na kita"

tumahimik naman ako dahil sa sinabi niya

bakit ang unfair niya gumanti?
sunugin ko mga boxer niya eh

"ano? boxer ko na naman pag-iinitan mo?"

"huh? paano mo nalaman?"

"boxer ko naman lagi pinag-iinitan mo kapag napipikon ka eh"
saad niya tsaka itinapon yung baso sa basurahan

"HI migmig"
saad ko

"hello ate MM"

"hello there Maxine"
saad ng mommy ni Monmon

napangiwi naman ako kasi tinawag niya akong Maxine

yumakap naman sa akin si miguel kaya binuhat ko siya

"bigat mo na migmig ah"

"sabi mo po kasi kumain ako madami kaya sinunod ko"
saad nito

"wow! verygood"

"ate hintayin Mo'ko lumaki ha?"

"bakit naman baby?"

"kasi paglaki ko papakasalan kita"
ngiti niya

pinisil ko naman yung ilong niya

"hoy, aagawan mo pa ako?"
panggugulo ni monmon sa buhok ni miguel

"hanap ka ng sarili mo kuya"
nguso ni miguel

"akin yan si mm inaagaw mo pa"
pang-aaway ni monmon  sa kapatid

siniko ko naman siya dahil nangingilid na yung luha ni miguel

"sige baby, hihintayin kita"
saad ko na nakapagpangiti dito

sumimangot naman ng todo si Monmon kaya inirapan ko lang siya bago nakipaglaro sa kapatid niya

______________________________________

I Lied That I Don't Love You (campus series#2)Where stories live. Discover now