Chapter 13

138 9 0
                                    

"Mommy i want some cake"
naglalambing na yakap ni micah sa'kin kaya napangiti ako

"saan mo gusto bumili?"

"sa starbucks nalang po mommy"

"huh? diba you don't like starbucks cake?"
saad ko

"i know mommy, pero biglang gusto ko po dun eh"
kibit-balikat na saad niya

marahas na ginulo ko naman yung buhok niya

"ok then, starbucks tayo"

"yeheyyyy"
nagtatalon na saad niya tsaka kinuha yung hello kitty bag niya

"come on mommy, nagwewait na sa'kin yung cakes"

habang nagmamaneho naman ako kanta ng kanta si micah ng frozen song kaya nalilibang din ako

"for the first time in forever~"
awit nito na sinasabayan ko din kaya lalo siyang natutuwang kumanta

"mommy, you like queen elsa too?"

"of course baby, lahat ng gusto mo, gusto ko din"
saad ko

"really? i want to meet my real daddy na po! edi want mo na din yun?"
nagpapacute na saad niya

nakagat ko naman yung labi ko dahil sa katalinuhan ng anak ko

"soon baby"
saad ko tsaka ipinark yung kotse sa labas ng shop

nauna naman pumasok si micah kaya napailing nalang ako
nakahanap kaagad siya ng upuan kaya umorder muna ako para sa'ming dalawa

kape nalang ang inorder ko tsaka chocolate cake kay micah

kumain naman kaagad siya habang kinakausap yung hello kitty doll niya kaya natutuwa akong panoorin siya

tumawag naman sa'kin si rhupert dahil siguro sa trabahong iaalok niya sa'kin

"baby sagutin kolang call ni tito rhupert ha?"
saad ko

tumango naman siya tsaka nagthumbs up kaya tumayo muna ako para kausapin sa phone si rhupert

KINABAHAN naman ako nang mawala sa lamesa si Micah

kumakain lang ito ng cake kanina habang may kausap ako sa phone

wala sa sariling tumayo ako at hinanap ang anak sa loob ng store

"micah?"
tawag ko sa anak ko habang palingon-lingon

shit! hindi pwedeng mawala ang anak ko, siya lang ang lakas at kahinaan ko

sa kakahanap ko naman kay micah may nakabungguan akong lalaki

"oh ikaw pala"
saad nito

medyo nailang naman ako dahil si monmon pala ang nakabungguan ko
parang kagabi kasama ko din siya ah

"you ok?"
tanong nito

"yeah, I'm ok"
saad ko tsaka lumingon-lingon

"mukhang may hinahanap ka ata?"

nanlaki naman yung mata ko
baka magkita sila ni micah shit!

hindi sila pwedeng magkita ni micah

kausap ko sa sarili ko

"ah eh wala naman"
palusot ko habang nagmamasid

"you sure? ahm mauna na ako"
saad nito

nakahinga naman ako ng maluwag dahil umalis na siya sa store

nakarating naman ako sa may dulo ng shop kakahanap kay micah

"gotcha mommy"

sigaw ni micah sa likuran ko kaya napaigtad ako sa gulat

"where have you been silly girl?"
pisil ko sa ilong niya

"I've been hiding from you mommy"
honest na sagot nito kaya napangiti ako

good girl!

"don't do that again ok? you make me nervous"
saad ko habang nakanguso

"yes mommy"
saad nito tsaka isinubo yung lollipop

"saan galing 'yan?"

"ah dun po sa handsome guy"
saad ni micah tsaka tumingin sa doll niya

marahan naman akong tumango tsaka ngumiti

iiwanan ko muna siguro si micah kay chloe, may pag-uusapan pa kasi kami ni rhupert tungkol sa business at kung ano ano pa

"mommy? magkikita po kayo ni daddy rhupert?"
ngiti ni micah sa'kin

"yes baby"

napaikot naman ang mata ko dahil kay rhupert
masyado niyang inilalapit ang sarili sa anak ko
mamaya eh masanay si micah

isusuot ko na sana ang seatbelt ni micah nang may magtext sa cellphone ko

from: 09545******

kindly save my number, wanna talk to you in person

-monmon

napatakip naman ako sa bibig ko tsaka sinuotan kaagad ng seatbelt si micah

shit ka monmon!

"is there anything wrong mommy?"
saad nito

"none baby"
ngiti ko tsaka nagsimulang magmaneho

saan naman nito nakuha ang number ko? nakakabanas naman oh!

"YEHEY magdodrawing po ulit tayo tita ninang?"
saad ni micah kay chloe

"sure baby"

"eh tito? tuturuan mo po ulit ako ng laws?"
nakangiting saad ni micah

"of course"
ngiti nito sa anak ko

aba? halos lahat ata natututunan na ng anak ko ah

baka random work kuhanin nito kapag nagdalaga na

"bye mommy iloveyouuuu"
saad nito tsaka nagflying kiss sa akin

naihulog ko naman yung calling card na galing kay Tristan sa elevator kaya dinampot ko kaagad

ano kayang kailangan ng tristan na yun?

"SO ano? payag kana?"

"hmmm! sige na nga"
nguso ko

"mabait naman magiging amo mo for sure! tsaka madami naman kaming mag-aalaga kay micah ah"
nguso ni rhupert

"oo na! kelan ako magsisimula?"

"ngayon"

"w-what? now na? as in?"

"biro lang, ngayon kayo magmimeet ng magiging boss mo, be ready, future secretary Maxine"
kindat niya

napailing nalang ako tsaka siya hinampas sa balikat

this is it
ipapamanage ko muna sa iba ang coffee shop ko

para din naman toh sa future ng anak ko kaya dapat na makipagsapalaran ako sa agos ng buhay...
_____________________________________

I Lied That I Don't Love You (campus series#2)Where stories live. Discover now