Chapter 4

159 9 0
                                    

"NAKIKITA MO 'TO?"
tanong ni monmon sa akin tsaka itinuro yung dibdib niya

tumango naman ako

"oh? ano meron?"

"nandiyan ka, sa puso ko"
ngisi niya

"ahhh? eh eto nakikita mo?"
tumango naman siya tsaka tumitig sa kamay ko

"congrats, may mata ka"
humalakhak naman ako pagkatapos kong sabihin yun

"Mm naman eh"
nguso niya

"oh? inaano kita?"

"pakiss ako girlfriend"
nguso niya

24 hours lang naman 'to
kaya sige na nga baka umiyak pa siya eh

hinalikan ko naman siya sa labi kaya
natawa ako dahil natulala siya

"kiniss mo talaga ako?"
nanlalaking mata na tanong niya

"ayaw mo ba?"
painosenteng saad ko

"hindi ah, gustong-gusto ko nga eh, tara sa Ferris wheel"
aya niya sa'kin

nagpahila naman ako sa kaniya

"SA inyo ako tutulog ha?"
saad niya

"huh? bakit naman?"
tanong ko habang nakatingin sa magandang view mula dito sa taas

"sayang yung natitira kong oras eh, kaya susulitin ko yung 24 hours"
saad niya tsaka sumandal sa balikat ko

"ayos ka din mag-isip ah"
biro ko

"bakit? ang swerte ko na nga kasi pumayag ka na maging boyfriend ako kahit 24 hours lang"

"natalo ako sa dare eh, kaya tinupad ko"

"bakit ang bait mo sa'kin ngayon?"
tanong niya

"bakit? gusto mo ba aawayin kita lagi?"
ngisi ko

umiling naman kaagad siya tsaka ako niyakap ng mahigpit

tinadtad naman niya ako ng halik sa labi kaya natatawa ako

"ano ba, ang clingy mo sobra ha"

"gusto mo naman eh"
tawa niya

umiling nalang ako tsaka tumitig sa labas ng ferris wheel

"ATEEEEEEEE"
sigaw ko pagkapasok ko sa kwarto

"ano ba? ang ingay mo"

"nasaan yung isang foam? bakit nawala dito sa kwarto ko?"
singhal ko

"pinahiram ko sa kapitbahay"

"ate naman eh! dito matutulog si mon, kaya i need that foam"

"ang arte mo, kaya niyo naman matulog ng magkatabi, nag-iinarte ka pa"

"tsss!"
padabog ko namang isinara yung pinto tsaka nakacrossed arms na tumingin kay monmon na abot tenga na ang ngiti ngayon

"saya mo?"

"oo sobra"
saad niya tsaka niyakap yung unan ko

"urong"
reklamo ko

"ayaw"

humiga naman ako sa tabi niya tsaka akmang maglalagay ng unan sa gitna namin pero yumakap kaagad siya

"hoy mon, ano ba"
reklamo ko

"bawal umangal, pagkagising natin bukas, back to reality na ulit"
nguso niya tsaka hinalikan yung leeg ko

kinilabutan naman ako sa ginawa niya

I Lied That I Don't Love You (campus series#2)Where stories live. Discover now