Chapter 2

186 8 0
                                    

"HOY babae"
sigaw ko kaagad kay Alexa
nang makita ko siyang badtrip na naglettering sa bench

"HOY tibo"
balik na saad niya sa'kin

"nasaan sila ck? bakit hindi mo kasama?"
tanong ko

"eh ikaw? nasaan si aloh? bakit hindi mo kasama"
ngisi niya

hahampasin ko sana siya ng libro pero dumating na kaagad sila ck

inis na umupo tuloy ako sa bench katabi nila

as usual puro bangayan at away ang nangyari sa buong oras ng tambay namin

ang lalakas naman kasi mang-asar ni sean at monmon kaya kaming mga babae napipikon este sila lang pala
lalaki kasi ako

"oo nga naman mm, gwapo naman si monmon, pero bakit ayaw mo sa kaniya?"
ngisi ni frayna

"gusto mong sungalngalin kita nitong sumbrero ko?"
naiiritang saad ko
itinaas naman niya yung dalawang kamay niya, katibayan na sumusuko na siya sa pagitan naming dalawa

pasimple namang umakbay sa'kin si monmon, kaya mas lalo akong nairita

"aalisin mo 'yan o puputulin ko?"

"kaya mo?"
ngisi niya

tinawag ko naman yung hardinero sa garden ng school

"kuya, pahiram nga ako niyang itak mo"
saad ko tsaka lumapit sa kaniya

"bakit ijah?"

"ah may paggagamitan lang po"
ngisi ko tsaka tumingin sa table naming magkakaibigan

sumigaw naman si aloh kaya nagtawanan sila chloe

"mahal, nagbibiro lang ako"
sigaw niya

"anong sabi mo?"
naiinis na saad ko

"sabi ko MM ayoko na please, biro lang talaga yun"
natatakot na saad niya tsaka sinasalag yung itak

"oh kuya isinasauli ko na, ayoko palang maging kriminal"
saad ko tsaka ibinalik yung itak kay kuyang hardinero

"HOY may boyfriend kana pala, di mo man lang ipinapakilala sa'min"
pagkukunwari ko kay Alexa

"busy yun, next time nalang"
saad niya

"ikaw? kailan mo'ko balak jowain?"
singit ni monmon

"gusto mo?"
ngiti ko sa kaniya

tumango naman siya tsaka ngumiti

"mamatay?"
ngisi ko pabalik

nanlaki naman yung mata niya tsaka inubos yung juice na iniinom niya

nakita ko naman si Alexa na nakatitig kay kevin tsaka kay chloe

akala ko ako lang nakakapansin sa dalawang toh, siya din pala..

parang may sariling mundo si kevin kapag kasama niya si chloe

may gusto kaya siya kay chloe?
Sa bagay, ano bang alam ko sa pag-ibig?

sinipa naman ni monmon yung paa ko sa ilalim kaya pinandilatan ko siya ng mata

inginuso naman niya si ashirt
kaya napaupo kaagad ako ng tuwid

"ang ganda talaga ni ashirt amp."
saad ko habang nakatitig sa kaniya na naglalakad kasama mga kaibigan niya

inagaw naman ni monmon yung sandwich ko kaya pinabayaan ko nalang, bahala siya sa buhay niya

basta ako nakatitig lang kay ashirt

ang ganda-ganda niya talaga shit!

nadistract naman ako kay frayna dahil kilig na kilig siya sa kachat niya

I Lied That I Don't Love You (campus series#2)Where stories live. Discover now